Chapter 25: Mission

3.7K 182 24
                                    

Elysse POV

Isang araw na ang makalipas simula noong nakausap ko si Sky. Hindi ko alam na may ganito pala siyang karanasan. And it makes me sad, dahil kahit ako ay walang magawa.

Ngayon ay pinatawag kami ng apat na guro sa kanilang office. Tanging si Charli lang ang kasama ko papunta don. Yung iba naman hindi ko mahagilap at baka nauna na.

"Ano kaya sasabihin nila?" bulong ni Charli at mukhang may malalim na iniisip.

Nagkibit balikat lamang ako dito at pumasok na sa office.

Tumambad sa amin ang lima na nakaupo sa upuan at ang apat na guro na mukhang inaasahan na ang pagdating namin. Isa lang ang naiisip ko, late kami.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na huwag kayo mahuhuli kapag ganitong usapan." malamig na sabi sa amin ni Ethan habang mariin akong tinititigan.

Ay, galit na naman sa akin?

"Sorry na boss Ethan." biro ko at naisipang tumabi kay Jackson.

"Fvck?"

Laking pasalamat ko kay Cher Raven nang tumikhim ito. Wala naman nagawa si Ethan kundi tumahimik pero hindi nito inaalis ang matatalim niyang tingin sa akin.

"Alam mo kung nakamamatay lang ang tingin ni Ethan, patay kana siguro ngayon." bulong ni Jackson.

Siniko ko naman ito dahil mukhang narinig ng lahat ang sinabi niya.

"Then, I'll protect her kung nakamamatay pala ang tingin ni Ethan." sabat naman ni Dylan habang nakangisi ito sa kaibigan niya.

Napalunok ako sa sinabi niya. I know he's joking pero hindi ko maiwasan na mailang sa sinabi niya. He's Dylan Dalton after all.

"Tama na yan. We're here to tell your mission. Hindi ang matang nakamamatay ni Ethan." sermon ni Cher Henry. Napakamot naman sa ulo si Jackson at humingi ng paumanhin.

"As i said, we're going to send you in four towns. Hahatiin ko kayo sa dalawa at ang isang matitira, siya ang bahala humawak ng isang bayan." dagdag pa nito.

Kung ganon, mahihiwalay kaming pito sa mission na sinasabi niya. Tig-iisa kami ng bayan para mapakalat ang katahimikan na minsan nang ipagkait sa kanila.

"Charli together with Sky."

"Okay po." sagot ng dalawa.

"Cheska together with Ethan."

"Tss."

"Elysse with Jackson."

"Okay po." sabay naming sagot ni Jackson. Hindi naman siguro siyang mahirap pakisamahan diba?

"WHAT?" angal ni Ethan

Lahat tuloy sa kaniya napunta ang atensyon. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"What's the problem, dude?" mayabang na tanong ni Jackson.

Magsasalita sana si Ethan nang tumikhim muli si Cher Raven at mukhang hindi na nagugustuhan nito ang asal ng kaniyang estudyante.

"Si Dylan ang maghahawak sa bayan ng Kensington. Charli and Sky, sa Veda kayo. Elysse and Jackson, sa Sandovas and Ethan with Cheska, sa Javier kayo." ani Cher Raven habang mariin na tinititigan si Ethan.

He sighed out of frustration.

"Maging maingat kayo dahil hindi madali ang gagawin niyo. Mananatili kayo sa bayan kung saan ko kayo nilagay hanggang limang araw." ani Cher Henry at sinindihan ang yosi.

Tumango kami sa sinabi nito.

"Lalo na kayo, Ethan. Javier ang hahawakan niyo, hindi magiging madali ang gagawin niyo. Mag ingat kayong dalawa." singit ni Cher Holly.

Nagkibit balikat lang si Cheska sa sinabi nito habang si Ethan ay nanatiling nakakunot ang noo.

"Hanggang dito nalang ang pag uusapan natin." ani Cher Raven.

Tumayo na kami katulad ng sinabi niya. Nauna nang lumabas si Ethan na mukhang galit ata sa mundo. Sumunod ang iba. Bahagya pa akong nahuli dahil ang bilis nilang kumilos. Ako ang nahuli kaya naman ako ang magsasara ng pintuan pero bago yon, narinig kong tinawag ako ni Cher Jade.

Sumilip ako sa pintuan at hinihintay ang sasabihin niya.

"Mag-iingat ka."

Tumango ako at ngumiti.

"Salamat po."

---

Mabilis ang araw at ito na ang pinakahinihintay namin. Alam ng mga estudyante ang pag alis namin ng ilang araw pero hindi nabanggit sa kanila kung saan kami pupunta.

"Mag-iingat kayo." sabi ng isa kong kaklaseng babae.

Tumango ako at ngumiti. "Kayo na muna bahala dito ha?" paalala ko sa kanila.

Mamayang alas tres ng madaling araw ang alis namin. Hindi na namin kasama ang apat na guro dahil sila ay mananatili sa paaralan. Ayon sa kanila, meron naman daw sasalubong sa amin para tulungan kami once na makaapak kami sa bayan.

Kasalukuyan kaming nasa Dining Hall para sa huling dinner namin dito. Maraming estudyante ang nagpapaalam sa amin, animoy magiingat daw kami. Ayos naman sa akin iyon dahil kahit papaano may pakielam sila sa amin.

"I'm gonna miss this place." ani Jackson habang nginunguya ang pagkain.

Umirap naman si Cheska. "Parang kahapon lang sabi mo, ayaw mo na dito at baka manatili kana lang sa Sandovas." aniya at agad naman kaming nagtawanan sa sinabi nito.

"Why so harsh baby Che." ani Jackson

Inirapan lamang niya ito. Humarap naman sa akin si Charli habang malungkot na nakangiti. "Ingat kayo ha? As much as i want na kasama kita kaso di talaga pwede." aniya

Ngumiti naman ako dito at hinawakan sa kamay. "Mag-ingat din kayo ni Sky." sagot ko.

"Yeah, mukha tayong nagpapaalam sa isa't isa at hindi na magkikita." tamad na sabi ni Cheska habang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi.

"Mamimiss mo lang kami eh!" pangangasar ni Jackson. Inirapan niya lang ito at hindi na sumagot.

"Mag-iingat kayo ha? Magkikita pa tayo ha!" natatawa kong sabi sa kanila pero hindi man lang nila nagawang ngumiti sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?

"Ikaw ang mag-iingat, wala kami sa tabi mo. Only Jackson." ani Sky

"Parang hindi ko siya babantayan ah!" pikon na sabi ni Jackson at agad ko naman itong binatukan.

Tahimik lamang si Dylan sa gilid habang si Ethan? Ayon parang pinagbagsakan ng lupa dahil sa mukha nitong hindi maipinta.

"Magkikita pa naman tayo." sabi ko sa kanila. Tumango sila at tumayo na din para makapag hinga nang maayos dahil maaga kaming aalis.

Nanatiling nakaupo pa rin si Dylan at mukhang walang balak umalis sa pwesto. Sinabihan ko naman sila Charli na mauna na.

"Oh, why are you still here?" tanong ko dito.

Tumikhim ito at mukhang natauhan sa sinabi ko. "Nothing, just..."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman ito.

"Just be careful." aniya at tuluyan na akong iniwan sa pwesto.



I will.

---

A/N: Hi po, kamusta na kayo? hehe.


WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07









Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon