Chapter 26

486 16 0
                                    

Winter's POV

"Sigurado kabang uuwi ka hija?"

Sinarado ko na ang backpack ko at nagsuot na ng sapatos. Uuwi ako sa probinsya para kamustahin ang pamilya ko.

"Opo. Nasabihan ko na sila Conrad. Isang araw lang naman po ako dun. Uuwi din ako kaagad. May pasok pa eh"

"O sya sya mag-iingat ka ha. Hatid na kita sa labas"

~

"Bat kaba kasi uuwi? Isasama ka pa naman sana namin magpractice sa court", Uno.

"May aasikasuhin lang. Uuwi din naman ako agad. Isang araw lang. Uuwi ako sa huwebes. Diba birthday din yun ng kapatid ni Zach?"

"Ingat ka"

Kumaway naman ako sa kanila bago naglakad papalabas ng village. Habang naglalakad ako ay nakaramdam naman ako na parang may sumusunod sakin. Napahigpit naman ang hawak ko sa strap ng backpack ko at binilisan ang lakad.

"Miss. Antay! Yung wallet mo nahulog!"

"A-ah salamat"

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko ang sumusunod sakin. Hays. Masyado na ata akong nagiging paranoid. Nakapara na ako ng bus at natulog lang buong byahe. Tatlong oras ang byahe mula dito papunta sa probinsya namin.

~

"Miss, gising. Last stop na. Hindi kaba bababa?"

Dali dali naman akong tumayo at sinukbit ang backpack ko at bumaba na. Bumungad naman sakin ang pamilyar na amoy. Ang malinis at sariwang hangin ng probinsya.

*sigh*

*dialing Manuela*

*ringing*

(Hello?)

"Manuela, nasa terminal ako ngayon"

(Ano?! Nasa Quezon ka ngayon?)

"Oo. Antayin nyoko dyan"

(Bruhilda talaga. Antigas ng ulo!)

Binaba ko na ang tawag at sumakay ng jeep papunta sa bayan nila Manuela.

Nang dumating ako, sinalubong naman ako ng kurot ni Manuela.

"Antigas ng ulo eh!"

"Aray ha. Ganun ka ba mambungad ng kaibigan na matagal mo nang di nakasama?"

"Heh! Parang ilang linggo palang ang lumipas noh"

"Asan si Tito? Alam nya bang dadating ako?"

"Nasa kabilang bayan sya. Tinutulungan nya yung Mama mo mag-impake. Dito na daw sila titira. Nakakainis nga eh. Ang sama sama nung nanay mo sayo tas makakasama pa namin sya dito sa bahay. Baka tarayan din ako non"

"Samahan moko. Puntahan natin sila"

"Ayoko nga noh!"

"Sige na Manuela..."

"Ano bang gagawin mo dun eh pinalayas ka na nga ng magaling mong ina diba?"

"Gusto ko lang kamustahin ang mga kapatid ko"

"Hays. Sige na nga! Lika na!"

Sumakay naman kami ng traysikel papunta sa bayan namin. Nadatnan naman sila mama na nag-aayos ng mga gamit.

"Ma..."

"Oh? Bat kapa bumalik?", ni hindi man lang nya ako dinapuan ng tingin.

"Gusto ko lang ho sana kamustahin sila Junjun"

"Ayos lang sila"

"Asan po sila?"

Hindi sya sumagot kaya pumasok nalang ako sa kwarto namin. Sinalubong naman ako ng yakap ng tatlo kong nakababatang kapatid. Pansin ko din ang iniimpake nilang malaking bag.

"Ate. Namiss ka namin. San kaba pumunta?"

"Nakahanap na ng trabaho si Ate. Kamusta kayo dito? Magpapakabait kayo kay Tito Randy ha"

"Ate hindi kami kila Tito Randy titira. Sabi ni mama. Iiwanan nya kami sa bahay ampunan"

"Ano?!"

Galit naman akong lumabas ng kwarto at hinarap si mama.

"Bakit nyo sila ipapaampon ma?!"

"Ano bang pake mo?", mataray na sabi nya.

"Ma! Mga kapatid ko sila!"

"Ipapaampon ko sila sa ayaw at sa gusto mo! Tsaka bat kaba nakikialam? Diba pinalayas na kita dito? Nandito kaba para magmalaki na nabuhay ka nung pinalayas kita?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo ma?! Mga anak mo sila! Basta basta mo nalang silang ipamimigay na parang mga tuta? Kailan kaba nagkaroon ng malasakit saming magkakapatid ha?!"

*pakk!*

Napahawak naman ako sa pisngi ko nang malakas nya itong sampalin. Niyakap naman ako sa likuran ng mga kapatid ko. Umiiyak silang nanonood samin.

"Wag na wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan! Ang kapal ng mukha mo!"

Hindi pa sya nakuntento dahil hinila nya ang buhok ko at sinabunutan. Hindi ako gumanti. Nanay ko parin sya.

"Ang kapal ng mukha mo na pagsalitaan ako ng ganyan! Sino kaba ha?! Inuwi kalang naman ni Carding dito! Hindi ka naman namin kaano ano! Ni hindi ko nga alam kung san ka nanggaling!"

Napatigil naman ako dahil sa narinig ko. Ibig sabihin... hindi nya ko tunay na anak?

"Anong ibig nyong sabihin ma?"

"Wag mokong tatawaging mama! Dahil hindi kita anak!"

Nabuhay ako sa isang kasinungalingan?

Gusto kong magwala at manakit pero naestatwa lamang ako sa kinatatayuan ko. Tumulo naman ang luha ko nang di ko namamalayan. Naputol lang ang eksena namin ni mama nang dumating si Tito Randy.

"Ano bang nangyayari dito?"

"Paalisin mo na nga yan dito Randy! Naiinis ako sa pagmumukha nyan!"

"Totoo ba ang sinasabi nya Tito? Na hindi nila ako tunay na anak?", iniwas naman nya ang tingin sakin at akmang hahawakan yung braso ko. Iniwas ko naman agad yon at tinanong ulit sya.

"Tito! Magsabi po kayo ng totoo!", naiiyak na sabi ko.

"Oo. Hindi ka namin kaano-ano. Dinala kalang ni Carding dito nung bata kapa, ang sabi nya ulila kana daw at nakita ka nya sa lansangan"

Parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napakapit naman ako sa pader ng bahay namin.

Buong buhay ko tinawag kong mama ang isang taong hindi ko naman pala kaano ano. Tiniis ko ang pananakit at panlalait ng nya dahil akala ko nanay ko sya.

"Hija..."

"Kailangan ko po mapag-isa tito...", lumabas naman ako at niyakap si Manuela.

"Anong nangyari sa loob bes?"

"Alam mo din ba?", tinignan naman nya ako ng nagtataka.

"Alam ang alin?"

"Na hindi ako tunay na anak nila mama at papa?", napaiwas naman sya ng tingin.

"Winter kas—"

"So alam mo din... Ako lang ba ang hindi nakakaalam neto?! Tang*na Manuela! Buong buhay ko akala ko may natatawag akong magulang. Akala ko lagi lang mainit ang ulo ni mama. Kaya pala pakiramdam ko iba ako sa mga kapatid ko. Kaya pala ganun nalang ako pagalitan ni mama. Kaya pala nung namatay si papa sakin nya binunton yung galit nya. Hindi pala ako totoong anak."

"Winter..."

"Aalis nako. Balitaan mo nalang ako"

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon