"Palamunin ka! Lumayas ka dito! Kita mo na ngang andami dami nyong magkakapatid mag-uuwi ka pa ng palamuning aso dito? Lumayas ka dito nang mabawas-bawasan naman ang gastusin!", sigaw ni mama nang umuwi akong may bitbit na askal.
Galit na galit na pumunta sa kwarto si mama at kumuha ng bag.
Naiiyak nalang akong nakatingin sa kanya na kinukuha ang mga damit ko sa cabinet.
"Ma! *sobs* Wag nyo po gawin sakin to!", naiiyak na pakiusap ko sa kanya pero hindi nya ko pinakinggan.
Wala akong nagawa kundi umiyak.
Umiiyak nadin yung mga nakababata kong mga kapatid. Niyakap nila ako habang umiiyak.
"Ate... Wag kang umalis. Pinapalo lang naman kami ni nanay dito eh. Hindi naman nya kami mahal", naiiyak na sabi ni Junjun, ang bunso namin. Hinagod ko naman ang likod nya para tumigil sya sa pag-iyak.
"Shh tahan na. Wag mong sabihin yan. Mahal tayo ng nanay. Mainit lang ang ulo nya paminsan minsan", sabi ko at pilit ngumiti.
"Oh ayan! Lumayas ka na dito! Dagdag palamunin kalang!", sabi nya at inihagis sakin ang bag na may laman ng mga damit ko.
Umiiyak parin ako at umaasang babawiin ni mama yung sinabi nya. Nilapitan naman sya ng nobyo nya at nilambing.
"Mahal naman. Pagbigyan mo na si Winter. Wala kanang mauutusan pag umalis yan sige ka", sabi nya at tumingin sakin. Matagal na akong pinagnanasahan ng nobyo ni mama. Simula nung mamatay si papa eh yang lalaking yan na ang kasa-kasama ni mama. Pinagtangkaan na akong gahasain ng lalaking yan, nang sinumbong ko sya kay mama...sampal at sabunot lang ang inabot ko. Nagsisinungaling daw ako, malandi daw ako, pokpok daw ako.
Marami nang kapit bahay ang nagsasabi sakin na umalis nalang daw ako sa bahay at magtrabaho sa maynila. Gustuhin man nilang makialam at tumulong sa akin ay hindi nila magawa dahil natatakot silang madamay.
"Ma...Maawa ka sa mga kapatid ko ma...", naiiyak na sabi ko.
"Wala akong pakialam sa kanya. Lumayas kana dito! Wag na wag kanang babalik! Isama mo na yang maruming hayop na dinala mo!", sigaw nya at itinulak ako palabas ng pintuan. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod.
Nagsilabasan naman ang mga kapitbahay dahil sa lakas ng boses ni mama.
"Hay nako hija! Kung ako sayo, aalis na talaga ako. Mas maganda ang magiging buhay mo sa maynila!", sabi ng isa kong kapitbahay.
"Anong tinitingin tingin nyo dyan?!!", sigaw ni mama. Nagsibalikan naman ang mga kapit bahay. Kahit masakit eh pinulot ko yung natapong bag at nagsimulang maglakad papalayo sa bayan namin.
~x~
Hindi ko na alam ang dinadaanan ko... Gutom at pagod nadin ako. Dalawang oras na akong naglalakad. Di ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko.
Nanghihina na ang katawan ko. Tuyong tuyo nadin ang lalamunan ko. Wala akong nabaong tubig mula sa bahay.
*ubo* *ubo*
Bumigay nalang ang katawan ko at biglang nandilim ang paningin ko.
~x~
"Hija..."
"Hija..."
Nalimpungatan naman ako dahil sa boses na narinig ko.
"Hija gising na..."
Dinilat ko naman ang mata ko.
Teka... Sa pagkaka-alala ko, sa lupa ako bumagsak. Bakit nasa isang kwarto ako?
"Hija...", napalingon naman ako sa katabi ko.
"Tito!"
Nang mamukhaan ko sya ay niyakap ko sya agad.
"Naku hija. Ano bang ginagawa mo sa palayan ko? Nagtaka nalang ako nang balitaan ako ni Salume. Nakita ka daw nya na walang malay sa may palayan. Ano bang nangyari?", tanong nya. Napayakap naman ako sa kanya at humikbi.
"Ano na naman ba ang ginawa ng Mama mo?", tanong nya.
"Pinalayas nya ako sa bahay", sabi ko at pinunasan ang luha ko. Hinagod naman nya ang likod ko at binigyan ako ng tubig.
Kapatid ni Tito Randy si Mama. Kabaliktaran sya ni mama dahil si Tito Randy, mabait. Matalik na kaibigan ko din si Manuela na nag-iisang anak nya. May kaya sila Tito dahil nagmamay-ari sila ng lupang sakahan.
"Uy bes! Gising kana!", napatingin naman ako sa may pintuan nang iluwa nito ang matalik na kaibigan kong si Manuela. Ngumiti naman ako at sinalubong sya ng yakap. Naiiinggit ako kay Manuela dahil mas maginhawa ang buhay nya. Mabait ang mga magulang nya, may lupa sila, habang ako hamak na bata lang na hindi nakapagtapos. High school lang ang natapos ko. College na sana ako sa pasukan pero hindi na mangyayari yon dahil wala naman akong pangtuition fee.
"Tito, pwede po bang dito muna ako hangga't di pa ako nakakahanap ng trabaho?"
"Oo naman hija! Kahit dito kana tumira! Wag kang mag-alala sa gastusin. Matagal nadin namin gustong magkaroon ng isa pang kasama sa bahay. Mas mabuti nang nandito ka para naman hindi mabagot si Manuela dito sa bahay", nakangiting sabi ni Tito.
Malaki ang pasasalamat ko dahil may kapatid si mama na mabait at maunawain tulad ni Tito Randy.
~x~
"Tito Randy... Nakakahiya man po magtanong pero may alam po ba kayong trabaho sa Maynila na pwede kong pasukan. Gusto ko po sanang makabawi man lang sa pagkupkop nyo sakin"
"Naku hija! Tamang tama! Yung kumare kong taga-Maynila naghahanap ng kasambahay. Maganda ang sahod at galante yung amo. Pwedeng pwede kita ilakad", nakangiting sabi ni Tito. Ngumiti naman ako ng malapad dahil sa narinig ko.
Makakapagtrabaho na ako.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...