Chapter 39: Downfall

3.2K 143 19
                                    

Halos hingalin ako nang ibinaba ko ang aking kamay kasabay nito ang pagbagsak ng kanilang mga katawan.

"Bravo!" sigaw ng matanda.

He laughed. Bumalik siya sa kaniyang pwesto kung saan walang alinlangan niyang binuhat ang katawan ni Jackson.

"My turn." aniya

Napahinto kaming lahat habang pinagmamasdan ang galaw ng matanda. I know, he's crazy at alam kong hindi siya magdadalawang isip na tanggalan ng buhay ang hawak nito.

Jackson.

"Tangina, tigilan mo na 'to!"

Umalingawngaw ang boses ni Dylan. Walang nagbalak na sundan ito. Alam kong ramdam namin ang peligro sa maaaring gawin ng matanda.

Ngumisi ito.

"Madali lang naman akong kausap kung ibibigay niyo siya sa akin." aniya habang nakatingin sa akin.

Alam kong matagal na niyang pinagplanuhan ito. Kapag gumawa ako ng maling desisyon, maaaring madamay ang taong hawak nito. Hindi ko na gugustuhin pa kung may mawala na naman dahil sa akin. Alam kong sa oras na ito, pinapanuod ako ng aking pinakamamahal na kapatid.

Patawad kung mabibigo kita.

Tumingin ako kila Mom para magpaalam. This is not the end, I promise.

Umiling si Mom at sinubukang lumapit sa akin pero niyakap siya ni Dad para hindi makalapit and he mouthed this words.

'i love you forever'

I nodded. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na kapwa umiiyak na din.

"Sky, do something!" sigaw ni Charli, sinubukang lumapit sa akin.

Ngumiti sa akin si Sky at tumango.

Tinalikuran niya ako para harapin ang mga kaibigan ko. Alam kong magkikita muli kami, kailangan ko lang talagang gawin ito para sa kanila.

Gamit ang kapangyarihan ni Sky, she manage to control their feelings. Alam kong gumagawa na siya ngayon ng isang illusion para hindi masaksihan ng mga kaibigan ko, ang pagsuko na gagawin ko.

"Fvck. Tigilan mo 'to Sky!" sigaw ni Dylan habang nilalabanan ang kapangyarihan niya.

Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Ethan. Ramdam ko ang basa mula sa aking balikat. He's crying.

"D-Don' t do this to me..." he whispered.

Dahan-dahan bumaba ang kaniyang kamay at tuluyan na siyang bumigay sa sahig katulad ng iba kong kaibigan.

"We'll see each other again, Ethan." bulong ko.

Tumayo ako at pinunasan ang luha na kanina pang nagbabadya na lumabas. Hinarap ko ang mga mabuting guro na minsan ko na ding hinahangaan dahil sa kanilang tiyaga at motibo sa kanilang buhay.

"Thank you, ma'am sir." bati ko.

Tumango silang lahat at hindi nakaligtas sa akin ang luha na nagmumula kay Cher Holly.

"Magkikita ulit tayo, anak." she whispered, sapat na iyon para marinig ko.

I nodded for the last time. I saw my parents begging for my decisions.

"Magkikita na kami ni ate, Mom."

Lumakas ang iyak nito at ilang beses na pinalo ang braso ni Dad. Alam kong masakit sa pwesto ni Dad ang gagawin kong desisyon pero alam kong tanggap na niya ang gagawin ko.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon