Winter's POV
Umikot ulit ako ng isa pang beses at nagkunwaring may manonood sa harap ko
"Magandang araw mga kapwa ko mamamayan! Ako nga pala si Winter Sarmiento na nag iiwan ng kas—"
"Why are you wearing that?", nagulat naman ako nang may magsalita sa likod ko. Nawalan ako ng balanse dahilan ng pagkakatapilok ko.
Akala ko madudulas ako pero buti nalang nakahawak agad ako kay Zach.
Nagkatitigan naman kami ng ilang segundo. Ako na ang unang bumitaw sa titig at dumistansya sa kanya.
"A-ah k-kasi pinahiram lang sakin ni Sarah"
"Why?", nagsalubong naman ang mga kilay nya at pinanliitan ako ng mata.
"Ah wala. Katuwaan lang"
"Sasali ka sa contest?"
"H-hindi noh"
"Good luck, nakakasawa nang makita si Macy na nananalo", sabi nya at lumabas na.
Nag-good luck sya sakin?
Di ko inaasahan yun ah.
*ding dong*
Binuksan ko naman ang pinto at isang nakangiting kapre lang naman ang nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito Everest? Wala kayong practice ngayon diba?"
"Uhm. Sinadya ko talagang pumunta dito para personal kang kausapin. My mom wants to invite you to our family dinner."
Family dinner? Bat naman nila ako iimbitahan sa family dinner? Eh pang-family nga.
"Anong konek ko dyan?"
"Nakukwento kasi kita kay mommy kaya gusto ka nyang makilala"
"Weh? Di mo naman siguro sinabing nobya moko noh?"
"Baliw. Ano? Wala kabang gagawin ngayong gabi?"
"Magpapractice pa ako eh. Pakisabi nalang sa mama mo na sa susunod nalang"
"Practice sa alin?"
Pinakita ko naman sa kanya yung suot kong takong.
"Wag kang magulo. Shupi na! Maglilinis pa ako eh"
"Maglilinis ka talaga ng nakaganyan?"
Inirapan ko naman sya at tinulak hanggang gate.
"Shupi naaa"
"Oo na eto na *laughs* Bye, White"
White? Dati Snow at Angel. Ngayon naman White? Ano bang problema ng mga tao dito?
"Isa kapa eh. Winter ang pangalan ko okay"
"Whatever", at tuluyan na syang umalis.
Bumalik na ako sa loob at nadatnan ko naman silang anim na kakababa lang sa hagdan
"Anong meron sa inyo ni Everest? Bakit ang close nyo na agad?", Conrad.
"Hindi naman kami close. Sya lang yung feeling close"
"Ba't ka nakaheels?", Yel.
"Ah nag-eensayo lang ako sa paglalakad"
"Magaling si Uno dyan. Bakla yan maglakad eh", William. Nagtawanan naman sila.
"Anong bakla. Kasalanan ko bang ginagawa akong manika ng kapatid ko ha?", depensa ni Uno.
"Bat nga pala nandito yun si Everest?", Tom.
"Inimbitahan nya lang ako sa dinner ng family nya"
"Bakit ka naman nya iimbitahan?", Conrad.
"Gusto daw ako makilala ng mommy nya"
"Pumayag ka?", Jay.
"Madami pakong gagawin kaya tinanggihan ko"
"Good. Magpapasama nga pala kami sayo maggrocery. May sakit si Yaya Sal kaya kami na ang mamimili ng groceries"
"O sige teka magbibihis lang ako"
~
Sinamahan ko sila mag grocery ngayon and agaw pansin talaga silang anim. Bukod sa ampopogi nila, nagmumukha pa silang mga bodyguard
Akala ko tatlo o dalawa lang yung sasama, sila pala lahat.
"Sige kumuha kayo ng kanya kanyang basket. Pagkain lang naman gusto nyo eh kayo na mamili. Winter, magcart ka nalang para di ka mahirapan sa mga gulay. Nakalimutan kong dalhin yung listahan na binigay ni Yaya Sal eh. Magaling ka naman sa mga lutong bahay, ikaw na bahala. May tiwala naman ako sayo. O sya, kita nalang tayo sa counter. Dun sa 21 okay?", Jay.
Tumango naman ako at nagtulak na ng cart papunta sa vegetable section.
Gulay nalang ang lulutuin ko mamayang gabi.
Tumitingin tingin naman ako sa gulay.
"Wala namang sariwa."
"Probinsyana ka hija?", nagulat naman ako sa nagsalita sa gilid ko.
"Pano nyo po nalaman?"
"Marunong kang tumingin ng sariwang gulay. Mga probinsyana lang ang ganun"
"Nasanay po kasi sa probinsya"
"Ang ganda mong dalaga. Nagboboypren kana ba?"
"Ah hindi po. Wala pa po sa isip ko"
"Kamukha mo yung alaga ko. Maputla din ang balat non."
"Talaga po? Ano pong pangalan nya?"
"Ev—"
"Yaya Jinki!", naputol ang usapan namin nang tawagin sya ng isang lalaki sa di kalayuan.
Everest?
"Winter, anong ginagawa mo dito?"
"Si Everest yung alaga na tinutukoy nyo?", tanong ko dun sa matanda at tumango naman sya.
"Magkakilala kayo?"
"Kaklase ko po sya"
"Hindi naba talaga mababago ang isip mo?", Everest.
"Busy ako eh"
"Sinong kasama mo?"
"Sila William. Sinamahan ko silang mag grocery"
"Siguro naman next time papayag kana"
"Syempre naman. Basta ba di ako abala."
"Una na kami. Lika na Yaya Jinki"
~
Ang liit naman ng mundo.
"Winter! Nakabili kana?"
Tumango naman ako.
Habang nasa counter kami panay naman ang dikit sakin nung lalaking kasunod ko sa pila.
Pinipilit ko namang idistansya yung sarili ko sa kanya pero dumidikit parin sya.
Pag nagsalita ako, makakagawa ako ng eksena.
Maya maya pa ay tumigil na sya at kumalas sa pila. Umalis sya habang nakapamulsa.
*ting!*
Binuksan ko naman ang slingbag ko nang tumunog ang cellphone ko.
Teka... Nawawala yung kwintas ko...
Kinapa ko naman yung bulsa ko pero wala. Isa isa ko din chineck yung bulsa ng slingbag ko pero wala din.
Yung lalaking yun!
Ninakawan nya ko!
"Ayos kalang winter?", Yel.
"Sa parking lot nalang tayo magkita"
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Ficção AdolescenteSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...