Chapter 20: Monarchians Party

4.5K 228 56
                                    

A/N: Hi, thankyou sainyo at first time kong ganahan magsulat hanggang sa umabot na tayo sa kalahati ng chapters. Yey! Thankyou po.

I just want to promote my stories:

1.) Goddess in the Sheets (Ongoing)
    Genre: Teen Fiction

2.) Step by Step: 3 Collection (COMPLETED) Oneshot stories

hope u'll support this too!

---

Umakto ako na parang wala lang yung sinabi niya pero sa loob ko, hindi ko maitanggi ang bilis ng tibok ng puso ko. This is my first time, makaramdam ng ganito.

Kasalukuyan kaming nagpaplano sa room kung saan kaming pito lamang ang maaaring makapasok dito. Ito ang lugar kung saan nag-discuss si Cher Jade sa amin tungkol sa apat na bayan.

"I'll suggest magkaroon tayo ng Jail Booth! Diba, Charli?" ani Sky habang pinagmamasdan ang papel kung saan sinusulat ang flow ng party.

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila dahil wala naman akong balak mag-suggest ng mga booth. Tutulong nalang siguro ako.

Bahagya kong sinilip ang gawi nila Ethan at Dylan na tahimik na nag-uusap sa gilid. Mukha silang may sariling mundo dahil hindi naman sila nakikisama sa grupo namin. Hindi ko tuloy maiwasan na umismid sa tabi.

Wait, ano bang pake ko kung nag-uusap sila? tsaka ayoko silang makasama, masyadong delikado.

"Common naman masyado yan!" angal ni Jackson nang makita ang lineup ng mga booth.

Sumilip ako sa papel kung saan sinusulat lahat ni Charli ang maaaring gawin namin bukas. Hindi ko din maiwasan na ngumiwi nang makita yon.

Wala kaming training ngayon at mukhang ito ang pagkakaabalahan namin buong araw.

"Lagyan natin ng free taste booth tas si Jackson ang magha-handle para manahimik." ani Cheska at tamad na nakasandal sa pader.

Tumango naman ako sa sinabi nito. I heard Jackson is good making some dishes. Pwede nya rin ito pagkakitaan no! I can't imagine na si Jackson ay magtitinda sa kalsada haha.

"What's funny, Ely?" iritadong tanong sa akin ni Jackson kaya naman hindi ko maiwasan na humalakhak sa itsura nito.

"Wala." sagot ko nalang

"How about, gumawa tayo ng mini concert? We can use the stage." boses mula sa likuran ko.

Agad akong naistatwa sa aking pwesto dahil ramdam na ramdam ko ang presensya nito mula sa aking likuran.

Agad naman tumaas ang kilay ni Cheska habang nakamasid sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan na mailang sa tingin nito. Halata ba kami masyado? W-wait. Wala naman kaming ginagawang masama ah? Stupid Elysse.

"Sino naman kakanta?" kunot noong tanong ni Jackson habang palipat lipat ang tingin nito sa amin.

"Si Elysse nalang! Wala pa naman siyang nahahawakan na booth dito." ani Sky n agad kong pinandilatan ito ng mata. I can sing but hindi ako masyadong komportable kung sa harapan ng maraming tao!

"Then, it settled. I'll handle the background system. While Dylan is going to play some instruments." aniya

Sinulyapan ko si Dylan na tumatango tango sa sinabi ni Ethan. Dylan can play? It looks like, planado na nila itong dalawa. I guess, ito ata ang pinag-uusapan nila kanina.

Bumuntong hininga nalang ako sa plano nila. They look excited para bukas at ako? ewan ko na.

---

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon