Sa kalagitnaan ng madaling araw ay biglang nagising si Dan sa kanyang pagkakatulog dahil nakaramdam siya nang pananakit ng dibdib. Napaungol siya sa sakit at nahirapang huminga. Hindi siya napansin ng kanyang ina na mahimbing na natutulog sa ibaba ng kanilang double deck.
Pagdilat ng kanyang mata ay hinawakan niya ang kanyang dibdib at naalala niya ang nangyari walong taon na ang nakalipas. Nang matusok siya ng bulalakaw sa puso na akala niya ikamamatay niya ngunit milagrong nabuhay pa siya. At noong magising si Dan at sinabi ng kanyang ina na natagpuan siya ng mga otoridad sa labas ng minahan.
"Paanong nangyari 'yon eh na sa loob ako nang yungib bago nawalan ng malay? At bakit pagising ko wala na ang sugat sa aking puso maging ang diyamante na tumusok rito? Totoo ba talagang nangyari ang mga iyon?"
Kinabukasan pagdating niya sa klase ay otomatiko na tiningnan niya ang pwesto ng upuan ni Maan. At doon nga nakita niya ito. Napakaamo ng mukha ng dalaga. Maliit ang kanyang mukha na dinagdagan pa ng matangos na ilong at mapupungay na mga mata na may mahahabang pilikmata at makapal na kilay.
Kapag naiinitan ang dalaga ay namumula ang magkabila niyang pisngi. Mahaba rin ang kanyang makintab at itim na buhok. Hindi masyadong mapula ang mga labi ni Maan kundi mas nalalapit ito sa kulay na kalimbahin (pink). Hindi rin masyadong kayumanggi ang kanyang balat sa halip ay mas maputi ito ng konti kesa sa natural na balat ng karamihang mga pinay subalit hindi rin sobrang puti kagaya ng mga caucasian.
Nang mapansing may sumulyap sa kanya ay lumingon din si Maan sa direksyon ni Dan at muli nagkasalubong sila nang tingin at nagkahiyaan kaya inalis nila agad ang mga mata sa isa't-isa.
Ilang minuto pa sa kalagitnaan ng klase ni Ginang Santos si Dan ay nilapitan ni Michael at biglang tinanong tungkol sa nangyari kahapon.
"Di parin ako makapaniwala kahapon Dan. Hindi maalis sa isipan ko ang tingin ko'y nagawa mo. Nakapagteleport ka tama ba?"
Nanunuyang ngumiti si Dan na parang naweirdohan sa narinig.
"Heh. Anong akala mo sakin si Minato? Kinain na ata nang anime ang utak mo Mike. May pateleport-teleport kapang nalalaman."
Nang mapansin sila ng guro na hindi nakikinig sa klase ay tinanong sila nito.
"Mike and Dan are you both listening to my discussion?!"
"Yes, Ma'am Santos."
"Are you sure? Let's find out. Answer this question: What is the difference between Creative Writing and Academic Writing? Mike you first!"
Sabay ulit ang magkaibigang naglakad papalabas ng campus.
"Sa ibang kalye tayo dadaan Mike."
"Bakit naman eh mas malapit dun sa madalas nating nilalakaran at marami dung dumadaan?"
"Sira ka ba? Eh alam mo namang baka andon ulit yung mga sigang humabol satin kahapon!"
"Ayaw mo yun masusubukan natin kung totoo ba talagang may kapangyarihan ka."
"Ewan ko sayo Mike. Puro ka kalokohan. Bahala ka kung diyan ka dadaan basta ako dun ako sa kabilang kanto."
"O sige okay lang sakin." Pangiting sabi ni Mike na ikinalito ni Dan.
Nakutoban niyang parang may kalokohan itong pinaplano pero hindi niya pinansin ang kaibigan at nagpatuloy siya sa paglalakad sa kabilang kanto. Sa unahan ng kanto ay may eskinita sa kaliwa nito at doon lumiko si Dan papasok sa masikip na daan. Matapos ang 10 minuto ay narinig niya ang sigaw ng humihingal na kaibigan papalapit sa kanya kaya lumingon siya rito.
"Dan tulong! Tulong! Hinahabol nila ako."
"Lagot!" Sabi ni Dan ng makita ang humaharurot na mga siga.
Ngunit naabutan nila si Mike dahil sa madaling napagod dala ng bigat ng kanyang bag at nahila ang kanyang balikat. Doon na nga siya sinapak nang lider ng mga siga. Natumba ang kaibigan.
"Anong sabi mo samin mokong? Na wala kaming binatbat laban sa inyong dalawa? Pwes tingnan natin! Sabi ng pinuno nila.
"Habulin nyo siya!" sabay turo kay Dan.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Teen FictionHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...
