Chapter 14: Where are you?

5.3K 249 36
                                    

A/N: Hi everyone! how's your day? stay safe po! Anyways, someone told me that this story is kinda similar to 'Charm Academy'. So, i tried to read it and it was sooo beautiful. It was a very inspiring story but it makes a huge difference between our stories. Wait and look forward to the next chapters! Thankyou!

---


Pagkatapos namin makinig sa discussion ni Cher Jade ay nagplano naman kaming kumain sa Dining Hall. Hindi na sumama sila Ethan at Dylan dahil binigyan sila nang panibagong gawain ng apat na guro.

"Ely, tomorrow is your first training with Ethan. Aren't you scared?" bahagya siyang sumulyap sa akin habang naglalakad kami patungo sa Dining Hall.

Agad akong napahinto sa sinabi nito at napaisip. Alam kong hindi magiging maayos ang training namin kung siya ang makakasama ko pero naniniwala ako sa mga guro na dapat ngang si Ethan ang gumabay sa akin.

"I don't know." tipid na sagot ko dito

Nang makarating kami sa Dining Hall ay expected na marami ang titingin sa aming gawi. Pinili naming umupo sa gitna. Si Charli na ang bumili ng pagkain ko habang si Jackson at Cheska ay nagbabangayan sa isang bagay.

"Just fvck with yourself, Jack. My lipstick doesn't concern you." inis na sabi ni Cheska at inirapan ito

Ngayon ko lang nalaman na ang pinag-aawayan pala nila ang shade ng lipstick ni Cheska. Bagay naman sa kaniya at ano bang pake ni Jackson dito?

"Mukha ka kasing 90s people." ani Jackson habang tamad na nakasandal sa upuan.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May alam pala siya sa mundo ng mga tao?

"Damn, your face is funnier than Cheska's lipstick!" ani Jackson habang tinatawanan ako

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko ah!

Agad kong hinablot ang tenga nito at ilang beses na pinitik. "Go, Elysse. Galingan mo pa!" pagcheer sa akin ni Cheska habang tumatawa na din

"O-Ouch!" daing nito habang ako naman ay hindi matigil sa kakatawa. Mas nakakatawa ang mukha niya!

"Oh anyare naman sa inyo?" tanong ni Sky habang nilalapag ang pagkain na binili. Agad ko naman binitawan ang tenga ni Jack na namumula na sa sakit.

"Nothing." ngiti ko

Napailing naman ito at sumunod na dumating si Charli na may hawak ng mga inumin namin.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming nagpaalam para makapagpahinga na sa mga sariling kwarto. Habang naglalakad kami ni Charli ay napansin kong gumaling na ang sugat nito mula sa training nila ni Cheska.

"We have the best healer, Elysse." aniya.

Napagtanto ko sa mga training nila na hindi agad gumagaling ang sugat nila gamit lamang ang kapangyarihan nito. Kailangan mo pang dumaan sa proseso ng isang healer para mabilis na mapagaling nito. Our body is normal katulad ng mga normal na tao pero having the abilities? ito ang nagiging dahilan kung bakit abnormal kami. Lol

Nang gumabi ay nauna na akong lumabas para kumain. Hindi ko na ginising si Charli dahil alam kong pagod ito mula training. Sinarado ko nalang ang pinto at tinahak ang Dining Hall.

Naabutan kong masinsinan na nag uusap ang tatlo pero tumahimik lamang sila nang makarating ako dito. Kumunot naman ang noo ko sa mga inasta nila.

"What happened?" tanong ko at tumabi kay Cheska.

"Alam mo, Ely.. kung ako sayo nagdadasal na ako." ani Jackson at nginitian ako.

"Para saan?"

"Bukas na kasi ang training mo, baka lang naman nakakalimutan mo." aniya at tumayo para umorder ng pagkain.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon