Chapter 47

478 14 0
                                    

Winter's POV

Nagising naman ako sa isang madilim na silid. Iisang ilaw lang ang nandito at yun ang ilaw na nasa ibabaw ko lang.

"May tao ba dyan?"

"Nagising na pala ang prinsesa", nakarinig ako ng bruskong boses mula sa likod ko. Hindi ako makagalaw dahil nakatali ako sa isang bakal na upuan. Hindi lang basta upuan, isa itong nakakakuryenteng upuan.

"Pakawalan nyo na ako pakiusap..."

"Pasensya kana hija. Ginagawa lang namin ang trabaho namin", sabi ng isa pang lalaki.

"Maawa kayo sakin..."

"Maawa?! Bat naman ako maaawa sa babaeng dahilan ng sakit na nararanasan ng anak ko?", boses yon ng isang babae. Unti unti syang lumapit sa liwanag kaya natanaw ko ang mukha nya. Kamukha nya si Kyla. Sya ba yung kausap nya sa telepono kanina?

"Wala po akong ginagawang masama"

"Ang pag-aagaw sa nobyo ng anak ko. Hindi ba yon masama?!"

"Hindi ko po inaagaw si Zach. Sya po yung desperadang makuha si Zach!"

"Tinatawag mo ang anak ko na desperada?!"

Pinindut nya ang isang pulang buton dahilan ng pagkakuryente ng buong katawan ko.

"AAHHHHH!!!!"

Malakas akong napasigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ilang segundo ang tinagal ng kuryente bago ito patayin nung mama ni Kyla. Namanhid ang buo kong katawan. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Mata ko lang ang nagagalaw ko. Para akong naparalisa dahil sa nangyari.

"P-pakiusap...."

Pinindot na naman nya yung buton.

"T-TAMAA NAAA!"

Inulit nya pa ng inulit yung pagkuryente sakin hanggang sa manghina ang katawan ko. Parang gusto ko nang matulog nalang at hayaang magising sa langit.

"Pagod kana? Wag kang mag-alala una palang yan... Meron pang iba *evil laugh*"

Binuhat ako nung isang lalaki at inilipat sa ibang kwarto.

"Ito na yung level 2 *laughs*"

Kinadena nila ang kamay ko sa sahig at sinimulang latiguhin ang likod ko. Bumabaon sa balat ko ang bawat hampas ng buntos pagi sa likod ko. Para akong nasa impyerno.

"Tama na...", umiiyak na ako pero patuloy padin sa paglatigo yung babae. Napapahiyaw naman ako sa bawat tama ng latigo sakin.

Ang hapdi.

Umiyak nalang ako ng umiyak dahil sa kawalan ng pag-asa.

Tutulungan ba ako ni Zach?

Ayoko na... Bumibigay na yung katawan ko.

Gusto ko nang magpahinga.

Pilit kong wag ipikit ang mga mata ko para hindi makatulog. Baka sa pagtulog ko eh hindi na ako magising pa.

Nang magsawa na yung babae sa paghampas ng latigo sakin eh iniwan na nya ako. May tatlong lalaki dito sa silid. Yung dalawa nakabantay sa pintuan at yung isa naman nasa harap ko. Pinagsusuntok nya ang mukha at katawan ko.

Para akong punching bag.

Dumudugo na ang ilang bahagi ng katawan ko. Napabulwak ako ng dugo nang suntukin nya ang tyan ko. Di nagtagal eh di ko na maramdaman ang suntok nya. Namamanhid yung katawan ko. Nawawala wala nadin yung pandinig ko.

"Tama na yan! Pinapalipat na daw ni Maam sa kabilang kwarto", rinig kong sabi nung isang lalaki.

Kinalagan ako nung lalaking sumuntok sakin at binuhat na parang sako ng bigas. Dinala nila ako sa isang maliwanag na kwarto. Pinahiga nila ako sa kama at itinali ang kamay at paa ko sa magkabilang bahagi ng kama. Iniwan nila ako kasama ang isang lalaking nakatakip ang mukha. Di tulad nung ibang lalaki, hindi malaki ang katawan nya. Katamtaman lang. Pamilyar ang postura at pangangatwan nya.

"Pakiusap... Wag mokong sasaktan..", umiiyak na saad ko.

Lumapit ito sakin at kinapa ang mukha ko. Malambot ang kamay nya. Pinunasan nya ang tumutulong luha sa mata ko.

"Don't cry..."

Inalis nya ang takip sa mukha nya.

Zach!

"Andito ka.."

Isa isa nyang kinalagan ang kamay ko at paa ko.

"Pano ka nakapasok dito?"

"Maya na tayo mag-usap. Ang importante maitakas na kita dito"

"Hindi ako makatayo"

Manhid padin ang buong katawan ko dahil sa pangunguryenteng ginawa ng mama ni Kyla. Iniakbay ni Zach ang braso ko sa balikat nya at inilalayan akong tumayo. Bumukas naman ang pinto at iniluwa nito ang dalawang bruskong lalaki.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito! San mo sya dadalhin!"

Pinaupo ulit ako ni Zach at hinarap yung dalawang lalaki. Isa laban sa dalawa. Nagsuntukan sila hanggang sa mapatumba nya yung dalawa. Hilong hilo na ako, hindi na ako makatingin ng diretso. Umiikot yung paningin ko at para bang kahit anong oras hihimatayin ako.

"Hey Winter!", nakaramdam naman ako ng mahinang tapik sa pisngi ko.

"Inaantok ako..."

"Wag kang matutulog okay. Papunta na sila dito. Kasama yung kapatid mo. Konting tiis nalang"

"Zach..."

Itinaas ko ang tingin sa kanya at kinapa ang mukha nya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Gusto ko syang halikan.

Di ko alam kung bakit.

Tinutulak ako ng katawan ko papalapit sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya hanggang sa magdikit ang mga labi namin. Ilang segundo akong di gumalaw. Para akong naestatwa sa posisyon ko. Nagsimulang gumalaw ang labi ni Zach. Para naman akong puppet na napapasunod sa ginagawa nya. Di ako makapaniwala. Mas dinikit nya pa ang katawan nya sakin. Nalalasahan ko ang sarili kong dugo mula sa putok kong labi.

Hingal naman kaming tumigil. Hinabol ko ang hininga ko. Dinikit ni Zach ang noo nya sa noo ko bago iyon hinalikan.

"I love you...", bulong nya.

Natahimik naman ako saglit kaya nagtaka sya.

"Mahal din kita", sabi ko at niyakap sya. Niyakap naman nya ako pabalik at mas mahigpit.

"We need to go"

Nawala na ang hilo at bumalik na ng tuluyan ang pandinig ko.

Sa paglabas namin, nadatnan namin ang anim kasama si Everest na nakikipaglaban sa mga tauhan nila Kyla.

"Kailangan na nating umalis dito sa lalong madaling panahon"

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon