Chapter 15: Pioneer Academy

5K 247 39
                                    

Isang araw na makalipas simula nung training ko. Kahapon ay bumalik na sa klase sila Charli at Cheska pero hindi ko pa sila natatanong kung anong nangyari kila Dylan. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mahagilap ang dalawa.

Pinili kong mapag-isa at sinubukan hanapin ang pwedeng sumagot sa mga katanungan ko. Nung una ayaw pa akong pakawalan ni Jackson but thanks to Cheska, nakaalis ako.

Dumiretso ako sa library at agad na hinanap ang libro tungkol sa paaralang ito. I know, simula nang makapasok ako dito maraming katanungan pa din ang hindi naisasagot, masyado lang akong nakampante.

Sinubukan ko na din tanungin si Charli tungkol kila Dylan at Ethan, ang madalas nilang pagliban sa klase at ang mission nilang hindi ko malaman. I'm part of the highest seven pero feeling ko hindi sapat iyon para malaman ko ang mga pinagkakaabalahan nila. They are keeping their secrets from me. I'm not stupid para hindi ko mapansin iyon

Ilang beses kong sinuri ang mga libro at agad akong napangiti nang makita ko ang hinahanap ko

Monarch Academy: The History

Umupo ako sa pinakadulo at tahimik na sinimulang basahin ang unang pahina nito.

Ipinakita dito ang larawan ng dating headmaster nitong paaralan, Amber Philips. 1990

Hindi ito nakangiti at diretso lamang ang tingin nito. Mukhang hindi interesadong magpakuha ng larawan. Sumunod naman dito ay ang mga dating kilalang mga guro nitong paaralan.

Unang ipinakita nito ang isang lalaki na nakangiti sa larawan at sa ibaba nito ang kaniyang pangalan, Hermes Zsach. Teacher I, Class I-A

Katabi ng larawan nito ang isang litrato ng babaeng nakangiti at natatabunan nito ang kalahati nang kaniyang pagmumukha. Weird.

Ezra Reus. Teacher II, Class I-A

Agad naman dumako ang tingin ko sa dalawang natitira. Isang babae at isa ding lalaki. Hindi ko maiwasan na isipin ang apat na guro ngayon sa dati. Kilala kaya nila ang isa't isa?

Vivid Finn. Teacher III, Class I-A

Christian Haven. Teacher IV, Class I-A

Inilipat ko ito sa isang pahina at mga guro lamang ito ng mga ibang sections. Sabi, History bakit ganito lamang ang laman? Ilang beses kong nilipat ang pahina at blanko na ito. Tuluyan na ako nawalan ng pag-asa.

"Nandito ka lang pala."

Napatalon ako sa aking inuupan nang umupo sa aking harapan si Charli.
She looks stressed this past few days lalo na nung makabalik sila ni Cheska, hindi ko na siya makausap ng maayos.

"Ahh.. oo eh." sagot ko dito habang sinara ko ang libro. Napunta naman dito ang tingin niya at agad na bumuntong hininga.

"I don't want you to involve but pilit ka dinadamay ng tadhana.." aniya at malungkot na tiningnan ako sa mata.

Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I don't think, you deserve here." aniya at iniwan akong gulat sa mga sinabi nito.

---

Tahimik akong lumabas sa library at hindi ko maiwasan na masaktan sa sinabi ni Charli sa akin. Ano ba ang gusto niyang iparating?

Nasa hallway na ako nang makasalubong ko si Sky na may bitbit ng isang sandamakmak na papeles. Agad kong nilapitan ito at mukhang hindi niyang inaasahan na ako ang tutulong sa kaniya.

"Bigay mo sa akin yung kalahati." ngiti ko dito.

Agad naman itong umiling sa akin at ngumiti pabalik. "No, thanks. I can handle it." aniya at bahagyang naihulog ang isang papel.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon