Winter's POV
Martes ngayon at walang pasok. MWF lang yung pasok namin every week. Hindi ko alam kung may matututunan nga ba ako sa bagong eskwelahan ko ngayon. Kahapon halos pagbabasa lang at kwentuhan ang ginawa ko. Ang daming kinwento nila Sarah sakin. Madami din akong natutunan sa mga taga syudad at buhay nila dito. Nakakamangha nga eh. Ang bait din ni Laura at Tamara.
Pagkalabas ko ng kwarto ko sinalubong naman agad ako ni Tom.
"Winter!", Tom.
"Bakit po?"
"Can you accompany me? Pupunta akong mall. I might need your help"
"Para saan po?"
"Zach's younger sister is coming tonight. Birthday nya sa next week. I'm buying her an advance birthday gift", sabi nya. Maya maya pa ay nagsibabaan naman yung iba pa maliban kay Zach. Pansin ko lang, mahilig sya magmukmok sa kwarto nya.
"Winter, can you come with me?", Uno.
"I asked her first", Tom.
"Can you help me Winter?", singit ni Jay. Nakisali nadin sila Conrad. Ganun siguro kaimportante sa kanila ang kapatid ni Zach. Kahit kailan sa buhay ko, hindi ko pa naranasan ang mabilhan man lang ng regalo sa birthday ko. Ni hindi nga kami nagdidiwang. Laging kinakalimutan ni Mama ang birthday ko, pag pinapaalala ko sa kanya nagdadahilan lang sya para wag maghanda. Magastos daw ang mga birthday kaya kahit kailan di namin naranasan ang mga magarang handaan. Siguro sa birthday ng kapatid ni Zach magara yung handaan, madaming bisitang mga mayayaman tapos madami din silang pagkain.
"Sandali lang po", pag-aawat ko.
"Bat hindi nalang po kayong lahat ang pumunta sa mall. Wag nyo nalang ako isama. Marami pa akong gagawin", dagdag ko. Nag-usap usap naman sila habang ako bumalik na sa kwarto ko. Pinagpatuloy ko na ang pagpaplantsa pero maya maya pa ay nakarinig ako ng katok.
*tok* *tok* *tok*
"Pasok"
"Uhmm hi Winter. Nag usap kasi kami kanina. Pwede bang sumama ka samin sa mall?", William.
"O sige. Sandali lang. Magbibihis lang ako", paalam ko.
~x~
Sinuot ko ang isa din sa mga bigay ni Maam Stella na damit. Nagsuot din ako ng puting sapatos bago lumabas.
(Black floral wrap dress sya na hanggang hita yung haba)
"Kung hindi kalang bagay kay Zach siguro naging girlfriend na kita *chuckles*", Tom.
"Baliw ka wag ganyan. Bro code remember", Yel. Yumuko lang ako dahil sa hiya. Naiiksian ako sa bestida kaya medyo hindi komportable. Naglakad na sila palabas pero sinasadya kong magpahuli. Pakiramdam ko lumalampas ako sa linya nila. Amo ko sila dapat mas mababa ako sa kanila, dapat pinagsisilbihan ko sila.
"Hey bat ka nagpapahuli?", tanong ni Conrad nang mapansin nya ko sa likod. Hindi ko sya sinagot at sumakay na sa van. Tahimik lang ako buong byahe. Nag-uusap sila at nagtatawanan habang ako tahimik lang na nakadungaw sa bintana. Huminga naman ako ng malalim saka nakaramdam ng antok.
*black out*
Jay's POV
"I'll give her a bracelet", sabi ko.
"Gaya gaya ka! Iba nalang ibigay mo", Conrad.
"Bahala ka. Bracelet ang ibibigay ko", inirapan naman nya ako na parang babae.
"I'll just give her a plane ticket papunta Maldives", Uno.
"Ako bibilhan ko sya ng damit. Gustong gusto nun ng mga bagong damit eh", Tom.
"Me too. Tatanungin ko si Wint—"
Napatingin naman kami sa tabi ko na nakasandal na sa bintana at natutulog.
"Minsan napapaisip ako kung may naging boyfriend naba si Winter dun sa province nila", Yel.
Boyfriend? Manliligaw siguro madami.
"Ano kaba Yel. Kay Zach nayan. Tandaan nyo yung usapan natin", sabi ko.
"*laughs* alam ko ul*l. She reminds me of Angel", Yel.
Me too. Nakikita ko si Angel sa kanya. Kaya nga nag-usap na kami na hindi namin pwedeng chansingan si Winter. She can help us bring the old Zach. Tulad nung mga panahong buhay pa si Angel.
"Mas maganda nga lang sya kaysa kay Angel. Bonus na yon", Yel.
"G*go ka talaga", binatukan ko naman sya.
"Tigil na kayo dyan. Gisingin nyo na si Winter. Andito na tayo", William.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...