Chapter 16

542 19 0
                                    

Zach's POV

Kusa nalang gumalaw ang paa ko at hinila sya papunta sa banyo ng mga babae. Tinulak ko sya sa papasok sa loob at sinara ang pinto. Kitang kita ko naman ang mga malalagkit na titig sakin ng mga dumadaang estudyante. Naririnig ko din ang mga bulung-bulungan nila na sinasadya nilang lakasan.

'Ang gwapo talaga ni Zach'

'Nakita mo yung pumasok? Parang bampira sa putla*laughs* Rinig ko kasambahay daw yon'

'Ows talaga? Hindi halata ah. Ang alam ko, kasali na sya sa Loser's club.'

'Maganda sana sya eh kaso mukhang pilingera'

Naputol naman ang pakikinig ko nang may marinig akong sitsit.

"Psst"

"Psssstt"

Tinignan ko naman sya na nakasilip sa pinto ng CR.

"Wala akong pamalit na dam—"

Hindi ko na sya pinatapos at umalis na.

~x~

"Kailangan ko ng damit", sabi ko sa school nurse.

"U-uh pardon?"

"I said I need clothes!"

"Sorry Mister pero para sa mga pasyente lang dito yung pinapahiram namin ng damit"

"I need it now!"

"P-pero Sir..."

"Get it or I'll find ways to fire you"

"A-ahm sino po ba ang gagamit?", nurse.

"None of your business. Underwear and pads too"

~x~

Kumatok naman ako sa pinto ng banyo pero walang sumasagot. Kinatok ko ulit pero mas malakas na, hindi parin sumasagot. Sa pangatlong pagkakataon nilakasan ko na ang katok ko. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mahinang daing mula sa loob. Padabog ko namang kinatok ang pinto saka nya ito binuksan. Inabot ko naman sa kanya yung paper bag at umalis na.

Winter's POV

Alas dyis na ng gabi pero di parin ako makatulog. Bukod sa sumasakit yung puson ko, iniisip ko din kung bakit ako tinulungan ng isang Zach Montecedolle. Pumapasok din sa isipan ko kung san sya nakakuha ng damit at panty. Pagulong gulong na ako sa kama ko pero di parin ako makatulog. Tumayo naman ako ng makaramdam ng gutom. Tulog na siguro silang lahat.

Dahan dahan naman akong sumilip sa kusina para makita kung may tao ba.

Walang tao!

Naglakad naman ako ng nakatingkayad papunta sa kusina at dumiretso sa ref. Naalala kong may pagkain dito dati eh. Madilim na sa kusina. Tanging ilaw lang ng ref ang maliwanag. Nakakatakot ang lamig.

"Hand me the cake"

"Ay petrang kabayo!", muntik ko namang mahulog yung kinuha kong pagkain sa gulat.

"Ito na po", inabot ko naman sa kanya yung cake at huminga ng malalim. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong gulat at kaba.

"Ba't gising kapa?", tanong ko.

"Play Station", sabi nya at pinakita yung controller na hawak nya. Naglaro na sila Conrad nyan kanina ah.

"Ba't di ka sumali kila Conrad kanina? Naglaro din sila ng ganyan", hindi naman sya sumagot at bumalik na sa sala. Mag-isa lang syang naglalaro. Tanging TV lang ang nakabukas. Ano lang silbi ng barkada kung hindi naman sila nagsasama sa paglalaro? Madalang ko lang din sya makita na dumidikit dun sa anim.

Umupo naman ako sa kabilang dulo ng couch na kinauupuan nya.

"Bakit gusto mo laging mapag-isa?"

Hindi nya ko sinagot sa halip ay nagsuot pa ng headset para hindi nya ko marinig. Pinanood ko lang yung nilalaro nya habang kumakain. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok.

~x~

"Hija, gising"

Napamulat naman ako ng mata nang gisingin ako ni Aling Salume.

"Kayo po ba yung nagkumot sakin?", tanong ko nang mapansin ang kumot na nakapatong sakin.

"Hindi hija bat kaba dito sa sofa natulog?"

"A-ah dinalaw po ako ng antok habang kumakain hehe"

Kung hindi si Aling Salume ang nagkumot sakin...

Si Zach kaya? Siguro hindi, bat naman nya kukumotan yung katulong nila diba.

Baka may multo na sa bahay na to. Sabi sakin ni Manuela pag malalaki daw yung bahay, tinitirhan daw ng mga masasamang elemento. Pinilit ko namang inalala ang nangyari kagabi.

(Flashback)

Nakaramdam ako ng mahinang haplos sa pisngi at sa buhok. Ilang segundo din yun tumagal bago nya hinawakan ang kamay ko. Hindi ko maibuka ang mga mata ko. Para silang kandadong nakalock at hindi nabubukas.

"Angel..."

Panaginip ba yon?

Sumakit naman bigla ang puson ko.

Hala! May regla pala ako! Dali dali naman akong tumayo sa sofa at tinignan ang pinaghigaan ko. Pumikit ako ng mariin at nagpigil ng tili. Hindi nila pwedeng makita to. Kinuha ko naman yung unan at tinakip dun sa parteng may tagos.

Hindi eh halata parin.

Yung kumot naman yung tinakip ko, tinupi ko muna iyon bago itinakip.

Pano kung kunin ni Aling Salume yung kumot pag naglinis sya?

"Ano bang ginagawa mo dyan hija? May problema ba?"

"Ah wala po", pagsisinungaling ko.

"O sya tulungan mo muna si Manang Rosa sa kusina. Naghahanda nayon ng agahan. Bababa narin sila maya maya"

Bababa?

Sila?

Napatingin naman ako sa tagos na nasa sofa.

Anong gagawin ko dito?

Patay ako pag nalaman nila to.

Aghh!

Mamaya ko na to poproblemahin. Naligo naman ako ng mabilisan at tumulong na kay Manang Rosa sa kusina.

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon