Chapter 19: I'm back

4.8K 258 39
                                    

A/N: Hi buddy! thanks for the 100+votes, 100+ reads and for the 100+ followers. Naappreciate ko po, thankyou sainyo! I'll do my best to keep going. Fighting! ❤️

---

Elysse's POV

Tahimik akong naglalakad papunta sa classroom. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko dumaan ako sa isang bangungot. Masyadong marami na akong nalalaman sa paaralan na ito at hindi ko pa rin sigurado kung alam ko na nga ba ang lahat. Halos isang buwan at kalahati na ako sa paaralan. Wala na din akong balita sa magulang ko. Sana maayos lang sila ngayon.

Laking pasalamat ko dahil kahit papaano nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan. Masaya ako dahil alam kong ginagawa nila ang kanilang makakaya para mapantili ang kapayapaan sa mundong ito. Lalo na isa pala sa kanilang mission ay ang protektahan ako.

Hindi ko maiwasan magkaroon ng sama ng loob sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta dahil lahat pala ng mga ginagawa nila ay para sa akin. I know, hindi ako normal na tao para maging ganito ang turing nila sa akin and I'm not that stupid para hindi mapansin iyon.

Simula pa lamang ng pagtapak ko sa paaralan. Mga ngiti na nila ang sinalubong sa akin. I can still remember the day, yung mga pangungulit sa akin ni Jackson, mga ngiti ni Sky, pagiging misteryoso sa akin ni Dylan, mga bilin ni Cheska, pagiging mabuti sa akin ni Charli at ang mga matatalim na tingin sa akin ni Ethan. I'm blessed for having them as my protector.

Hindi ko alam ang buong storya pero isa lang ang higit na nakakasiguro ako. Ano nga ba ang meron sa akin?

-

Nang makarating ako sa classroom ay sumalubong sa akin ang nakangiting si Sky. Hinawakan niya ako sa braso at niyayang muli lumabas.

"Gymnasium daw,may announcement sila Cher Holly." aniya at nagpatuloy na sa paglakad.

Kasunod namin sila Charli, Cheska at Jackson kasabay ang ibang mga estudyante galing din sa ibang sections. Pupunta kami ngayon sa Gymnasium dahil sa isang announcement. Ano kaya yun?

Nang makarating kami sa Gymnasium ay umupo na ang ibang estudyante sa bench. Kaming pito ay inimbitahan na umupo sa harapan ng stage. May pitong upuan ang nakalaan para sa amin. Umupo kami base sa mga rankings na meron kami.

Napansin kong bakante ang upuan ng dalawa sa unahan. Nagkibit balikat na lamang ako at humarap para makinig. Nasa harapan namin ngayon ang apat na guro kasama ang head mistress namin na ngayon ko nalang ulit nakita. Medyo namayat ito hindi katulad dati pero she still manage to smile sa unahan.

"I'm glad for having you as our students. Every hardwork, every pain and even happiness. We are always thankful for that." sabi ng head mistress sa amin habang nililibot ang tingin sa mga estudyante.

"And for now, as the request of teachers. We're going to celebrate the Monarchians Party tomorrow. Ito ay para sa mga estudyante lamang bilang pasasalamat namin sainyo sa pananatili dito sa aming paaralan." dagdag pa nito.

Hindi ako familiar sa Monarchians Party na sinasabi ng head mistress kaya pinili kong lumapit kay Sky at itanong kung anong meron dito.

"This is not actually the first time na gagawin ito. Every year namin ito ginagawa bilang pasasalamat nga sa mga estudyante. It's like a casual party without using elemental powers." sagot nito sa akin at bahagya na lamang akong tumango sa sinabi nito. Wala naman sigurong masama kung magbibigay sila ng party, sa dami na nilang napagdaan dito sa MA.

Ibinalik ko muli ang tingin sa aming head mistress na kasalukuyang kausap si Cher Holly at inabot nito ang microphone na hawak niya lamang kanina. Tumango si Cher Holly at masayang hinarap ang mga estudyante. Ngayon ko nalang ulit nakita ang apat na guro na mukhang balik sa ayos na ang lahat. I'm fine with it.

"We will start the party exact 12pm  for the opening here in Gymnasium. The next part, will be the Booth Party! Ang mga nasa Highest Seven ang mamumuno dito. Exciting diba? Ano kaya ang mga pakulo ng ating mga Rank 7?" aniya at biglang nagsi-tilian ang mga estudyante habang nakatingin sa amin ang apat na guro.

Wala akong ideya na ganito pala ang gagawin. Kung ganon, kailangan na agad namin magplano mamaya.

Magsasalita pa lamang muli si Cher Holly nang biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang dalawang lalaki na tila walang pakielam sa paligid. Agad naman umingay ang paligid dahil sa ginawa nila.

Sinubukan kong tingnan ang lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Nakatitig din ito sa akin habang nakapamulsa. Napalunok ako sa ginawa nito.

Umiwas ako ng tingin at kinausap na lamang si Sky para maiwasan ang kaniyang matatalim na tingin. Ano bang problema nun?

Nagulat na lamang ako nang nasa harapan ko na ang dalawa. Tinapik na lamang ni Dylan sa balikat ni Ethan at nauna nang umupo sa tabi ni Jackson. Kumunot ang noo ko dahil hindi pa rin ito umaalis sa aking harapan.

"What?" tanong ko

Hindi niya pinansin ang sagot ko at mukhang balak lang nitong tumayo magdamag sa harapan ko. Tinatawag na siya ni Jackson pero hindi man lang niya tapunan ito ng tingin. Inangat ko ulit ang tingin sa kaniya at sumalubong sa akin ang mata nitong nakatitig din sa akin. Strange. Bakit bumibilis tibok ng puso ko?

"Okay, gets." ani Sky at agad na lumipat ng pwesto. Nalalag ang panga ko sa ginawa nito. What the?

Naramdaman kong tumabi sa akin si Ethan. "What are you doing here?" bulong ko dito.

"Nakaupo?" tanong nito pabalik. Inirapan ko na lamang ito dahil baka mas lalo lang ako mawalan ng interes sa kaniya. He's an asshole.

"Kidding." aniya at humarap na ng tingin sa mga teachers naming nagpapaalala sa mga gagawin bukas. Hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi nito. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lamang ako hindi mapakali.

"Can you feel it?" aniya pero hindi ko pa rin ito nililingon. Shit. shit. What the f is happening to me?

Naramdaman kong bahagya itong lumingon sa akin. I tried to act normal pero pati puso ko, tinatraydor ako. Please help me. Ano bang nangyayari sa akin? Why I'm feeling this strange feelings with him?

"The bond that we've lost before is.. slowly returning."

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon