Chapter 33

491 12 0
                                    

Winter's POV

Nasa bahay ako ni Sarah ngayon. Nag-insist sila an tulungan ako para sa contest. Sila na daw ang bahala sa lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay kabisaduhin ang mga sinasabi nila. Masama pa naman ako sa pagmememorize. Hanggang ngayon di ko parin kabisado ang multiplication table.

"Okay 1 week nalang bago yung contest. And ang una nating gagawin ay turuan kang maging confidently beautiful with a heart!", Laura. Nagtilian naman sila na lara bang excited magmake over ng barbie.

"Confident kaba?", tanong ni Tamara. Mapait naman akong ngumiti. Hindi ako confident.

"O-oo?"

"Again! Confident kaba?"

"O-oo!"

"No no no honey. Hindi ganyan. A confident women speaks confidently. Remember, you are a confident women... Now show everyone that you really are!"

Pinatayo naman nya ako at iniharap sa isang malaking salamin.

"Anong gagawin ko?", tanong ko.

"Stare at that beautiful masterpiece in front of you. Feel her. Smile! And say 'you are confidently beautiful!'"

Sinunod ko naman ang sinabi nya. Huminga ako ng malalim at tumitig sa salamin. Ngumiti ako at nagsalita

"y-you are confidently beautiful"

"Say it one more time"

"you are confidently beautiful"

"That's it"

Nagpalakpakan naman sila Sarah at Laura.

"Chin up chest out! Ngayon dahil confident na ang pakiramdam mo. Kailangan mo ding maglakad ng taas noo. Yung lakad beauty queen! Yung mala Catriona Gray!", excited na sabi ni Sarah. Pinagsuot naman nila ako ng mataas na takong at nilagyan ng payong ang likod ko para maiangat ko ang dibdib ko. Grabe ang hirap. Masakit sa katawan.

"Ngayon subukan mong maglakad ng tuwid", humakbang naman ako ng isang paa kaya muntikan na akong matapilok.

"Ayoko na. Ang sakit ng paa ko", umupo naman ako sa sahig at hinubad ang takong.  Hinilot hilot ko naman ang paa kong namumula.

"Come on Winter...sa una lang yan masakit okay. Pag nasanay ka, mas less na yung sakit. Practice lang okay"

*sigh*

Sinuot ko na ulit ang takong at sinubukang tumayo. Inalalayan naman nila ako habang naglalakad hanggang sa medyo nasanay na yung paa ko. Ganito pala kaeffort yung mga beauty queen na napapanood ko sa telebisyon.

"Now idagdag natin tong payong sa likod mo para umangat yung dibdib mo. Sige try mo lumakad"

Sinunod ko ang sinabi nya at naglakad.

"Sabayan mo ng konting kembot. Para talagang beauty queen yung dating"

Kumembot naman ako gaya ng sabi nya kaya pagewang gewang yung lakad ko.

"Wag naman yung exaggerated. Yung tama lang parang ganito oh", tumayo naman sya at naglakad na parang itik.

"Kailangan ba talaga na mukha kang itik?"

"Anong itik ka dyan! Ganun kaya maglakad yung mga model at beauty queen."

"Parang di naman ganun eh"

"Snow's right Tamara you look like a duck *laughs* kulang nalang magpout ka para mukha ka na talagang itik", Sarah.

"Ang dami nyo namang sinasabi. Gayahin mo nalang kasi yung ginawa ko. Ilabas mo yung pwet at dibdib mo", Tamara.

"Wag mo gayahin yung ginawa nya. Magmumukha kang itik pramis *laughs*", Sarah. Hinampas naman nya si Sarah sa braso. Naglakad naman ako ng nakaangat ang dibdib at kumekembot ang pwet. Inalala ko naman yung mga napapanood ko noon at ginagaya yung mga galaw nila.

"Nice! Fast learner ka pala eh!"

Nang matapos na kami sa paglalakad. Naglabas naman si Sarah ng napakadaming damit mula sa walk in closet nya. Ang dami. Iba iba ang kulay, pati na yung design.

"Duh. Syempre handa ako lagi noh. Actually kay Mom lahat yan. Akala nya kasi magb-beauty queen ako kagaya nya kaya pinamana nya sakin lahat ng mga damit nya. Ang ganda noh. Lahat ng categories hahaha"

"So first. Yung long gown. Dalawa dapat. Para sa question and answer at para sa pagrampa", Laura.

"Nakakaexcite naman! Pili ka na Winter!", excited na sabi ni Tamara. Lumapit naman ako sa mga nakahanger na damit. Ang dami naman, pano ako makakapili sa ganito kadaming damit.

"Kayo nalang ang pumili. Kahit ano nalang", kanya-kanya naman sila ng kuha ng damit at pinasukat sakin.

~

"Matagal paba tayo? Kailangan ko na kasing umuwi. Baka hanapin na ako nila Aling Salume", mahigit isang oras na akong papalit palit ng damit pero hindi parin sila nakakapili.

"Yan! Yan ang susuotin mo!", tili ni Laura at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nagmumukha syang nanay na natutuwa dahil nakasali yung anak nya sa mga may award sa UNO o di kaya Prince and Princess.

"Sige yan na muna ngayong araw. Balik ka dito bukas. Wala namang matinong klase kaya okay lang umabsent. Busy sila sa pagpapractice para sa mga sinalihan nilang laro sa intrams", Sarah.

"Pass ako bukas. May practice kami sa volleyball", Laura.

"Ikaw Tamara?", Sarah.

"Nagtry out na ko sa badminton nung nakaraan eh. Di ako natanggap kaya libre ako bukas. Basta ba may pameryenda ka", nakangising sabi ni Tamara.

"Ayun. Pagkain lang pala katapat eh", Sarah.

"Salamat kasi tinutulungan nyoko"

"Ano kaba, syempre noh. Kaibigan ka kaya namin. Ang magkakaibigan, nagtutulungan", Laura.

~

Tanghali na nang makauwi ako mula sa bahay nila Sarah. Pinadala nila sakin yung heels para daw makapagpractice ako sa paglalakad. Binigyan din nila ako ng script para sa pagpapakilala. Bukas ipapraktis nila ako sa question and answer.

"Winter hija, pakilinis naman yung mga gamit dun sa sala", tumango naman ako at kumuha ng pamaspas. Nang tumingin ako sa paligid, walang tao....

Pagkakataon ko na to.

Kinuha ko ang heels at nagsimulang maglakad lakad paikot sa sala habang naglilinis ng mga gamit.

"Maganda practice to ah", nakangising sabi ko.

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon