Everest's POV
Nauna nang pumasok si Zach sa lumang building. Nasundan namin sila dahil sa napagsalita namin si Kyla.
I'm gonna f*cking rip their heads off pag may nangyaring masama sa kapatid ko.
"Hindi parin ako makapaniwalang magkapatid kayo", Uno.
"Yea right", tanging sabi ko.
"Funny how Zach gets jealous to you", natatawa namang sumang-ayon yung iba pa.
*ting!*
"Nagtext si Zach. Kasama na nya si Winter. Tara na!"
Sumugod naman kami sa front door at sinalubong ang iaang dosenang mga goons. Nagkanya kanya naman kami ng atake.
"Take that!"
*blaggg!*
Binalibag ko naman yung goon na sumugod sakin.
Parami ng parami yung mga dumadating na tauhan nila Kyla. Gumagamit na yung iba ng armas.
"May armas sila", Uno.
"Don't worry", sabi ko at sinugod yung isang lalaking may dalang baril. Umikot kami kaya nasipa ko yung iba pang kasama nya. Nabitawan nila ang mga armas nila kaya agad namin yong inagaw at itinutok sa kanila.
"Don't shoot"
"Bakit?", Jay.
Hinayaan lang naming tumakas yung mga ibang tauhan.
"Bakit mo sila hinayaang tumakas?! We could've just killed them", Conrad.
"I don't kill people", simpleng sabi ko.
Nakita naman namin sila Zach at Winter na lumabas mula sa isang kwarto. Putlang putla ang labi ni Winter. Naging kasing kulay ng balat nya. Naaawa ako sa kalagayan ng kapatid ko.
Agad naman akong lumapit sa kanila at binuhat si Winter.
"Everest..."
"Panget! Sabi ko sayong mag-ingat ka diba!", asar na sermon ko. Nagawa pa nitong ngumiti sa kabila ng sitwasyon ng katawan nya. Lalabas na sana kami ng building nang makasalubong namin si Kyla na may dala dalang baril.
"Pano ka nakatakas?!", sigaw ko.
"Papatayin ko sya!", itinutok naman nya ang baril kay Winter.
"Ibaba moko", Winter. Sinunod ko naman ang sinabi nya. Kahit nanghihina eh pinilit nyang tumayo. Inalalayan naman namin sya.
"Kyla... Tumigil kana", mahinang sabi ni Winter.
"Hindi ako titigil hanggat di ko nakikita ang duguan mong katawan!"
"Wag mo na sya kausapin", sabi ko at iniharang ang katawan ko sa kanya. Nakapwesto sya sa likod naming walo.
"Umalis kayo dyan! Kung ayaw nyong madamay!"
"Tumigik kana Kyla please! Leave us alone!", Zach.
Napapikit ako nang ikasa nya yung baril. Maya maya pa eh wala akong narinig na putok.
Walang bala ang hawak nyang baril.
"What the heck?!", mura nya. Itinapon naman nya ang baril.
*bang!*
"Everest...", napalingon ako nang tawagin ako ni Winter. Nakahawak ito sa tyan nya. Dumudugo iyon. Para bang nags-slow motion yung paligid nang makita ko yung babaeng bumaril sa kanya.
Nakita ko namang pinulot ni Zach yung isang baril ng goon at ipinutok yon dun sa babaeng bumaril kay Winter. Natumba yung babae kasabay ng pagkatumba ni Winter.
"Mommy!!! Hindi!!!", tumakbo si Kyla papunta dun sa babaeng bumaril kay Winter.
"Winterrrr!", tawag ko sa nakahilatang si Winter. Hindi sya gumagalaw. Binuhat naman sya agad ni Zach at inilabas sa building. Lumabas nadin kami sa building at dumiretso na sa hospital.
~
"I'm sorry but the patient was dead on arrival..."
Para akong dinaganan ng isang daang elepante dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Nakaharang kaming walo dito sa harap ng ICU.
"Hindi! Hindi patay yung kapatid ko!"
Tumakbo kami papasok dun sa kwarto ni Winter. Pinigilan kami nung mga doctor pero marami kami kaya madali namin sila g nalusutan. Nakapasok kami sa kwarto ni Winter. Nakatakip ng puting kumot yung buong katawan nya. Nanghina ang tuhod ko nang nakita ko sya.
Binuklat ko ang kumot at ganun nalang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa higaan.
"Hindi to si Winter!", sigaw ko. Lumapit naman sila at tinignan din yung patay. Hindi yon si Winter.
"Uhmm excuse me. Kayo ba yung pamilya ni Miss Cruz?", tanong nung nurse.
"Asan si Winter Sarmiento?", Zach.
"Ah nasa kabilang kwarto po"
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Winter na mahimbing na natutulog.
"T*ngina. Kinabahan ako nung sinabi ng doktor na dead on arrival daw yung pasyente", William.
"Ibang pasyente pala yung tinutukoy. Punyeta", Uno.
Kinabahan din ako sa sinabi ng doktor. Pero ang importante ngayon, buhay si Winter.
Zach's POV
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi si Winter yung namatay na pasyente sa kabilang kwarto.
Umaga na at siksikang natulog sila Everest, Yel, Umo at Jay dun sa couch dito sa kwarto ni Winter. Sila Conrad, Tom, at Yel dun sa upuan sa labas nakatulog. Hindi ako natulog buong gabi para bantayan si Winter. Hindi pa nagigising yung iba kaya hinayaan ko lang sila. Alam kong pagod sila sa nangyari kagabi. Kahit gustuhin ko mang magpahinga din gaya nila hindi naman ako makatulog sa kakaisip kung nagising naba si Winter.
Tinignan ko ang kabuuan ng mukha nya. Napangiti ako nang maalala ko yung halik nya.
"I love you...", I softly whispered then gave her a quick peck on the lips.
~
Nakaramdam naman ako ng mahinang hagod sa buhok ko.
Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko ang isang nakangiting si Winter.
Teka, hindi ba ako nananaginip?
"Winter?"
"Mahal din kita....", sabi nya at hinalikan ako.
"*coughs*", napalingon kami sa mga kakagising lang na kasamahan namin.
"Don't hurt my sister or I'll torture you", seryosong sabi nung kapatid nya. Napalunok naman ako.
"Joke lang!", natatawang sabi nya.
"Everest! Ang sama mo!", Winter.
"Ano kaba sis. Protective lang ako na kapatid noh. Pupunta dito si mama at papa mamaya", bumaling naman sya sakin.
"Be nice. Magmano ka pag nandito na sila", sabi nya at tinapik yung balikat ko.
Nagkwentuhan lang kami dito sa loob ng kwarto ni Winter. Nameet ko din yung parents nya at sa tingin ko naman boto sila sakin.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...