Tumakbo sa apat na mga paa ang mababangis na mga halimaw at kinalmot-kalmot si Dan. Napakabilis ng mga itong kumilos kaya todo ilag si Dan.“Kailangan kong mag-ingat dahil isang maling galaw ko lang ay pwede akong madale ng mga ito.” isip ng binatilyo.
Nahihirapan siyang magteleport dahil limitado ang espasyo ng palibot.
“Ang drogang alamara ay prototype lang kung saan ang nagsilbi kong mga test subjects ay ang mga adik sa lansangan.” Paliwanag ng doktor habang abala si Dan sa pag-iwas sa atake ng mga halimaw.
“Ngunit naperpekto ko na ang formula. Nakumpleto ko ang replication ng mutation mula sa orihinal na DNA ng mga alien. Nakabuo ako ng mga pambihirang nilalang na may sariling pag-iisip at naiintindihan ang aking mga utos.”
Natapilok si Dan paglapag niya sa sahig kaya nadaplisan ang kanyang tiyan ng dulo ng mga kuko ng isa. Bagaman mahaba ang sugat buti nalang at di ito malalim.
“Ang nasa loob mo nalang ang kulang. Kailangan kong makuha ang natitirang kalahati ng kapangyarihan ng bulalakaw mula sayo. Pagkatapos kitang paslangin at higopin ang nasa loob mo ay wala nang sino pang potensyal na makakaharang sa plano kong sakupin ang lungsod. Pagkatapos ay ang buong Mindanao bago ang buong bansa!”
Pumapatak ang dugo mula sa sugat ng binatilyo ng sinunggaban siya ng halimaw na akmang kakagat sa kanya mula sa gilid pero lumikha ng malaking portal si Dan sa harapan nito kaya napunta ito sa kapwa halimaw. Bumaon ang matatalas nitong ngipin sa tagiliran ng kasamahan. Umatungal ang nakagat halatang nasaktan. Gumanti ito ng kalmot sa kumagat rito. Tinamaan ang mukha ng isa.
Habang abala sa pag-aaway ay tinadyakan ni Dan ang mata ng kumalmot. Bumaon ang kaliwang paa ni Dan sa mata na ikinatumba nito bago tuluyang namatay. Naipit ang paa ni Dan sa butas ng mata kaya di siya nakaalis agad. Kinagat ng isang buhay pa ang kaliwang braso ni Dan. Napahiyaw sa sakit ang binata. Pero bago paman bumaon ng lalo ang mga ngipin nito sa kanyang braso ay tinadyakan niya ang sahig kaya nagkabutas ito ng malaki sa kinatatayuan nila Dan. Nahulog si Dan kasama ang dalawang halimaw. Natanggal ang pagkakagat ng nilalang sa braso ni Dan. Naalis na din mula sa pagkakaipit ang kanyang paa kaya nakapagteleport si Dan pabalik sa itaas bago madaganan ng dalawang kalaban.
Pagbalik niya sa ikalawang palapag ay galit na galit si Contreras. Nagsimula itong magpalit ng anyo. Mas malaki ito at mas nakakakilabot ang hitsura kesa sa dalawang alagad. Imbes na kulay abo ang katawan nito kagaya ng sa mga nilalang sa yungib ay kakulay ito ng dugo at nanatiling itim naman ang buong mata. Habang abala naman si Dan sa pagliligtas kay aling Aila. May lumitaw na portal sa loob ng kulungan ng ina at hinila siya ng dalawang kamay ni Dan papalabas rito.
Narinig ng mag-ina ang mabibigat na yabag ng paa ng tumatakbong kalaban. Nang lumingon sila ay huli na ang halat sira na ang kulungan ni Mike na nasa kabilang dulo ng palapag at nakatusok sa dibdib ng kaibigan ang mahahabang kuko ni Contreras. Nakadikit ang walang buhay na katawan ni Mike sa pader habang nakanganga ang duguang bibig, nakapikit ang mga mata at lupaypay ang mga kamay. Umagos mula sa pader na kinadidikitan ng bangkay patungo sa sahig ang dugo ng kaibigan.
Sobrang sakit ng nadarama ni Dan. Pakiramdam niya ay sinugatan siya sa puso ng napakalalim na walang kasiguraduhan kong maghihilom pa ba ito. Hindi siya makapaniwalang patay na ang matalik na kaibigan.
“Ahhhhh!!!!!!”
Umalingawngaw sa loob ng gusali ang sigaw ng binata. Gaano man niya kagustong umiyak pero walang lumalabas na luha sa kanyang mga mata sa halip ay matinding poot ang namuo rito. Biglang naglaho si Dan mula sa tabi ng kanyang ina. Sumulpot siya malapit sa kalaban pinulot ang bakal na mula sa nawasak na rehas kaya hinampas siya ng buntot nito pero mas mabilis na nawala si Dan kesa dati. Lumilitaw ito at naglalaho ng sobrang bilis sa kahit saang direksyon sa palibot ni Contreras. Sa kanan, sa kaliwa, itaas, at baba maging sa harap man at sa likuran. Biglang lalantad at muling mawawala.
Nalito ang halimaw kung anong gagawin dahil kahit na nahuhulaan niya parin kung saan ito lilitaw ay hindi siya makatama sa binatilyo. Hindi kaya ng kanyang katawan na sumabay sa mas mabilis na pagteteleport ni Dan. Bigla siyang tinamaan sa mukha ng sipa ni Dan. Natumba ito ng tadyakin ulit sa sikmura. Umatungal ang nilalang sa pinsalang natamo. Hiningal ito waring naghahabol ng hangin. Tapos ng ilang segundo ay tumusok sa kanyang likuran ang matalas na dulo ng bakal na pinulot ni Dan kanina lang. Sunod ay sinipa ito ng binatilyo ng buong lakas sa ulo pababa. Bumagsak sa semento ang ulo ng halimaw kaya nacrack ang sahig.
Galit na umungol ito ng malakas. Natigilan si Dan dahil sa nakakatakot na ungol nito na parang ungol ng demonyo. Maya-maya pat narinig nila ang putukan ng baril sa ground floor. Buhay pa pala ang isang halimaw na alagad ni Contreras at kaharap ang mga pulis sa baba. Dahil sa distraksyon ay di namalayan ni Dan ang papalapit na kuko ni Contreras sa kanya.
“Dan!” sigaw ng kanyang ina.
Nakagalaw si Dan dahil sa narinig kaya imbes na matusok ang kanyang puso ay ang kanyang balikat ang tinamaan ng kuko. Biglang naglaho ang barrier sa palibot ng ikalawang palapag. Sinira ng mga pulis ang malaking device na nasa baba pagkatapos mapaslang ang halimaw na kaharap.
Tinanggal ni Contreras ang kanyang kuko sa balikat ni Dan kaya naiwan ang binatilyo na nakahandusay sa sahig tumutulo ang dugo mula sa mga sugat. Akmang aapakan na sana ng nilalang ang nakahiga at wala ng lakas na si Dan pero pinaputukan ito ng mga pulis na nakaakyat na sa ikalawang palapag. Bagaman di gaanong bumabaon ang mga bala sa katawan nito ay nasusugatan pa rin siya ng mga patama. Kaya bago paman lumaki ang mga natatamong pinsala ay tumalon si Contreras sa malaking salamin ng palapag at mabilis na tumakas palundag-lundag sa tuktok ng iba pang mga gusali sa labas.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Teen FictionHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...