Yel's POV
Nagising naman ako dahil sa tunog ng alarm clock. Wala na namang pasok. Yes! Lumabas naman ako at kinatok ang mga pinto nila. Nagsilabasan naman sila maliban kay Zach. Madalas lang sya sumabay samin sa breakfast. Minsan, hinahatidan nalang sya ng pagkain ni Yaya Sal sa kwarto nya.
"Ba't ang aga mo nagising?", Jay.
"Para maaga ko kayo mabulabog *evil laugh*"
"Tara na nga. Naaamoy ko na yung sangag sa kusina", Uno. Nag-unahan naman kami papunta sa kusina.
"Oh hinay hinay lang mga anak. Asan si Zach?", yaya Rosa.
"Nasa kwarto nya malamang. Di pa kayo nasanay", William.
"Ya, asan si Winter?", Conrad.
"Ah nasa garden nagdidilig", yaya Rosa.
Nagdidilig? Bakit sya nagdidilig? Wala naman kaming masyadong halaman sa garden.
"Bat sya nagdidilig Yaya? Wala naman syang madidilig. Wala naman tayong halaman puro damo lang", sabi ko.
"Nako dinidiligan nya yung mga tanim nya. Nagtanim yun ng sunflower nung nakaraan. Araw-araw nya yong dinidiligan"
Sunflower?
"Bilisan nyo dyan kung gusto nyong makita yung mga tanim nya"
~x~
Nakita ko naman si Winter na nagdidilig.
"You like sunflower?", ngumiti naman sya at pinagpatuloy ang pagdidilig.
"I only know one person who loves sunflowers. Every birthday nya binibigyan namin sya ng sunflower", napangiti naman ako ng maalala ko na naman si Angel. Napakabait nyang kaibigan.
"Ang swerte siguro nya", Winter.
"Pano mo naman nasabing swerte?"
"Buong buhay ko hindi ko pa naranasang mabigyan ng bulaklak o di kaya magdiwang ng kaarawan", sarkastiko naman syang tumawa at kumuha ng palakol. Nagbungkal naman sya sa isang parte ng lupa.
"You mean never?"
"Oo *laughs* ayaw ni Mama ng gastos eh", nilagyan naman nya ng buto yung lupa saka tinabunan iyon.
Siguro nga hindi sa lahat ng bagay ay magkatulad sila.
"Yellllll!"
Napatigil naman ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa sala. Nagpaalam naman ako kay Winter bago tumakbo papunta don. Nadatnan ko naman silang nakatitig sa sofa.
"Oh bakit?"
"Tignan mo", turo ni Tom dun sa sofa.
"Sa tingin mo bakit may dugo dyan?", Jay.
"Aba malay ko", Uno.
"Tinawag nyo pa talaga ako para lang sa isang tagos ng regl—"
"regla?", William. Para naman silang detective na nagtitinginan.
"Sino namang nireregla dit—"
"Si Yaya Sal!", Conrad.
"Baliw kaba. Menopause na ata yon si Yaya eh", sabi ko.
"Si Winter!", Uno.
"Oo nga noh. Oh? Anong plano?", Tom. Tinawag ko naman si Yaya Sal at pinapalitan ang cover ng sofa. Napag-usapan na naming wag magsalita kay Winter tungkol dun sa tagos. Baka mamaya mahiya sya at magsusuper sayan.
Biro lang. Sa tingin ko naman hindi magsusuper sayan si Winter. Yung mga naging girlfriend ko dati parang dinosaur kung kumain pag may regla. Ubos agad pera ko. Wala naman akong magagawa madali silang magalit pag di mo pinagbigyan eh. Topakin talaga ang mga babae noh. Pinapasakit lang nila ang bulsa mo.
"Nasa garden parin sya", sabi ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng mga to at nagdala ng maraming pagkain. Kala mo kung saan magpipicnic. Pinuntahan naman namin si Winter sa garden.
"Winter", sakto namang pagtawag ko sa kanya ay dumating si Zach mula sa kung saan.
"Ay kabayo!", naitutok naman ni Wintee yung hawak na hose kay Zach.
Winter's POV
Nagulat naman ako sa pagtawag ni Yel kaya napalingon agad ako. Napatingin naman ako sa hawak ko na hose. Umangat din ang tingin ko sa....
Uh-oh
"Sorry po!", dali dali ko namang pinunasan ng bimpo ang damit nyang nabasa ng tubig.
"Don't touch me", malamig na sabi nya pero patuloy parin ako sa pagpunas sa damit nya.
"I said Don't touch me! Bingi kaba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Alin ba sa sinabi ko ang di mo maintindihan?"
Napatigil naman ako at yumuko.
"Pasensya na po... Gusto ko lang naman po kayong tulunga—"
"Hindi ka nakakatulong!"
"Tama na yan pre. Hindi naman sinasadya ni Winter yun eh", boses yun ni Tom.
"She just want to help you", William. Umalis naman si Zach ng walang paalam. Yumuko naman ako ng maramdaman ko ang mga maiiinit na likido sa mata ko. Akala ko sa sigaw ni mama lang ako maiiyak. Lumapit naman silang anim sakin at pilit akong kinausap. Pinilit ko ding wag umiyak sa harap nila.
"Winter... Talk to us please", Conrad.
"Don't worry I'll talk to him", akma namang aalis si Jay pero hinawakan ko agad ang braso nya.
"A-ayos lang a-ako"
Umalis naman ako at bumalik na sa loob ng bahay. Nagmukmok lang ako sa kwarto ko hanggang maggabi.
Alam kong hindi ako pwedeng magalit sa kanya. Amo ko sya at malaki ang utang na loob ko sa kanya. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa mga salita nya. Kailangan kong isantabi yung pakiramdam ko. Mas bumigat naman ang pakiramdam ko sa pagpipigil ng luha kaya hinayaaan ko nalang silang kumawala sa mata ko. Nagtakip naman ako ng kumot at mas umiyak pa. Hindi pa humuhupa ang luha ko. Paulit ulit ko namang naririnig sa isip ko ang sigaw ni Zach kanina. Simpleng sigaw lang yon pero bakit masakit?
Siguro ganun ako kahina para umiyak sa simpleng bagay.
*tok* *tok* *tok*
Pinunasan ko naman agad ang mata ko at huminga ng malalim. Mugto na ang mata ko pero kailangan ko umasta ng normal.
"Pasok"
"Uhmm hi Winter..."
Pumasok naman silang anim sa kwarto ko. Nagmumukha na kaming sardinas dito.
"We just wanna give you this", iniabot naman sakin ni Jay ang isang basket na puno ng pagkain.
"Para saan naman to? *sniff*"
"Uhmm maybe It will help you calm down. Yung girlfriend ko dati pagkain lang ang katapat para tigilan ako sa pangungulit eh *chuckles*", Jay. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat *sniff*"
"Look, we're sorry about earlier", Uno.
"Bat naman kayo humihingi ng patawad?"
"Because of Zach. We know he's a bit harsh when it comes to people around him. Maattitude yon minsan pero sana maintindihan mo sya", Yel.
"Ayos lang. Hindi naman ako naapektuhan *sniff*", pinilit ko namang ngumiti sa harap nila.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...