Winter's POV
Naglalakad na ako sa hallway papunta sa first class ko. Pansin ko naman na pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong kong mga studyante. Nginingitian ko lang sila, yung iba ngumingiti pabalik pero may umiiwas din. Anong problema nila?
~x~
"Hey Snow!", Sarah.
"Hi"
"Hindi moba itatanong sakin kung bakit ka pinagtitinginan kanina?", tinignan ko naman sya ng nagtataka.
"Ha? Bakit?"
Lumapit naman sya sakin at bumulong.
"May tagos ka"
Parang tumigil ang oras at gumuho ang mundo dahil sa narinig ko. Sinilip ko naman ang suot kong maong. May tagos nga ako! Aghhh! Nakakahiya! Siguro pinagtatawanan na nila ako sa mga isipan nila. Pumasok naman sa isip ko ang mga tingin nila. Kaya pala ganun sila makatingin! Nakakahiya talaga!
(Flashback)
"Uy Winter! Nood tayo Liga! Maglalaro daw sila Bruno at Tatuy. Suportahan naman natin yung mga kababata natin!", Manuela
"O sige pagkatapos ng klase!"
(Basketball court)
"Ayun sila! Halika! Maghanap na tayo ng upuan!", hinila naman ako ni Manuela papunta sa kung saan. Pansin ko naman ang tinginan sakin nung ibang nanonood. Anong meron? Nanood lang kami hanggang sa natapos ang laro. Lumapit naman kami kila Bruno. Kasamahan din nila sa John na matagal ko nang crush. Ang gwapo nya eh.
"Uhmm Hi John!", bati ko at inabutan sya ng bimpo.
Lumapit naman sya sakin...
Papalapit ng papalapit...
Pinagpapawisan naman ako sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin nya. Hahalikan nya ba ako? Bat nya nilalapit ang mukha nya? Pagkakataon ko na ba to? Pumikit naman ako at inantay ang mga malalambot nyang labi n—
"May tagos ka"
Mula non, lagi ko nang inaabangan ang regla ko para makapaghanda ako pag nagkataong mangyari ulit yon. Buti nalang nandon si Manuela para tulungan ako.
"Pano to?", alalang tanong ko. Wala si Manuela para tulungan ako sa ganitong sitwasyon.
"May pads sa CR. Kailangan mo lang makapunta don. Ipagpaalam nalang kita kay Ms. Eva, hindi kita masasamahan may gagawin pa ako eh", sabi nya at pumunta sa table ni Ms. Eva. Busy yung mga kaklase ko sa mga barkada nila, pati sila William busy din sa pagkukwentuhan. Siguro hindi nila ako mapapansin pag tumayo ako. Ang malas naman wala akong jacket man lang para pantakip sa tagos. Bumalik naman si Sarah at bumulong.
"Oks na. Napaalam na kita. Punta kana don dali"
Dahan dahan naman akong tumayo. Buti hindi naprinta sa upuan yung dugo. Nakakahiya yon. Tumayo naman ako at dahan dahang pumunta sa may pintuan.
"Aba aba. May tagos si Winter oh!", natigilan naman ako nang magsalita si Macy. Nagtinginan naman yung iba kong kaklase sakin. Nagtawanan naman sila Macy at yung mga barkada nya. Nakatingin lang sakin yung iba. Tumayo naman si Zach na ikinagulat nang lahat. Lumapit sya sa pwesto ko at hinubad ang jacket nya. Itinali nya sa bewang ko bago ako kinaladkad palabas mg room. Dinala nya ko hanggang da CR ng mga babae. Hindi man lang sya nagsaaalita basta basta nalang nya akong dinala. Pumasok na ako sa CR at nagpalit ng ma—wala akong dalang pamalit na pantalon!
Sinilip ko naman si Zach na nag-aantay sa labas. Hindi ko sya pwedeng tanungin! Baka tanggihan nya lang ako at iwan dito nang ganito ang kalagayan.
"Psst"
"Psssstt"
Tinignan naman nya ako.
"Wala akong pamalit na dam—"
Bigla naman syang umalis at pumunta sa kung saan. Iniwan nga nya ako! Pano nato? Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ang suot.
Nakita ko namang ang bukas na bintana sa taas ng banyo. Tama! Sa likod ng eskwelahan ako dadaan. Magc-cutting class nalang ako. Umakyat naman ako sa sink at pilit na inabot yung bintana na may kataasan. Nang maabot ko ang bintana ay inangat ko naman ang katawan ko para makalabas na ako.
*tok* *tok* *tok*
Sunod sunod naman na katok ang narinig ko mula sa labas ng banyo.
*tok* *tok* *tok*
Mas malakas na yung katok. Kalahati na ng katawan ko ang nakalabas sa bintana. Wala ding mapatungan ang mga paa ko kaya pahirapan.
*tok* *tok* *tok*
Malakas na yung katok. Wala na akong magagawa. Bumitaw naman ako sa pagkakakapit sa bintana dahilan ng pagkasalampak ko sa sahig.
*BLAGGG!*
"Aray ansakit!", napahagod naman ako sa likod ko na sumakit dahil sa pagkakahulog. Sumabay din ang sakin ng puson ko kaya mas lalo akong nairita.
*boogg* *bog* *boggg*
Dali dali ko namang binuksan ang pintuan at nakita ang galit na mukha ng unggo—este Zach pala. Bumalik sya! Kitang kita sa mukha nya ang galit, parang gusto nya kong sigawan anytime pero huminga lang sya ng malalim at binigay sakin ang isang paper bag. Sinara ko naman ulit yung pinto at tinignan ang laman ng paperbag. May isang dress at shorts...may kasama ding isang pack ng napkin at....
Panty?!
![](https://img.wattpad.com/cover/220367679-288-k953358.jpg)
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...