Winter's POV
Iniiwas ko naman sa mga dumadaan yung hawak hawak ko na tray habang naglalakad dahil konting bangga lang nila pwede nang matapon itong mga baso.
"Padaan... Pasensya na....Teka lang po. May dala ako. Dahan dahan lang po tayo"
Natanaw ko na yung grupo na nagpahatid nitong mga dala ko. Pero nang malapit na akong makaabot sa pwesto nila eh parang may tumisod sakin dahilan ng pagkakadapa ko. Natapon sa sahig yung mga inumin at basag din ang mga baso. Napatingin naman ang lahat sakin.
"Ano bayan ang lampa lampa mo naman! Simpleng bagay lang di mo pa nagawa"
Nagtawanan naman yung iba pang nakapalibot sakin.
"Pasensya napo. Di kopo sinasadya. Natisod po kasi ako", napatingin naman ako sa likod ko. May isang lalaking tumatawa at nagv-video sa cellphone nya. Lumuhod naman ako at isa isang pinulot ang mga bubog ng baso.
"What are you doing?!", napatingin naman ako sa nagsalita
Si Zach. Pinagpatuloy ko parin yung pagpulot sa mga nabasag na baso hanggang sa makaramdam ako ng hapdi.
"Ano ba!", kinuha naman nya ang kamay ko at tinignan.
"Aray!"
"Winter! Anong nangyari?", dumating naman si Everest at sila Sarah. Kitang kita sa mukha nila ang pag-aalala.
"Ayos lang ako", sabi ko at binawi ang kamay ko.
"Stop saying that you're okay kasi hindi!", nagulat naman ang lahat pati na ako nang sumigaw si Zach.
"Winter. Nasaktan kaba? Halika gamutin natin yang sugat mo", Everest. Bago pa ako makalapit kila Everest ay hinila naman ako ni Zach.
"Ako na ang bahala sa kanya"
Kinaladkad naman nya ako hanggang sa makarating kami sa kwarto nya.
"Why are you so careless?!"
"Hindi naman ako mamamatay sa bubog noh"
"Kahit na! You're being a clown in front of them! Nilalait at pinagtatawanan ka nila!"
"Sanay namana ako. Sa probinsya palang araw araw na ako nakakarinig ng panlalait mula sa kinalakihan kong ina"
Natahimik naman sya. Kinuha naman nya ang isang maliit na bag galing sa drawer nya at naglabas ng ilang mga gamit panlinis sa sugat.
Para akong nahilo nang makita kong may lumalabas na dugo mula sa kamay ko. Lumapit naman sya at umupo sa tapat ko.
"Maliit na sugat lang naman yan. Malayo sa bituka"
"You're bleeding", inilagay naman nya sa bibig nya ang isa sa daliri ko. Tumayo naman ang balahibo ko dahil sa ginawa nya. Buti nalang malinis ang kuko ko at nakapagnail cutter kanina sa bahay ni Sarah. Pagkatapos nya sipsipin ang dugo sa daliri ko eh kumuha namn sya ng bulak at alcohol at idinampi sa sugat ko.
"Aray! Magdahan dahan ka naman"
"I'm being gentle already!"
"Aray... Masakit. Wag mo na nga ilagay"
"Sa una lang yan masakit"
"ZACH! Aray aray arayyy! Tanggalin mo na yan please. Ang hapdi!"
"Stop screaming okay. Ididiin koto sige ka"
"Sorry sorry ansakit eh"
"Calm down will you?"
Nakarinig naman kami ng mahinang tawanan sa labas ng pintuan. Binuksan ni Zach ang pinto at iniluwa nito ang anim na unggoy na palihim na nakikinig samin.
"Winter! Oh my! Don't worry pag nabuntis ka tutulungan namin si Zach sa mga cravings mo!", Conrad.
"Oo nga tapos ninong kami sa binyag!", Uno.
"Dapat lalaki ha!", William.
"Ano bang pinagsasabi nyo?", takang tanong ni Zach.
"Hindi ba kayo nag... alam mo na", Tom. Napatingin naman sila sakin.
"Ginamot ko lang ang sugat nya. What were you guys thinking?", Zach.
"Naku naman. Akala ko magkakaroon na tayo ng inaanak", Yel.
"Umalis na nga kayo!", asar na sigaw ni Zach. Umalis naman sila ng may dismayadong mukha.
"Ah siguro dapat umalis narin ako", paalam ko. Hindi naman sya nagsalita kaya lumabas nalang din ako sa kwarto nya. Napatingin naman ako sa sugat ko na may band aid.
He can be caring sometimes.
~
"Snow! Ano ayos kalang?", Sarah.
"Oo ayos lang ako"
"Hindi mo na sana pinulot yung mga basag na baso", Laura.
"Guys! Andito na si Zarmia! MagpapakaFC ako sa batang yon mamaya!", Tamara.
Napatingin naman kami nang magsitabihan ang mga tao. Naglakad naman ang isang babaeng naka sunflower dress sa gitna at umakyat sa isang maliit na stage.
"Thank you so much sa pag attend guys. Let's have fuuunn!", naghiyawan naman ang mga bisita kasama na sila Sarah.
"Nagugutom ako. Kumain muna tayo", Laura.
"Teka. Asan si Everest?"
"Ah nandun sa table nila Zarmia. Ka-team sya ng kuya nya eh. Dapat nandun sya. Andun lahat ng kasamahan ni Zach sa basketball. Dalawa lang babae don. Si Zarmia at yung isang kulot", Tamara.
"Dapat kasama kadin don Snow", Sarah.
"Ano kaba. Katulong lang ako dito. Kita mo oh. Nakauniform nga lang ako. Hindi ako bagay sa kanila"
"Laura, Tamara, naiiisip nyo ba ang iniisip ko?", Sarah.
"Ano?", Laura.
~
"Teka lang. Sigurado ba kayo dito?", tanong ko.
"Oo noh. Wait lang wag kang malikot", Sarah. Dinala nila ako sa kwarto ko at binihisan at nilalagyan ng kolorete sa mukha.
"Hindi na ako maglalagay ng foundation. Ang puti mo na eh", Tamara.
"Ano ba yan. Nakakainggit. Wala kang pimples. Babawasan ko ang kilay mo ha. Makapal na ang kilay mo so hindi ko na guguhitan. Babawasan ko nalang mweheh", Laura.
Wala akong salamin kaya di ko makita ang pinaggagagawa nila sa mukha.
"Lipgloss, mascara at blush on lang yan ha! Ang ganda na!", tili ni Tamara.
"Voila! Tapos na! Yung salamin dali!", Sarah. Inabot naman sakin ni Tamara ang salamin.
Woah.
Ako ba to?
![](https://img.wattpad.com/cover/220367679-288-k953358.jpg)
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...