Chapter 38

485 11 0
                                    

Yel's POV

Nagpalakpakan naman kami at naghiyawan nang matapos ang performance nila Winter.

*bzzzttt*

From: Zach

Andito sya. Andito si Kyla.

Shoot.

Inilibot ko naman ang tingin ko. Tama sya.
Andito nga si Kyla.

Si Kyla ang huling ex ni Zach. Nagbreak sila nung summer pa. She's a pain in the a**. Ibang iba kay Angel at Winter.

Ano na naman kayang gagawin ng babaeng to.

"Kyla's here"

"What?!", Tom.

"Ano na namang balak nya?", Conrad.

"I don't know, kung ano man yun, pigilan natin sya"

"I see her! Papunta sya sa backstage. C'mon!", Uno exclaimed.

"Wait, what are you guys talking about? Who's Kyla?", Everest.

"Balitaan mo nalang kami kung nanalo si Winter. May kakausapin lang kami. I-congratulate mo sya para samin ah", sabi ko at lumakad na. Leaving him confused.

Ano na naman bang binabalak mo Kyla.

"Hey!"

Tumakbo naman sya nang makita nya kami. Takte. Makikipaglaro kapa talaga ng habul-habulan. Sinundan naman sya pero pahirapan dahil madaming tao ngayon sa gym.

"Where did she go?"

"Ayun!", turo ni Jay sa labas ng gym.

"Kyla! Stop!"

"Wag kayong lalapit! Anong gagawin nyo ha? Kikidnapin nyo ulit ako at ipapadala sa probinsya? Ha?!", gigil sa sigaw nya.

"Ano bang kailangan mo?", Conrad.

"Kailangan kong makausap si Zach. I need him now!"

"Anong kailangan mo sa kanya?", William.

"Ano na naman bang drama to Kyla?", Tom.

"Ipakausap nyo sya sakin!"

"Matagal na kayong tapos Kyla. Ikaw tong hindi makamove on sa kanya eh. Nakamove on na sya okay. May Winter na sa buhay nya. Stop being an antagonist again!" sabi ko.

"Ipakausap nyo sya sakin! Kung hindi..."

"Kung hindi ano?", Jay.

"Kung hindi ipapalaglag ko ang anak namin!"

What the?!

Anak?!

"The f*ck are you talking about?! Pumunta kaba dito para ipaako kay Zach yang dinadala mo?", Uno.

"Ganun kaba kadesperada?"

"Anak namin sya ni Zach! Wala akong pakialam kung maniwala kayo o hindi! Ipakausap nyo sya sak—"

"What?", napalingon kami sa kakarating lang na si Zach. Agad naman syang nilapitan ni Kyla at niyakap.

"Babeee, I missed you!"

Poker face lang si Zach habang pilit na kumakalas sa yakap ni Kyla.

"Totoo ba ang sinabi mo?", Zach.

"Oo. Ikaw ang ama nitong dinadala ko", Kyla.

Hindi parin ako makapaniwala.

"Sigurado kabang ako ang ama nyan?", Zach.

"Oo"

"Stop f*cking lying!", galit na sigaw ni Zach.

I bet she's lying. We know her enough to prove that.

"This is your child Zach! Anak natin! Aabandunahin mo nalang din ba sya gaya ng ginawa mo sakin?!"

"Hindi ko anak yan"

"Anak mo sya Zach!!"

Damn. This scene is pretty intense.

Winter's POV

"And our Miss FitnFab 2020 goes to.... Winter Sarmiento! A round of applause please!"

Nakangiting tinanggap ko ang bulaklak at sobre na may lamang cash prize.  Isinuot nadin sakin ang sash at korona. Sa inis ni Macy, nagwalk out sya.

~

"Congrats! Para sayo nga pala", bati ni Everest at inabot sakin ang isang paper bag.

"Salamat. Teka asan yung iba mong kateam? Naghahanda naba kayo para sa laro nyo mamaya? Ba't nandito kapa?"

"Mamayang hapon payung laro noh. Nagpaalam sila sakin na aalis muna eh. May kakausapin daw", sabi nya.

Sayang naman. Si Zach din biglang nawala kanina pagkatapos namin sa kanta. Magpapasalamat pa sana ako sa kanya. Di man lang nya narinig yung sagot ko sa Q&A. Ang galing ko pa naman sana don. Turo pa sakin ni Manuela yun.

(Flashback)

"If you were to choose? Would you rather be fat yet kind? Or skinny yet rude?"

"Salamat sa napakagandang tanong. Kung papipiliin ako sa dalawa, magiging mataba pero mabait ako. Vital statistics is not an excuse para magmataas sa kapwa natin. Aanhin mo naman ang magandang pangangatawan kung pangit naman ang kaloob-looban mo? For me, mas maganda ang taong mabait kesa sa taong maganda lang sa panlabas na kaanyuan. Thank you"

"Hey manonood kaba ng laro namin mamaya?"

"hindi", walang ganang sabi ko. Kita ko naman ang pagkadismaya sa ekspresyon nya.

"Biro lang! Syempre gusto kong panoorin kang magkamali", ginulo naman nya ang buhok ko kaya kinagat ko ang kamay nya.

"Aray! Bampira kaba? Ansakit non!", daing nya.

"Bleh!"

~

Naghahanda na ang lahat para sa laro nila Everest.

Pansin ko din na para bang wala sa mood yung pito. Pang byernes santo ang mga mukha nila. Ano kayang nangyari? Sa di kalayuan, nakita ko ang isang babaeng nakawhite dress. Nakaupo sya sa kabilang side ng court at pinapanood din ang paghahanda nila sa laro.

"Kilala nyo yan?"

"Alin?", Sarah.

"Yung nakawhite na babae"

"Hindi eh"

*pprrrrttttt*

Pumito na ang coach nila senyales na magsisimula na ang laro. Excited na naghiyawan ang mga kasamahan ko na nanonood.

"Mukhang wala sa mood yung mga amo mo ah", Laura.

"Ewan"

Panay ang sulyap ko dun sa babae. Maganda sya. Mukha syang modelo na nakikita ko sa mga patalastas tv. Nakatingin sya kay...Zach.

Nakaramdam naman ako ng kung ano sa loob ko. Di ko nalang dila pinansin at nanood nalang sa laro.

Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon