Chapter 35

466 10 0
                                    

Winter's POV

Tumakbo naman ako at hinahanap yung lalaki kanina.

Hindi ako pwedeng umuwi hanggat di ko nakukuha yung kwintas ko. Bata palang ako nasakin nayung kwintas na yon at sigurado akong may koneksyon yon sa totoo kong pamilya hindi yon pwedeng mawala!

Paikot ikot na ako sa buong 2 floor pero di ko parin sya makita.

Pambihira naman.

Bumaba ako sa 1st floor at nakita ko syang papalabas sa mall. Hinabol ko naman sya agad at hinampas ng slingbag ko

"Magnanakaw ka!"

Naalarma yung mga gwardya at lumapit samin para pigilan yung lalaki.

"Pasensya na maam! Kailangan ko talaga ng pera!" , pagmamakaawa nya.

"Asan na yung kwintas ko?!"

Ibinalik naman nya agad yung kwintas ko.

"Wag napo kayo mag-alala maam. Tatawag napo kami ng pulis"

"Teka, sandali lang kakausapin ko sya"

Iniharap naman nila sakin yung lalaki.

"Ba't mo ginawa yon?", tanong ko.

"Kailangan ko po ng pambili ng gatas para sa anak ko"

Kinuha ko naman ang pitaka ko. May naipon akong isang libo mula dun sa allowance na binigay ng mommy ni Zach. Inilahad ko naman sa kanya ang isang libo.

"Hindi ko po tatanggapin yan maam"

"Tanggapin mo na kuya. Kailangan mo yan. Basta wag kana magnanakaw ulit"

"Salamat po maam!", tinanggap naman nya ang isang libo at nakita kong nangingilid ang luha nya.

"Manong guard. Wag nyo na po sya dalhin sa prisinto", pakiusap ko dun sa mga guard na nakahawak sa kanya.

"Pero maam, nagnakaw po sya. Labag po yun sa batas"

"Nabalik naman sakin yung gamit ko. Hindi nyo na sya kailangang ikulong. Hayaan nyo nalang po sya nakauwi. Hindi naman po ako magsasampa ng reklamo"

Binitawan naman nila yung lalaki. Kinamayan naman nya ako na para bang napakalaki ng pasasalamat nya.

"Napakabuti mo maam. Napakalaking tulong napo nitong isang libo para sa anak ko"

"Wag napo kayong magnanakaw Kuya. Masama po yun. Ito po, isusulat ko yung number ng kompanya ng amo ko. Naghahanap sila ng janitor dun. Mag-apply po kayo dun para di napo kayo pakalat kalat sa mga ganitong lugar"

"Maraming salamat talaga hija. Hulog ka ng langit. Anong pangalan mo?"

"Winter po"

"Mag-iingat ka lagi Winter. Nararamdaman kong may mangyayaring di inaasahan. Mauna na ako. Maraming salamat ulit"

Mangyayaring di inaasahan?

Ano naman kaya ang ibig sabihin nya don?

~

"San ka galing Winter?", tanong ni Uno. Kakarating ko lang sa parking lot at ako nalang ang hinihintay nila.

"May kinausap lang"

Bumalik na kami sa bahay at nagkanya kanya na ng gagawin. Sinimulan ko na ding ilagay sa ref ang mga pinamili naming pagkain.

Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari.

Mag-aalala lang sila.

*ting!*

*1 message*

From: Everest

I'd like to see you na matapilok pag naglalakad na sa stage *insert laughing emoji*

~x~

Aba walangya. Hindi na ako nag-abala pang magreply.

"Did you bought cookies?"

"Ahh!", agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Ang magaling na Zach lang naman.

"I'm not a ghost *smirk* tabi!"

Tumabi naman ako at kinuha na nya ang box ng cookies na tinutukoy nya.

~

"Ma? Pa? Asan ba kayo? Bat nyoko pinabayaang magpalaboy laboy at mapunta sa pamilyang hindi ko kaano ano? Yung kinilala kong tatay, napakabuti nya dahil tinuring nya akong totoong anak pero nawala sya nang di man lang sinasabi sakin ang totoo.", napatingin ako sa kwintas na hawak hawak ko. Ang sabi ni papa, nasakin nadaw yon mula pa nung bata ako. Hindi naman nya sinasabi sakin kung kanino galing kaya sa tingin ko may koneksyon ito sa totoo kong pamilya.

*tok* *tok*

"Sino yan?"

"Zach"

Binuksan ko ang pintuan at bumungad naman sakin ang poging nilalang na nakapajama at tshirt lang.

"Bakit? May kailangan ka ba?"

"Can we talk?"

"Tungkol saan?"

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"Pasok ka", sarkastikong saad ko.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Care to explain?"

Pinakita naman nya sakin ang isang pink na jersey. Well hindi lang basta pink na jersey, jersey nya yon sa basketball!

Naging pink!

Sabi na nga ba may naihalo akong puti sa dekolor eh. Punyemas.

"A-ah... Nahalo ko ata sa dekolor nung naglaba ako..."

"How am I suppose to wear it now?"

Medyo mataas ang tono ng pagkakasabi nya. Nag-uusok na din ang tenga nya. Galit sya.

"Lalabhan ko nalang ulit. Lagyan ko ng zonrox"

"That'll damage the fabric. This is your fault! Nagbakasyon pa yung gumawa ng jersey nato kaya di ako makapagawa ng bago!"

"Sorry na PO sir"

"You better fix it."

Pambihira.

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon