Winter's POV
"Oh hija, matagal kang nakauwi kagabi ah. Ano bang binili mo at di ka sumabay kila Conrad ha", Aling Salume. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"May nang-a-ah opo! Libro lang po hehe. Matagal ko na po kasing gustong bumili ng bagong libro", pagsisinungaling ko. Siguro yun ang ginawang dahilan nila kay Aling Salume.
"O sya. Hindi mo ba didiligan yung mga tinanim mong bulaklak sa garden?"
Tumakbo naman ako papuntang garden nang maalala ko yung mga tanim ko. May dahon nang tumubo. Diniligan ko naman yung mga bulaklak saka bumalik sa loob. Maaga ako nagising dahil di ako nakatulog ng maayos. Nakakatakot yung nangyari kagabi. Napapaisip nga ako kung totoo ba yon o bangungot lang.
"Bababa na yung anim dito maya maya pakihatid nalang to dun kay Zach sa kwarto nya.", sabi ni Manang Rosa at binigay sakin ang isang tray ng pagkain. Pagkakataon ko nadin to para magpasalamat. Umaktyat naman ako at kumatok sa pintuan nya. Wala akong narinig nya boses kaya binuksan ko nalang ang pinto at pumasok. Nakita ko naman syang nakahiga. Natutulog pa siguro sya. Hininaan ko naman ang pagsara ng pinto at inilapag sa table yung tray. Umupo naman ako sa tabi ng kama nya at dumungaw sa bintana.
"Alam mo, nakakatakot talaga yung nangyari sakin kagabi. Akala ko mamamatay na ako non *chuckles*"
Huminga naman ako ng malalim.
"Dati sa probinsya, muntikan nadin akong gahasain ng nobyo ng nanay ko. Takot na takot ako non. Di ko alam ang gagawin ko, gusto kong sumigaw pero hindi pwede dahil pinagbantaan nyang papatayin sila mama at yung mga kapatid ko. Nakakatawa kasi imbes na ako ang naagrabyado, ako pa yung nagmukhang masama. Sinabunutan ako ni mama sa harap ng mga kapitbahay namin. Pinagnukha nya akong malandi at pokpok.", pinunasan ko naman ang luha ko.
"*laughs* umiiyak na naman ako. Ang hina ko talaga. Nakakainis. Sa simpleng sigaw lang ni mama noon, halos buong gabi ko nang iniyakan. Minsan naiisip ko kung anak ba talaga ako ni mama. Saming apat na magkakapatid, ako yung panganay. Ako yung nagtatanggol sa mga kapatid ko kapag pinapalo sila ni nanay"
"Ano bang nangyayari sakin, nakikipag usap ako sa tulog", tumayo naman ako at umalis na. Bakit ba ako nagsasalita eh wala naman akong kausap. Bumalik na ko sa sala at naglinis. Maya maya pa ay bumaba na yung anim.
*bzzzztt*
Natigil naman ako sa paglilinis nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
(Hello bes! Kamusta?)
"Uhmm ayos lang naman"
(Ang tamlay ng boses mo ah! May nangyari ba?)
"Wala naman. Bat ka nga pala napatawag?"
(Eh kasi may sasabihin sana ako sayo)
"Ano yon?"
(Wag kang magugulat ha)
"Ano nga?"
(Eh kasi...Ipapagiba na daw ni Mayor yung lugar nyo. May magtatayo daw don ng pabrika)
"Ano?! Anong nangyari kila nanay?"
(Wala namang nangyari sa kanila. Saka sa susunod na dalawang linggo pa gigibain. Binigyan sila ng dalawang linggo para lumipat)
Napahilot naman ako sa sentido ko.
"Uuwi ako dyan"
(Wala kading magagawa bes. Hindi mo mapipilit si Mayor na wag ipagiba ang lugar nyo. May kasunduan daw sila nung pamilya Kleitzsac. Di ko pa narinig ang apilyedo na yon. Galing pa daw yon ng ibang bansa. Ewan ko ba bat yung lugar nya pa yung napili nilang lugar na pagtatayuan ng pabrika)
"May problema ba hija?", napalingon naman ako kay Manang Rosa.
"Ah wala po"
'Maya nalang', bulong ko sa cellphone bago ibinaba ang tawag.
Kailangan kong umuwi. Hindi ko pwedeng abandonahin nalang ang pamilya ko.
~x~
"Winter! Come swim", tawag ni Yel na ngayon ay nagtatampisaw sa swimming pool dito sa backyard nila.
"Wag na. Ayos lang ako dito"
Hindi naman ako marunong lumangoy tsaka iniisip ko padin ang kalagayan ng pamilya ko sa probinsya. Hindi ako pwedeng magsaya dito habang sila naghihirap sa paghahanap ng bagong matitirhan. Pinanood ko naman silang anim habang nagkakasiyahan sa pool. Dumapo naman ang paningin ko kay Zach na nakaupo sa kabilang side ng pool habang nakatutok sa laptop nya.
"Sigurado kang ayaw mo?", Uno.
"Oo-", nagulat naman ako nang itulak ako ni William sa pool.
Wala akong maapakan! Ang lalim! Sinubukan ko namang lumangoy pero parang may mabigat na bagay na humihila sakin pababa. Kinampay ko naman ang mga braso ko.
"H-hindi!"
"A-ako m-marunong!"
"lumangoy!"
Zach's POV
Agad naman akong tumalon sa tubig at hinila si Winter bago pa sya tuluyang malagutan ng hininga. Ihiniga ko sya sa tabi ng swimming pool at chineck ang pulse nya.
"Humihinga pa sya", sabi ko.
"How do we wake her?", Uno.
"CPR!", Tom.
"CPR? Oh sino sa inyo may alam kung pano mag-CPR?", Uno.
Pinisil ko naman ang ilong nya at inilapat sa kanya ang bibig ko bago sya binugahan ng hangin. Inulit ko pa ng tatlong beses at pinump ang dibdib nya.
Maya maya pa ay nagising sya at inubo ang mg nainom nyang tubig. Umalis naman ako bago nya pa ako mapansin.
BINABASA MO ANG
Snow White and the 7 Handsome Princes (COMPLETED)
Teen FictionSi Winter ay isang babaeng nais makipagsapalaran sa buhay syudad. Nais nyang makabawi sa kabutihang ipinakita ng kanyang Tito sa pagkupkop sa kanya. Bilang kabayaran, naghanap sya ng trabaho sa Maynila. High School lang ang natapos nya sa probinsya...