Chapter 11: Spell

5.9K 278 19
                                    

[NOT EDITED]


A/N: This is it! Marleigh Elysse's bestfriend POV. Please welcome, Charli Hilton haha! Hope you enjoy her POV.

---

Charli's POV

We're doing our task right now while enjoying this party. Medyo nangangalay na nga ako kakangiti para lang salubungin itong mga bisita. Akala ko masaya pero nakakapagod din pala hmp!

"Hi, madam. Welcome to our party!" ani Sky at malaking ngiti ang binigay niya sa bisitang papasok na. Tumango naman ito sa amin at pumasok na sa loob.

Ganun ang eksena namin sa mga oras na lumipas, nakakapagod pero itong si Sky parang hindi napapagod kakabati sa mga bisita. Well, she's enjoying this task but im not.

Sinulyapan ko ang kaibigan kong nakaupo sa table, hindi masyadong malayo sa amin. She's with Jackson at sila ang nagmamasid para sa mga estudyanteng nanatili lamang sa kanilang mga upuan. Yung iba kasi nagsasayawan pa at hindi na nila sakop yon.

Si Cheska naman ay palakad lakad sa loob. Ako yung nahihilo sa kaniya e, maya't maya kasi ang balik niya. Nakikihalubilo din siya sa ibang tao katulad ni Dylan. Magugulat kana lang kung saan saan sila sumusulpot. Kaloka

Si Ethan? Malay ko don. Sa pagkakaalam ko, siya ang bahala sa cctv cameras. Malamang nasa isang kwarto iyon para bantayan ang mga nangyayari sa paligid.

We're acting normal people here, ngayong araw nalang din kasi na ipinagbabawal na gumamit ng abilities para maiwasan ang gulo at mag enjoy lang sa araw na ito. Kaming pito lamang ang pinayagan na gumamit pero patago para hindi magreklamo ang ibang mga estudyante. Anyways, bukas naman ay balik na ulit sa dati.

"Uy, look at him! Ang pogi!" ani Sky at itinuro ang paparating na lalaki sa entrance. Tumango ako at hindi maiwasan na sumang ayon sa kaniya. He looks perfectly fine, mala Dylan ang datingan but Dylan is more handsome than him. I can say that

"Hi girls." bati nito sa amin nang makalapit.

Hindi ko maiwasan na titigan siya at napansin kong hindi naman pala namin kaedaran ito. I think his age is around 30s at hindi mo maiiwasan na humanga sa kaniya dahil sa aura nito.

"Hello, welcome to our party!" bati ni Sky at bahagyang tumili ito.

Dumako naman sa akin ang tingin niya. Bigla itong ngumisi kaya kinilabutan ako. Something is wrong.

Kung kanina ay nagawa ko pang humanga sa kaniya pero ngayon hindi ko na masabi. Iba ang nakikita ko sa aura niya, the way he smiled at me.

Tumalikod na ito sa amin at pumasok na sa loob. Isa lang ang naisip kong gawin para magamit ko ang abilities sa kaniya.

Agad kong hinabol ito at hinawakan sa likod. Humarap naman siya sa akin at hindi pa rin matanggal ang ngisi sa kaniyang mukha

"Why?" ngisi niya

Napalunok ako sa sinabi nito at iniisip kung ano ang pwedeng dahilan kung bakit ko siya hinawakan

"I-I forgot to greet you. Anyways, enjoy the party!"

Agad akong umalis habang mabilis na ang tibok ng puso ko. Lumapit naman ako kay Sky at hinawakan ito sa balikat. Bakit ba ako hinihingal?

"S-Sky.."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya dahil nilalamon na ako ng kaba

"H-Hinabol ko siya.."

Kumunot naman ang noo nito sa akin at hinawakan ako sa kamay. "What happened?" tanong nito

Huminga ako nang malalim at itinuloy ko ang dapat kong sabihin

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon