Chapter 9

586 20 0
                                    

Winter's POV

Nagulat naman ako dahil sa narinig ko. Ginawa nila akong premyo! Sinong matinong tao ang gagawa ng ganyan. Parang pinaglalaruan lang nila ang buhay ko.

"Game!", sigaw nung jejemon. Lumapit naman ako kila Tom.

"Anong ginagawa nya?", tanong ko.

"Makikipaglaro", Tom

"Bakit nila akong ginawang pamusta?"

"Yo chillax babe. Hinding hindi magpapatalo si Zach pagdating sa mga labanan", sabi ni Yel at umakbay sakin. Tinignan naman sya ng masama nung iba kaya inalis nya yung braso nya.

"First to score 10 will win", Uno.

~x~

Pumito na yung ginawa nilang tagascore bilang hudyat na nagsimula na ang laro. Nasa jejemon yung bola pero agad na naagaw yon ni Zach. Ang liksi nya, nakakamangha. Sa ilang minuto nilang pag-aagawan ang unang nakapuntos ay si Zach. Di ako makapaniwala.

3-point shot ang ginawa nya. Napatingin naman sya sa pwesto ko bago bumalik sa laro.

Sa 0.5 second na titig nayun kinilabutan ako. Nakatatlong puntos palang yung jejemon habang si Zach 7 na. Isang 3-point shot nalang mananalo na sya. Dapat lang sya manalo noh. Ayokong sumama dyan sa mga manyakis na yan. Itinakbo naman ni jejemon yung bola pero agad syang nahabol ni Zach. Hinarang nya si jejemon kaya nung tumira ito, hindi na shoot dahil natabig nya ang bola palayo.

Ilang minuto pa ang lumipas tapos na ang laban.

At ang nanalo ay si...

Jejemon.

Biro lang. Si Zach malamang. Nagpapasalamat naman ako na nanalo sya dahil kung hindi siguro nilalapa na ako ng mga asong yon. Umalis na yung mga jejemon at hindi ko alam kung babalik paba sila o ano. Inabutan ko naman ng bimpo at tubig si Zach na hinihingal pa.

"Winter! Halika! Laro tayo!", tawag ni Jay. Tumakbo naman ako papunta sa pwesto nila. Tumango naman ako.

3-3 kami. Si Zach at William hindi muna sumali. Nood lang sila sa bleachers. Kasamahan ko si Yel at Uno. Si Jay, Conrad at Tom naman sa kabila.

"Marunong kaba maglaro?", Yel. Nagkibit balikat lang ako.

"Umaasa lang ako sa chamba at swerte", sabi ko. Hindi naman sila makapaniwala sa sinabi ko. Nagkumpulan kami sa gitna para sa bola. Nang ihagis na ni William yung bola nakuha ko agad yun. Kahit mas matangkad sila sakin nalusutan ko sila. Dinribble ko naman yung bola papunta sa ring. Hinarangan naman ako ni Tom pero umikot lang ako at nalusutan sya. Nang malusutan ko si Tom ay pinasa ko yun kay Uno. Nakabantay naman sa kanya si Jay. Sumenyas naman ako sa kanya na ihagis yung bola.

Nang ihagis nya ang bola at tumalon naman ako at id-nunk yun sa ring. Natutunan ko yun sa slamdunk.

"Nice!", nag-apir naman kami ni Yel at Uno.

"Galing mo ah. Kala ko ba di ka marunong", Yel.

"Chamba", sabi ko.

~x~

Hapon na ng makauwi kami. Umuwi kaming pawisan at hinihingal. Ngayon lang ulit ako nakapaglaro.

"Oh mga hijo, naku! ang dugyot nyo na", bungad ni Aling Salume.

"Yaya Sal naman, gwapo parin kaya ako!", Yel.

"Ang hot ko kaya tignan pag pawisan", Conrad. Nagtawanan lang kami maliban kay Zach. Kanina pa sya walang imik.

"O sya sya maligo na kayo! Ang baho baho nyo na", Aling Salume. Nagsibalikan naman kami sa mga kwarto namin.

Naligo ako sa CR namin sa likod ng kusina. Yun ang CR naming mga kasambahay. Sinubukan ko ring gamitin yung mga cream na kasama dun sa mga binigay ni Maam Stella. Nang matapos na ako sa pagligo nagsuot naman ako ng pantulog na damit saka sinuklay ang mahaba at kulay kape kong buhok.

Nadatnan ko naman silang nanonood ng palabas sa sala. Kinuha ko naman yung mga chichirya at softdrinks sa ref at nilagay sa tray. Inilapag ko naman yung pagkain at umalis na.

*dialing Manuela*

(Hello?)

"Manuela! Hindi ka maniniwala sa nangyari ngayong araw!"

(Hala?! Bakit? Ikwento mo dali!)

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon