Himala

240 4 0
                                    

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinimulan niya ang pag-awit. Kahit naka quarantine at wala nang productions sa mga istasyon ng telebesyon, maari pa rin silang maglive stream. At ngayon nga ay siya na ang featured artist na aawit, kasama ang kanyang mga kabanda na nasa kanya kanyang tahanan. Buti nalang at may livestream kung kaya nakakatugtog pa din sila nang sabay sabay kahit na nasa iba't-ibang lugar.

Bago siya magsimula sa pag-awit ay hindi niya maipaliwanag ang kabang kanyang nadarama ngunit bilang isang performer, kailangan niyang maging confident sa kanyang performance.

Huminga siya nang malalim at nagsimula siyang umawit.

Pangarap ko'y

Makita kang

Naglalaro sa buwan

Inalay mo

Sa akin ang

Gabing walang hangganan

Sa loob ng ICU ang mga medical staff ay nagkakagulo. She went on a flat ngunit sinusubukan ng kanyang mga kasamahang doctor na irevive siya. Naintubate na siya at nalagyan ng ventilator upang matulungan siya sa kanyang paghinga ngunit nahihirapan pa din ang kanyang mga kasamahan na i-steady ang kanyang paghinga.

Bata pa siya at marami pa siyang pangarap sa buhay. Simpleng buhay lang naman ang gusto niya, ang makasal sa kanyang pinakamamahal na nobyong rockstar at magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng paggamot.

Hindi mahanap

Sa lupa ang pag-asa

Nakikiusap na lang

Himala

Kasalanan bang

Humingi ako sa langit ng

Isang himala?

Kasalanan bang

Humingi ako sa langit ng

Isang himala?

Ngunit dahil lang sa isang kasinungalingan, heto siya nasa bingit ng kamatayan. Kung hindi lang sana nagsinungaling yung pasyente, kung sinabi sana niya kung saan siya nanggaling, sana hindi siya nahawaan ng virus, sana hindi siya nakahiga sa ICU na ginagamot, sana siya yung nanggagamot.

Pangarap ko'y

Makita ang

Liwanag ng umaga

Naglalambing

Sa iyong mga mata

Hindi niya nakikita kung anu ang nangyayari sa kanyang paligid ngunit dinig na dinig niya ang kanyang mga kasamahan. Kahit nakapikit ay nasisilaw ang kanyang mga mata sa ilaw na nanggagaling sa gamit ng kanyang mga kasamahan sa ICU. Sinubukan niyang pakiramdaman ang palasingsingan niya sa kanyang kaliwang kamay at ramdam niya ang malamig na bakal na bumabalot sa kanyang daliri. Ang tanging bagay na nagpapaalala sa kanya na kailangan niyang mabuhay, kailangan niyang lumaban, ngunit paano kung hindi na kakayanin ng katawan niya?

Di mahagilap

Sa lupa ang pag-asa

Nakikiusap sa buwan

Himala

Kasalanan bang

Humingi ako sa langit ng

Isang himala?

Habang papalapit nang papalapit ang kanyang awit sa dulo ay nararamdaman naman niya ang paglaki ng bukol sa kanyang lalamunan at ang pag buo ng maliliit na butil ng luha sa kanyang mga mata. Masyado siyang emosyonal sa kanyang awit habang inaalala ang kanyang nobya na ngayo'y humaharap sa bingit ng kamatayan. Ni hindi niya ito mayakap, mahawakan o makita man lang.

Humingi ako sa langit

Humingi ako sa langit

Humingi ako sa langit ng

Isang himalaaaaaaaaaa

Ohhhhhhhhhhhhhhhhhh

Sa pag-awit niya ng huling kataga ng awitin ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Nanatili siyang nakapikit habang ang kanyang mga kabanda ay nagpatuloy sa pagtugtog ng instrumental.

Kasabay ng pag-awit nya sa huling linya ng kanta ay ang pag-usal niya ng kanyang taimtim na dasal sa Maykapal, "Diyos ko, iligtas nyo po si A."

Isang himala.

-------

A/N: Inspired to write this drabble due to coach Bamboo's latest heartfelt rendition of Himala in ASAP. As continuation of my What If in the previous chapter, what if A said YES to B but due to the current pandemic that we are experiencing, she needs to go to work and save lives and in doing so, she got infected. I left the ending hanging and up to you guys to imagine what would happen next. :)

ASHBOO DrabblesWhere stories live. Discover now