Chapter 38: Combination of Fire and Wind

3.2K 153 5
                                    

Sinundan namin ang daan ni Charli habang paika ika ito. Hindi ko maiwasan na mag-alala sa mga kasamahan ko pero ako itong iniingatan nila.

Dumiretso kami sa Dining Hall at halos maluha dahil sa itsura nito. Ibang iba ito sa nakasanayan namin. Ang mga table ay nagkalat sa paligid at ang mga estudyanteng walang buhay.

Dumako ang tingin ko sa magulang ko kapwa pinipilit tumayo mula sa sahig. Tinutulungan ni Dad si Mom na makabangon.

Tumakbo agad ako dito para tulungan sila.

"Elysse!" gulat na sabi ni Mom

Ilang beses akong umiling para lamang tulungan sila tumayo. Hirap na hirap na din sila dahil sa dami ng sugat ang tinamo.

"A-Anak, anong ginagawa mo dito?"


"Mom, anong nangyari sainyo--"

Napahinto ako nang makarinig ako ng isang halakhak. Umalingawngaw ito sa paligid at narinig ko ang ilang mga yabag.

Humarap ako at halos manghina nang magtama ang tingin namin. Kumaway pa ito sa akin at hindi matanggal sa mukha ang ngiti.

"Kamusta Elysse?" he smirked.

"Ilang araw din tayo hindi nagkita!" dagdag pa niya.

Agad akong hinatak ni Dad para ilagay sa likuran niya.

Mariin ko itong tinitigan. "Anong kailangan mo?"

He laughed again. "Alam mo ang pakay ko dito."

Umiling ako.


Hindi siya tumupad sa usapan namin. Sumugod pa din sila dito at hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa paaralang ito. Marami ang nagbuwis ng bahay para lamang sa walang kwenta niyang plano.

"Hmm, mukhang kulang pa ang oras na binigay ko sayo ah. But sad to say, i badly need your abilities right now."

Kumalas ako sa yakap ni Dad at dahan dahan na lumapit dito.


"Oh, talaga?" pang aasar ko.

Tumigil siya sa kakatawa at napalitan ito ng isang mariin na tingin. Mukhang namumula na siya sa galit. How i love to see his fvcking face.

Napahinto ako nang marinig ko ang sigaw ng isa sa mga naging importanteng guro sa akin.

"Amber, tigilan mo na ang kahibangan mo!" ani Cher Holly habang hawak nito ang kaniyang braso na puno ng mga galos.

"Ubos na ang mga kasama mo. Paano na gagawin mo nyan? Alam na ito ng mga nasa itaas ang ginawa mo sa paaralang ito." malamig na sabi ni Cher Raven katulad ni Cher Holly, may sugat ito sa noo at bahagyang natulo ang dugo.

Halos matuwa ako nang makita ko ang aking mga kaibigan na buhay. Lahat sila ay binabantayan ang kilos ng matandang nasa harapan namin.

Kumunot ang noo ko


May kulang.

Ngumisi ang matanda at pinuntahan ang isang pinto kung saan ito ang papasok sa lugar ng aming mga taga luto.

Halos mangiyak ako nang makita ang bitbit niya. Hawak niya sa leeg ang kaibigan kong halos hindi na makilala dahil sa kaniyang itsura. May pasa na din ito sa pisngi at sa mata. May natuyong dugo na din sa gilid ng labi nito at halos hindi na maidilat ang mata.

"Jackson!"


"Tangina, anong ginawa mo dyan?" Ethan cursed.

Umalingawngaw ang iyak ni Cheska habang kami ay nakikipagsukatan ng tingin sa matanda.

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon