Chapter 40

479 14 0
                                    

Winter's POV

Pamilyar naman sakin ang babaeng nakatayo sa may pintuan. Parang nakita ko na sya dati.

"Hi ma. Hi lola", bati ni Everest at nagmano sa dalawa.

"Hello po", sabi ko at nagmano. Tinignan ako nung mama nya at kinapa kapa ang mukha ko.

"You're really pretty", naiiyak na sabi nya.

"Ba't po kayo naiiyak?", tanong ko. Pinahid naman nya ang luha nya.

"Remember me? Ako yung babaeng kasama ni Macy sa mall"

"Kaya pala pamilyar kayo. Ang liit naman po ng mundo. Kayo pala ang mama ni Everest"

"Sa loob na natin to pag-usapan", Everest.

Pumasok naman kami sa magandang bahay nila. Dumiretso kami sa kusina at naabutan namin ang isang lalaking naghahanda ng mga plato sa kainan. Ang pogi nya, kamukha nya si Everest. Sya siguro ang papa nya.

"Magandang hapon po", bati ko. Nagkatinginan naman sila nung mama ni Everest. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Yung bahay nato, parang nakita ko na dati.

"Halika hija", aya nung tatay nya. Parang sabik na sabik sila sa pagdating ko. Nakakapagtaka naman. Umupo naman kami sa pabilog na lamesa. Di ako makapaniwala sa mga handa nila. Ang dami! Parang may pista!

"How's your game son? Di mo man lang sinabi sa text. Masyado ka atang naexcite sa pagpunta ni Winter dito", sabi ng mama nya.

Parang naiiba ako dito. Ako lang yung hindi parte ng pamilya nila. Ba't ba gustong gusto ako imbitahan ng mama nya.

"Duh, nanalo kami ma. Ang galing kaya ng unico hijo mo", napairap naman ako sa sinabi ni Everest.

"Winter just won a pageant earlier", sabi ni Everest. Sinipa ko naman ang paa nya at pinandilatan sya ng mata. Ginantihan nya din ako ng sipa.

Bat nya pa kailangang sabihin yon.

"Nagsisipaan ba kayo sa ilalim ng mesa?", papa nya.

"Ah hindi po"

"Is it true darling? Nanalo ka sa pageant kanina?", lola nya.

"Ah *awkward laugh* opo", nahihiyang amin ko.

"I wish I was there to support you. I bet you were so pretty wearing gowns and different attires", mas madaldal pa pala ang mama ni Everest kesa sa akala ko.

"hehe hindi naman po"

Nagsandok na ako ng kanin at adobo. Di ko alam, may kakaiba siguro talaga akong koneksyon da adobo dahil di talaga ako nakakaramdam ng umay. Pag adobong manok yung kinakain ko, hindi ko talaga kinakain yung pakpak ng manok. Dati ko na din yon ginagawa bata palang ako.

"oh hija, ayaw mo ba sa chicken wing?", tanong nung mama nya nang mapansin nyang pinipili ko yung kukuning manok.

"Nakasanayan po eh"

"Hindi din ako kumakain ng pakpak ng manok"

"Bakit naman po?"

"Nakasanayan din *chuckles*"

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Parang halos buong buhay ko nakwento ko na. Antagal nga namin natapos kumain. Natapos kami alas sais na ng gabi. Tapos nagkwentuhan ulit kami dun sa sala nila.

"Excuse me maam. Andito na po sila Junjun", sabi nung yaya.

Junjun?

Sino si junjun?

"White, halika. Ayan na yung surprise ko sayo", hinila naman ako ni Everest palabas ng bahay. May humintong van sa harap ng bahay nila at iniluwa nito ang nawawala kong kapatid si Junjun. Agad naman akong tumakbo para yakapin sya.

"Junjun! Jusko! Anong nangyari sayo? Bat ka naglayas sa ampunan?! Alam mo bang nag-aalala sila sayo don?", singhal ko.

"Ayoko don ate. Gusto ko dito. Binibilhan ako ni Kuya Everest ng madaming laruan"

Nilingon ko si Everest na nanonood lang samin.

"Welcome home sis", sabi nya at niyakap ako.

"Teka, anong ginagawa mo?"

"Inaantay ko lang talaga na dumating yung kapatid mo para masabi ko na sayo ang totoo"

"Anong totoo?", lumabas naman mula sa loob ang pamilya nya.

"Ate Winter, sila ang totoo mong pamilya", Junjun

Ha? Anong ibig nyang sabihin?

"Winter... Ibinilin kita kay Carding nung panahong may gustong pumatay sayo para sa ransom. Sinabi ko sa kanya na ilayo ka sa syudad. Hindi nya sinabi samin kung saan ka nya dinala kaya buong akala namin hindi ka na nya ibabalik. That's why pinatayo namin yung pabrika sa lupa nila Carding para pahirapan sya pero huli na pala. Nabalitaan kong namatay na sya noon pa. But nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinalaki nya ang unica hija ko", mahabang salaysay ng mama nya.

"Anak nyo po ako?"

"Oo. Ang totoo mong pangalan ay White. Kakambal mo si Everest"

Tuluyan nang tumulo ang luha ko at sinalubong ng yakap ang totoo kong pamilya. Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko. Hindi pala nila ako pinabayaan. Ginawa lang nila yon para maproteksyunan ako.

"Ate Winter, dito kana titira?", napalingon ako sa nakatingin lang na si Junjun.

Teka, kung dito sya tumutuloy, alam ba nila Manuela?

"Inampon namin si Junjun legally. He's now part of our family. Matagal ko na din gusto magkaroon ng isa pang lalaki", sabi ni papa.

Ang sarap sa pakiramdam na may matatawag kang papa, mama at lola. Naiiyak na din si Everest kaya siniko ko sya.

"Drama mo"

"Ikaw nga tong umiiyak eh", asar na sabi nya. Niyakap ko naman sya ng walang sabi sabi.

"Salamat kambal"

Kaya siguro ganun nalang kami kaclose ni Everest. Twin telepathy siguro.

"Ang sayang makita na andito na ulit ang kambal namin", Mama.

"Mga apo, hali muna kayo sa loob. Lumalamig na", sabi ni Lola.

Ang saya ko. May pamilya na ako.

"Lilipat kaba dito apo?", Lola.

"May trabaho pa po ako eh. Mag-iisang buwan na din ako dun. Sayang naman yung sweldo"

"Hindi kaba pinagmamalupitan ng mga amo mo? Pwedeng pwede ka namang wag na magtrabaho. Magfocus ka nalang sa pag-aaral mo", mama.

"Gusto ko naman po yung trabaho ko. Lagi maman po akong bibisita dito"

"Masaya akong nakabalik kana anak", Papa

"Ako din po"

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon