Chapter 11

568 22 0
                                    

Zach's POV

"Bagalan mo lang please. Natatakot ako"

Napatigil naman ako sa sinabi nya...

(Flashback)

1 year ago

"Babe! Magpasundo nalang tayo. Tatawagan ko nalang ang driver ko. You can't drive. Lasing kana!"

"Babe hindi pa ako lasing okay?", hinalikan ko naman sya saka niyakap. Medyo nahihilo ako pero pinilit ko paring makapunta sa parking lot ng bar. Humigpit naman ang hawak nya sa kamay ko.

"Don't worry we'll be fine *hik*", sabi ko at hinalikan ang kamay nya. Sumakay na kami at nagsimula na kong magdrive.

Nag-uulap yung paningin ko at nahihilo parin ako.

"Bagalan mo lang please. Natatakot ako..."

The next thing I knew...

Puno na ng dugo ang damit ko. Naririnig ko na din ang sirena ng pulis at ambulansya.

"Babe...", duguan ang damit nya at nahihirapan syang huminga. Pilit nyang inabot ang kamay ko pero hindi nya maabot.

"I love you..."

Binagalan ko naman ang takbo at huminga ng malalim.

Hanggang ngayon sinisisi ko padin ang sarili ko sa pagkamatay ni Angel. Gabi gabi akong nababagabag sa nangyari noon.

I don't deserve her... I don't deserve an Angel.

Winter's POV

"Okay complete na tayo. Raise your hand as I call your name okay?"

Nagsimula naman si maam sa pagtawag ng mga pangalan. Umingay naman yung room. Kanya kanya sila ng usap sa mga barkada nila. Even sila Conrad, nagkumpulan dun sa gilid. Walang nakikinig kay Maam. Yung katabi ko tahimik lang na nagbabasa ng libro.

"Wow. Nabasa ko na ang librong yan", nakangitinh sabi ko nang masilip ko ang binabasa nya.

"Talaga?", para namang nagningning ang mata nya dahil sa sinabi ko.

"Oo. Kakatapos ko lang kagabi"

"I can't believe this. Akala ko ako lang ang may gusto kay Natasha Josefowitz", nakangiting sabi nya.

"Winter Sarmiento?"

Itinaas ko naman ang kamay ko, tinignan naman nila akong lahat, maya maya pa ay binalik narin nila ang atensyon nila sa mga barkada nila.

"You're not supposed to do that", Sarah. Nagtaka naman ako.

"Bakit naman?"

"Nobody raises their hands pag nagtatawag ng pangalan sa attendance"

"Bakit hindi?", tanong ko.

"You'll see", yumuko naman sya nang biglang lumapit samin yung mga bratz na manika. Sila yung sumipa sa pintuan kanina.

"Look who's here. Bagong estudyante, bagong pabida"

"Anong problema?", tanong ko. Siniko naman ako ni Sarah. Kahit nakikita kami ni Ms. Eva, hindi nya kami nilalapitan para awatin.

"Aba. Sumasagot ah. Ito ang tandaan mo Miss 'Idontcarewhoyouare'. Ako lang ang bida dito. Kaya kung ayaw mong masagasaan, tumabi ka", mataray na sabi nung nasa gitna bago bumalik sa pwesto nila.

"Sa wednesday na natin simulan yung lesson", sabi ni Ms. Eva at umalis. Mas nag-ingay naman ang mga kaklase ko.

"Anong nangyari?"

"This happens every year. Since junior year pa. Wala kang matututunan dahil imbes na nagtuturo ang mga teacher, busy sila sa pag-awat sa mga pasaway na estudyante", Sarah.

"Ikaw yung bago diba?", tumango naman ako.

"Gusto mo bang sumali sa Club namin?"

"Club? Ano yun?", takang tanong ko.

"It's like a group—something. They call us losers kaya gumawa kami ng club namin. Dahil pinatunayan mo lang kanina ang pagiging loser mo sa harap nila Macy kasali kana sa Club namin. Welcome to the loser's club Snow"

Loser's Club? Ibig sabihin grupo nadin ako gaya nila?

"Hindi snow ang pangalan ko"

"Nah. Mas bagay sayo yun", hindi naman ako umimik.

~x~

(recess)

"Halika", hinila naman ako ni Sarah papunta sa isang maliit na lamesa.

"This is Tamara and Laura", pagpapakilala nya dun sa iba naming kasama sa table.

"Ako si Winter..."

"Bakit sya nandito Sarah?", Laura.

"She's joining us", Sarah. Nasamid naman si Tamara sa iniinom nyang chocolate drink.

"She's what?", di makapaniwalang tanong nila.

"What I just said", Sarah.

"Isn't she a bit... Y-know?", Tamara.

"What?", Sarah.

"uhh pretty?", Tamara. Nagkibit balikat lang si Sarah sa kanya.

"Snow, tell us about yourself", Sarah.

"Uhmm. Taga probinsya ak—"

"What?!", gulat na tanong nila.

"Akala ko foreigner ka din na nagbalik bansa dahil nagsawa na sa buhay Amerika", Laura.

"*awkward laugh* ah hindi. Taga probinsya talaga ako. Scholar lang ako dito"

"Hindi ako makapaniwala", Tamara.

"Me too", Laura.

"Me three?", Sarah. Natawa naman sila.

Mukha naman silang okay maging kaibigan.

"Nagtatrabaho ako bilang kasambahay, kapalit nun eh makakapag-aral ako sa kolehiyo"

"Sinong boss mo?", Sarah.

"Ah sila Zach"

"You mean Zach? As in yung gwapong heartrob ng school?", tinignan ko naman sya ng nagtataka.

"Woww. Ang swerte mo naman. Balita ko sa iisang bahay daw sila nakatira. Acckkk! Pitong gwapong nilalang ang nakikita mo araw araw", Laura.

Maswerte? Siguro nga. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ako makakapag-aral ngayon.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Zach na nagmamaneho.

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon