Chapter 9: Blood

6.4K 308 71
                                    

The sun poured through my window. Maaga akong kumilos para maghanda at pumasok. Naghanda ako ng pagkain nang magising si Charli.


"Aga, ah?" aniya at sumubo ng pagkain.

Pagkatapos namin kumain at mag ayos, hindi na kami nagtagal sa dorm at dumiretso na kami sa klase. Si Sir Henry ang nagturo sa amin tungkol sa mga daggers. Hindi naman mahirap intindihin dahil madali lang ito sabi ni Charli.

"Si Jack ba 'yung nakikita ko?" tanong ng isa naming kaklase.

"Oo, siya nga! Ano ginagawa niya dito?" tanong pa ng isa.

Lumingon si Charli sa likod ko habang abala ako sa pagligpit ng gamit.

"Tara na daw. Lunch time." aniya at nauna nang lumabas.

Normal na sa akin ang set up naming ganito. Tuwing lunch time ay sabay sabay kaming pito para kumain at mag usap. Nakakapagtaka lang dahil sinundo kami ni Jackson ngayon na halatang kulang pa sa tulog dahil kanina pa ito humihikab.

Ngumiwi ako. "You don't have to do this."

Humikab siya. "Nah, it's fine besides I'm enjoying it." kumindat siya sa babaeng nakasalubong namin.

Ramdam ko ang mga maiinit nilang mata na nakatingin sa amin. Isa na don si Stacy na masama ang tingin sa akin kanina buong klase.


"I wasn't able to attend my class." bungad ni Cheska.


"Me too. I'm sleepy." ani Jackson at tumabi sa akin.

Binilang ko ang mga upuan. Kulang kami ng isa.

"Where's Ethan?" tanong ni Cheska at lumingon kay Dylan na tahimik na nagbabasa ng libro.


Nagkibit balikat ito. Tumango lang si Cheska at umayos ng upo.


"I guess, we're incomplete. Wala naman pinapasabi si Ethan so pwede tayo maaga magpahinga." aniya


Nilingon ko si Jack na mahimbing na natutulog sa mesa. Ang mahaba nitong buhok ay natatabunan ang kanyang mukha. Maputi ito at matangkad katulad kay Ethan. Ngumiwi ako nang mabanggit ko nag pangalan niya.


Tahimik lang kami kumain. Tulog si Jack kaya walang nagbalak magsalita sa amin. Tahimik lang din naman sila Sky at Charli. Si Cheska na walang pakielam sa paligid habang si Dylan na abala sa pagbabasa.


Tumaas ang kilay ni Cheska. "Ano binabasa mo?"


"Just some informations about the four towns." sagot nito at sinarado ang libro.


Maaga kaming nagpaalam sa isa't isa. Si Sky ay dumiretso sa Training Room dahil marami daw pinapagawa sa kanya si Ms. Jade. Si Charli naman ay gusto na magpahinga dahil pakiramdam niya ay kulang daw siya sa tulog.

Nasa labas na kami ng Main Building nang makita ko si Ethan na kausap si Stacy sa dulo. May mga malalaking puno kaya hindi sila pansin Ako lang yata ang nakapansin. Sinubukan kong tingnan si Charli at abangan kung nakikita niya rin ba sila Stacy pero nagdiretso lang ito sa paglalakad.


Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon