Winter's POV
Nagising naman ako dahil sa mainit na dampi ng araw. Agad akong bumangon nang marealize ko na magdamag pala akong nakalagi dito.
Chineck ko yung cellphone ko at may limang missed call yun galing kay Kyla.
Hays.
Natutulog padin si Everest sa tabi ko kaya inalog ko sya para magising
"Huy panget! Bat moko hinayaang makatulog dito?!"
Naalimpungatan sya sa ginawa kong panggigising.
"Wow. Wala man lang 'good morning kambal'"
"Ba't di moko ginising nung nakatulog ako?"
"Oh mga anak. Gising na pala kayo. Mag-agahan muna tayo", sabi ni mama.
"Sige po. Susunod na po kami"
Bumangon naman si Everest.
"Hoi! Ikaw magligpit nito!"
"Bahala ka dyan. Gutom nako"
Hay nako. Iniligpit ko naman yung pinaghigaan namin. Alas syete na ng umaga ngayon kaya medyo masakit na sa balat yung araw.
~
"Ano pong niluto nyo la?"
"Nagluto ako ng pansit. Nagrequest itong bunso natin", tukoy ni lola kay Junjun. Masaya ako dahil naging parte ng pamilya namin si junjun. Di ko din maiwasang mapaisip sa kalagayan ng iba ko pang itinuring na kapatid dun sa probinsya. Kamusta na kaya sila?
Kumakain ba sila ng tatlong beses sa isang araw? Hindi ba sila pinapahirapan dun sa ampunan?
"Paabot nung tinapay", inabot naman ni Everest yung tinapay. Humihigop lang sya ng mainit na gatas gaya ko.
"Uuwi ka na ba ngayon apo?"
"Opo. Nagmiss call nga po yung amo ko."
"O sya sya dalian mo na dyan at maihatid kana ni Leo pauwi"
Leo amp.
"Dalian mo LEO pfftt", diniinan ko talaga yung Leo. Pinanliitan naman nya ako ng mata.
Nakwento nya sakin noon na ayaw nya na tinatawag syang Leo. Wala naman syang magawa kay lola dahil yun ang gusto nyang itawag sa kanya.
~
"Nanaginip kaba kagabi?"
"Ha? Bakit mo natanong?", tanong ko.
"You were saying weird things"
(Flashback)
"Gusto ko sanang aminin sayo to bago pa ako pumunta sa America", nakayukong sabi ko.
Para akong nasa isang kdrama dahil sa ganda ng paligid.
"Ano yun?", Zach.
"Zach... Gusto kita"
Umiling naman ako nang maalala ko yung napanaginipan ko kagabi.
"Wag mo nalang yun pansinin", sabi ko at tinuon nalang ang pansin sa bintana ng kotse.
"Ayos lang naman ang magkagusto sa isang tao. May karapatan naman tayo magmahal. Ayoko lang umabot sa point na yang pagmamahal yan ang magpapabago sayo. Love can bring the best and worst out of you. I'm just warning you sis. I don't wanna see you cry because of a guy na walang kasiguraduhan sa feelings nya para sayo"
Hindi ako umimik sa sinabi nya.
Gusto ko si Zach pero hindi pwede dahil may Kyla sa buhay nya. Magkakaanak pa sila. Wala akong laban don. Ba't pa kasi sa lahat ng pwede kong magustuhan yun pang bawal.
Ang unfair naman ng pag-ibig.
"May nalalaman kapang ganyan ah. San mo natutunan yan?"
"Sinira mo yung moment. Anu bayan. Ang galing ko na sana eh", asar na sabi nya.
*kriinggggg*
*Maldita calling*
Hays.
*answer*
"Bakit po maam Kyla?"
(Nasan kaba buong magdamag?! Nakikipaglandian ka na naman ba sa ibang lalaki dyan?! Pinapatuloy ka ng boyfriend ko dito para gawin ang trabaho mo! Which is ang bantayan ako but where are you?! Nagpapakasarap sa labas?! How dare you)
Huminga naman ako ng malalim. Lagi nya kong sinisigawan kaya nasanay nalang din siguro yung pandinig ko.
"May kailangan po ba kayo?", mahinahong sabi ko.
(Bring me some lobster! I'm craving for some lobster! Bumili ka din ng wine)
Hindi ko na sya sinagot at binaba na ang tawag.
"Daan tayo sa mall. May pinapabili sakin ni Kyla"
"That annoying pregnant girl?"
"Oo"
"Ubos lagi yung allowance mo dahil sa kanya. Mom doesn't know about this. Pagagalitan ka non swear"
"Ayos lang yon. Ilang buwan lang naman yon sa bahay nila Zach"
Nadinig ko si Zach at Kyla na nag-uusap. Pag nanganak na si Kyla, bibilhan daw sya ng sariling bahay ni Zach. Bubukod na ata sila para sa magiging anak nila.
Yayamanin.
~
*tok* *tok* *tok*
"Umalis kana panget baka makita kapa nila"
"Ano namang masama kung makita nila ako. Wala naman akong ginagawang weird na bagay"
"Alam mo nam-"
"Maglalandian nalang ba kayo sa harap ko?"
"Oh hi Zach. Aalis nadin ako. Hinatid ko lang sya dito", kumaripas na ng takbo si Everest.
"Buong magdamag ba kayong magkasama ng lalaking yon?", nakakunot noong tanong nya.
"Oo. Bakit?"
"Are you out of your mind?! Ganyan kaba kalandi para sumama nalang sa iba't ibang lalaki?!", nagulat naman ako sa sigaw nya. Parang may kumirot sa puso ko.
Bakit nasasaktan ako?
Pumasok na ako sa loob pero hinablot nya ang braso ko.
"Ano ba! Nasasaktan ako!", galit na galit ang ekspresyon ng mga mata nya. Napapikit naman ako ng itaas nya ang kamay nya.
Sasampalin nya ba ako?
Maya maya pa ay wala akong naramdamang kamay sa mga pisngi ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang nakayukong si Zach. Niluwagan nya na din ang kapit sa braso ko kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!", sigaw nya.
"Ano bang ginawa ko sayo?! Bakit ganun nalang ang galit mo?"
"I don't like seeing you with that guy! Stay away from him!"
"Wala kang karapatan na diktahan ako sa mga lalaking sinasamahan ko. Ano bang karapatan mo?"
"Anong karapatan ko? Amo moko Winter! I have the right to know kung san ka lumalagi at bakit ka sumasama sa kung sinong lalaki!"
Huh! Amo? Katulong lang pala ang turing nya sakin pero kung magalit sya akala mo kung sinong nagmamay-ari.
"Wag na wag mong tatawaging kung sino si Everest!"
"Why!? You're flirting with that scumbag?"
"Wala kang paki!"
"May paki ako dahil gusto kita Winter!"
"A-ano?"
"Gusto kita okay! Nagseselos ako pag kasama mo yung Everest na yon!"
May gusto sya sakin?
Pero may Kyla sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/220367679-288-k953358.jpg)
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...