Winter's POV
Alas dyis na ng gabi nang maisipan kong umuwi. Gusto kong manatili pa para makipagkwentuhan sa pamilya ko pero kailangan kong bumalik sa trabaho.
"Panget", tawag ko kay Everest.
"oh?"
"Wag mo munang ipaalam sa iba na magkakambal tayo"
"Bakit naman?"
"Basta... Ayoko lang maging agaw atensyon"
"Ayaw mo nun, may kambal kang napakapogi at macho"
"Macho? Eh mukha ka ngang patpat eh."
"Harsh mo ah. Sigurado kabang ayaw mo lumipat sa bahay?"
"Lilipat din ako. Hindi nga lang ngayon. Sa tingin ko kailangan pa ako ng mga amo ko"
"Sabihin mo lang sakin kung sinaktan ka ng mga yon. Bugbugin ko yon para sayo"
"Wag ka ngang OA. Mabait naman sila sakin noh"
"Andito na tayo", lumabas naman sya at pinagbuksan ako.
"Hatid na kita hanggang pintuan"
Hinayaan ko lang syang samahan ako hanggang pintuan ng bahay.
Nakalock amp.
"Pinagsarhan ka ng pintuan *laughs*"
"Mabulunan ka sana noh"
*tok* *tok* *tok*
Bumukas naman ang pinto at tumambad sakin si Jay na seryoso ang mukha. Masama ang tingin nya kay Everest.
"Uhh mauna na ko. Bye White", ginulo muna nya ang buhok ko bago kumaripas papunta sa kotse nya
Pumasok ako sa loob at nasa sala silang pito kasama ang isang babae. Teka, sya yung babae na nakawhite sa katapat namin.
"San ka galing?", malamig ang tono ng boses ni Zach. Parang bad mood sila lahat. Ano ba kasing meron. Nakakainis pag ikaw lang yung walang ideya sa nangyayari sa paligid.
"Ah nagdinner lang kami kasama yung pamilya k—ni Everest"
Saglit syang hindi umimik.
"Kyla will be staying with us. Ikaw ang magiging yaya nya. Ibigay mo lahat ng gusto nyang kainin. Ikaw bahala", sabi nya.
Napatingin naman ako dun sa babaeng kasama nila. Nakataas ang kilay nya sakin habang hinihilab nya ang tyan nya.
"A-ah sige"
"Good. Wala nang extra na kwarto sa taas kaya sa kwarto mo sya tutuloy"
"Hey hindi pwede. San matutulog si Winter?", Tom.
"Ayos lang naman ako dito sa sala. Kay Maam Kyla nalang yung kwarto ko"
"Pakilinis yung kwarto mo. Allergic ako sa alikabok. Siguraduhin mong nagdidisinfect ka araw araw. Baka mapano pa yung baby namin ni Zach", mataray na sabi nya.
Buntis sya?
At si Zach ang ama?
"Dun ka nalang sa kwarto ko Winter. I don't mind sleeping on the floor. Baka lamukin kapa dito sa sala", William.
"Sa kwarto ko nalang sya", Conrad.
"Hindi. Sa kwarto ko sya tutuloy. Tabi tayo sa kama", Jay.
"Mamanyakin mo lang si Winter eh", Uno.
Mas sumama pa ang tingin sakin nung Kyla.
"I changed my mind. Ayoko matulog sa kwarto nya. I should stay in Zach's room. Our baby would be healthier pag kasama nya ang mommy at daddy nya", sabi nung Kyla.

BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...