Chapter 6

605 22 0
                                    

Winter's POV

"Teka lang hija naiihi ako. Dyan kalang muna ha. Magbabanyo lang ako", paalam ni Manong driver at umalis.

Nagpalinga linga naman ako sa paligid. Kaunti lang ang tao dito at madaming mga lamesa at upuan.

Umupo naman ako sa sofa na nasa pinakagilid ng buong silid.

"Girl, anong ginagawa mo?", bigla namang lumapit sakin ang isang bakla at hinila ako patayo.

"Bakit po?", takang tanong ko.

"Alam mo bang bawal ang outsiders dito? Tsaka bat ka nakaupo dyan? Para sa mga business man at model lang ang umuupo dyan. Dyan sila umuupo pag nagmemeeting. Naku, umalis kana bago pa dumating yung boss namin!", sabi nya. Magsasalita sana ako ng makita ko ang isang babae na madaming dinadalang papel. Base sa itsura nya, mga kaedad lang siguro sya ni Aling Salume. Maganda sya at halatang mataas ang pinag-aralan. Nahulog naman sa sahig ang mga papel na kanina lang ay hawak nya. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinulungan syang pulutin ang mga papel.

"Ito na po lahat. Gusto nyo po bang tulungan ko na kayo magdala nyan papunta sa lamesa nyo?", nakangiting tanong ko. Tinitigan muna nya ako ng ilang segundo saka sya ngumiti at sumagot.

"It's okay. I can handle it", sabi nya at tinawag yung bakla na sumuway sakin kanina. May binulong sya dito at ibinigay nya sa kanya yung mga papel. Nginitian naman ako nung babae bago sya tuluyang umalis kasama yung bakla. Sakto naman ang pagbalik ni Manong driver.

"Halika na"

Nagpatuloy naman kaming maglakad. Sumakay ulit kami dun sa pintuang bumubukas. May buton na pinindot si Manong driver tapos biglang bumukas yung pinto.

Wow.

"May magic batong pintuan na to?", tanong ko.

"Wala hija. Elevator ang tawag dito. Ito yung ginagamit para mas mapadali ang mga empleyado sa pupuntahan nila"

Ganun pala. Napayuko naman ako ng lumindol ulit.

"Hindi naman nakakatakot ang elevator hija. Tumayo kana dyan. Malapit na tayo sa opisina ni Maam Stella"

Hindi ko alam pero parang iba yung tingin sakin nung mga kasama namin sa elvatore? Elevtor? Nakalimutan ko ang tawag. Ngayon lang ako nakapasok sa ganun. Mas lalo akong nahihirapan dahil bago palang ako sa syudad. Marami akong bagay na dapat matutunan.

*ting!*

Sinalubong naman kami ng isang matangkad na babae.

"Ikaw ba si Winter Sarmiento?", tanong nya. Tumango naman ako at sinenyasan nya ako na sumunod sa kanya.

*tok* *tok*

"Come in!"

Namangha naman ako sa disenyo ng opisina. Ang ganda. Para akong nasa kwarto ng isang palasyo. Kitang kita ko din mula sa pader ang kabuhan ng syudad.

Wowww. Mas nilapit ko pa ang sarili ko sa pader.

"You like it?", nagulat naman ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Kayo po si Maam Stella?", gulat na tanong ko. Sya yung babaeng tinulungan ko kanina.  Hindi ko maiwasang mapatitig sa itsura nya.

"Ako nga. Ikaw pala si Winter. Nice to meet you. Totoo nga ang sinasabi ni Salume", sabi nya at ngumiti.

"Ahmm. Baka busy po kayo, mabilis lang po ako dito para hindi kayo maabala"

"Let's take a seat first", umupo naman kami sa malaking itim na sofa.

"Nakakahiya man po tanungin pero pwede po bang i-advance yung sweldo ko ngayong buwan?"

"Para saan naman?"

"Ahm. Malapit na po kasi yung pasukan. Sabi ni Aling Salume kailangan daw ng gadget dahil yun na daw yung ginagamit nila", nakayukong sabi ko. Hindi naman ako nakarinig ng sagot mula sa kanya.

"Ayos lang po kung hindi! Pasensya na po sa abala!", sabi ko at tumayo.

"No no no it's okay. Felicia!", lumapit naman sa kanya yung matangkad na babae. May kung ano syang ibinulong dito bago ito umalis.

"Take a sit. As your sponsor, I am obliged to give you what you need"

"and besides...you're nice, so you deserve these gifts", dagdag nya. Maya maya pa ay bumalik na yung sekretarya nya dala dala ang mga malalaking kahon na di ko alam ang laman.

"Ano po yan?", tanong ko. Nginitian naman nya ako.

"Everything you need is in there", sabi nya.

"Naku po, parang sobra naman po yan. Hindi ko po matatanggap yan"

"Don't worry hija. Hindi naman ako humihingi ng kapalit.... Just a little favor"

"Ano po yun?"

"You're a nice girl... I like you... Unang kita ko palang sayo alam kong makakakaya mo syang baguhin.. Change my son please...Ibalik mo yung dating sya"

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon