Winter's POV
Grabe punong puno na yung kwarto ko. Ang daming mga kahon. Alas dose na ng tanghali ngayon at nagpaalam na ako kay Aling Salume na hindi ko muna sila matutulungan sa paghahanda dahil kailangan ko pang ayusin tong mga kahong binigay ni Maam Stella.
Hindi ko parin maintindihan ang sinasabi ni Maam Stella kanina. Change his son? Pano ko naman gagawin ang ganung bagay?
(Flashback)
"Po?"
"I said I'm asking you a favor. Change my son. I know you can bring him back", sabi nya. Kahit nagtataka ay pilit kong iniintindi ang sinasabi nya. Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nya. Bakit ko naman sya babaguhin? May mali ba sa kanya?
"Pano ko po sya mababago?"
"I'll leave that to you, I trust you... Please don't break it"
Isa isa kong binuksan ang mga kahon at laking gulat ko nang makita ang mga laman nito. Mga damit at kung ano ano pang gamit na di ko naman alam kung san ginagamit. Una kong inilabas ang mga damit. Mga damit panglabas ang mga ito at may mga kasamang bestida. Kung hindi nyo tinatanong, mahilig ako sa bestida. Madami nga akong bestida na pinaglumaan na ni mama. Sakin napupunta lahat yun kaya nakahiligan ko naring suotin. Tinupi ko ang mga damit at inilagay sa cabinet ko. Nang matapos na ako ay inilabas ko naman sa kahon ang mga libro at mga gamit panligo? Mga sabon at kung ano anonh facial cream. Nakikita ko dati si Manuela na gumagamit ng ganito. Mawawala daw ang mga tigyawat mo pag gumamit ka ng ganun. Napatingin naman ako sa salamin. Wala naman akong tigyawat. Psh.
Nang maiayos ko na sa lamesa yung mga gamit pangbanyo ay hinalukay ko naman yung pangatlong at panghuling kahon na medyo maliit kaysa dun sa dalawang nauna.
Wowww. May cellphone na touchscreen. Gaya nung kay Manuela pero mas malaki! Hindi ako makapaniwala na binigyan ako ni Maam Stella ng ganito.
May Ipad din! May kasama nadin itong backpack at mga salamin.
May magic ba si Maam Stella? Ang ganda ganda ng mga binibigay nya. Parang hindi bagay sakin ang ganung mga gamit.
Nang matapos ko nang maayos ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto ko. Nakita ko naman sila sa sala maliban kay Zach.
"Hey Winter. Come!", William. Lumapit naman ako sa kanila.
"Do you know how to play video games?", tanong nya. Umiling naman ako at ngumiti ng mapakla.
I don't know how to play video gam—
Uy. Napapaenglish nadin ako ah.
"I'll teach you", nakangiting sabi nya. Ibinigay naman nya sakin yung controller. Nakakita na ako ng ganito dati pero hindi ko pa nasubukan maglaro ng ganito. Kung hindi nagbabantay ng kapatid ay tumutulong naman ako kay mama sa sakahan. Ni computer shop wala dun samin. Dun sa bayan nila Manuela lang may mga medyo modernong mga gamit. Dun ko nga una naranasang magfacebook.
"Anong gagawin ko dito?", tanong ko. May kung anong button naman syang pinindot at nagsimula na yung laro. Parang streetfighter na nakikita ko dati sa youtube.
"Press the green button to punch", sinunod ko naman ang sinabi nya.
"This orange button to jump"
"Ito namang joystick, para gumalaw yung character mo"
Nagsimula na yung laro. Hindi ko alam yung ginagawa ko kung ano anong button lang yung pinipindot ko kaya natalo ako.
"Yes! That was easy", Jay. Napayuko naman ako at ibinigay kay William yung controller. Hindi talaga ako nababagay sa ganitong lugar.
"Hey where are you going?", Conrad.
"Ahm dyan lang po *awkward laugh*"
Nagmukmok naman ako sa kwarto ko. Kung sa simpleng laro nila hindi ko man lang magawa pano pa kaya kung papasok na ako sa eskwelahan nila? Ang iisipin ng iba weirdo ako.
*tok* *tok*
"Bukas yan"
Tumambad naman sakin ang anim na gwapong nilalang na nagsisiksikan sa pintuan ko. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanila.
"Sorry about earlier. I didn't mean to offend you or something", Jay. Ngumiti naman ako bilang tugon.
"Ayos lang"
"So... Wanna join us outside?", Yel.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...