Chapter 24: Sky Adriana Jill

3.8K 201 5
                                    

A/N: Hi guys, this is Sky's POV. Hope u'll enjoy this one!

Malapit na tayo sa dulo! Hope u'll support this till the end.

---

Sky's POV

Pagkatapos ng amin training ay dumiretso na ako sa Gymnasium. Sigurado akong walang tao dun kaya dito ko naisipan na magpahinga at makapag isip isip.

Kamusta na kaya sa mundo ng mga tao?

Simula kasi nung namatay si Lola, wala na akong mapuntahan bukod dito. Laking pasalamat ko nalang sa magulang ni Elysse dahil dito nila ako ibinigay.

Yes, i can still remember the time nung palaboy laboy ako sa daan dahil wala na akong mahingan ng tulong. Ako nalang ang nabubuhay bukod kay Lola na pumanaw na dahil sa sakit. Hindi ko kilala ang magulang ko dahil nang ipinanganak ako, wala na sila sa tabi ko.

Walang binanggit sa akin si Lola tungkol sa kanila bukod sa may kapangyarihan akong hindi normal para manirahan sa mundo ng tao. Pilit niya akong pinapahanap sa paaralan na nagngangalang

Monarch Academy.

Matanda na si Lola at minsan makakalimutan pa. May panahon na nakalimutan niya ako bilang apo pero i still tried my best para ipaalala sa kaniya lahat iyon. Oo, aminado akong hindi naging madali ang pananatili ko sa mundo ng mga tao pero napamahal na din ako dito dahil sa aking lola.

Lola...

Kamusta kana ba? Sorry hindi kita nadadalaw dyan ah? Nandito na pala ako sa paaralan na gusto mo. Nandito na ako, la..

Bahagya kong pinunasan ang aking luha. Hindi ko pa din talaga kaya. I'm still weak, nananatili pa din ang puso ko bilang isang normal na tao.

But thanks to Elysse' Parents. Sila ang nakasalubong ko sa daan. Natatandaan ko pa nun kung paano ako tinulungan ng Mama ni Elysse. Pilit ko sinasabi sa kaniya na dalhin ako sa Monarch Academy. Nung una, nagulat pa sila nang banggitin ko ang paaralan na iyon pero wala din sila nagawa kundi ihatid ako dito.

Paano ko nalaman na magulang ito ni Elysse? Simple, nung inutusan akong kunin ang sandamakmak na papeles nakita ko ang biography ni Elysse. And then, i saw her parents. Frias and Isaac.

Alam ko nung unang pagtapak niya sa MA, hindi na siya normal. Alam kong pare-parehas kami ng tingin sa kaniya. She's special. Lalo na nang malaman kong galing ito sa mundo ng mga tao. Dun ako naging interesado sa buhay niya.

"Sky?"

Napatalon ako nang marinig ko ang boses niya. Bahagya ko pang inayos ang skirt ko sa harapan niya. Tumabi ito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Umiling ako at ngumiti dito. She's like her Mom. Napakamabuting tao. Hindi ko alam kung bakit ang isang tulad niya ay pilit nililisan sa mundong ito?

"Wala, ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik.

Umiling din siya tulad ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "I know, something is bothering you. Am i right?" tanong niya.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ko din ang kamay niya. "Do you mind, if i tell you?" tanong ko.

Ngumiti naman siya at tumango. I sighed.

"I'm going to enter you in my illusion. I'll show you what is my problem. Okay?"

Tumango naman siya at bahagya akong tinitigan. For a while, I'll let her sleep at hinayaan siyang makapasok sa nakaraan ko.

---

"Lola, where's my mom?"

Umiling sa akin si Lola at ipinagpatuloy na lamang ang pagsusuklay sa akin.

"They are gone, it's not your problem hija. Nandito naman ang lola mo diba?"

Tumango ako kay lola at ininom ang gatas na inihanda niya para sa akin. Ganito kasi ang nakasanayan ko kapag matutulog, susuklayan niya ang aking buhok at papainumin ng gatas bago matulog.

"Lola is enough." nakangiti kong sabi dito.

Ngumiti lamang siya at pinagmasdan akong ubusin ang aking gatas. Nang maubos ko na ito at agad niya akong niyayang matulog.

"Tulog na tayo, apo."

"Sige po." sagot ko.

Pumikit ako at naramdaman ko ang halik nito sa aking ulo.

"Goodnight, apo. Sooner or later, your powers will shine and this will be your shield before i died." bulong niya.

Nilipat ko ang eksena kung saan nag-aagaw ng buhay ang aking lola.

"Lola!"  sigaw ko habang inaalog ang balikat ni lola na hindi na gumagalaw sa kaniyang higaan

"A-Apo, ingatan mo ang sarili mo at lalo na ang kapangyarihan mo.." bulong nito.

Hindi ko ito pinansin at mas lalo ko lang nilakas ang pag-alog sa balikat niya. Hindi siya pwede mawala!

"Huwag mong hayaan na ipagpalit ito sa anumang bagay. Mas mahalaga ito kesa sa iba.."

Hindi ko na naiwasan na mapalakas ang iyak. She's saying her last words pero ako pa rin ang iniisip niya.

"P-Pumunta ka sa.... paaralan.."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at bahagyang tinigilan ang paghawak sa balikat nito. Ngumiti naman siya sa akin.

"M-Monarch Academy.. apo

... yun ang hanapin mo.."

At ito ang huling kita ko kay Lola bago niya ako iniwan sa mundo ng mga tao.

---

Dumilat ako at sumalubong sa akin si Elysse na hindi maiwasan na mangiyak sa kaniyang nakita. Pinili ko lamang ipakita sa kaniya ang nakaraan ko kasama si Lola, hindi ko na napiling ipakita sa kaniya na nakasama ko ang kaniyang magulang kahit sa maikling panahon lamang.

"I'm sorry, Sky." aniya at agad akong hinatak para yakapin.

Tumango ako at niyakap siya. Ito nalang ang maaari kong gawin bilang sukli sa kabutihan ng kaniyang magulang. Ang protektahan ang kanilang nag-iisang anak.

"O-Okay kana ba?" tanong niya nang kumalas na ito sa yakap.

Nginitian ko siya at tumango.

How come na may gustong saktan ang babaeng ito? She's kind. At wala akong nakikitang mali sa kaniya.

"Tara na? Kumain muna tayo." nag-aalalang tanong niya.

Tumango at hinayaan siyang hawakan ang aking kamay.

This will be the last, lola. I will protect her no matter what happens, kahit buhay ko pa ang kapalit.

I'll protect her even my life will be in danger.

---

WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.

Always remember that, Unity will keep us safe!

See you on my next one!

@missky07

Monarch Academy: School of Elemental Powers (Under Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon