KABANATA 7: HAIRCUT INSPECTION

39 2 0
                                    


Recess time ng kinausap ni Dan ang barkada. Tumambay sila sa ilalim ng puno sa likod ng oval na field kung saan ginaganap ang flag raising ceremony tuwing umaga. Pinili nilang dumistansya sa maraming tao para di masyadong marinig ang kanilang pinag-uusapan.

"Akala ko ba ayaw mo? Ba't nagbago desisyon mo?"

"Eh napag isip-isip ko kasi na may punto ang mga sinabi mo kahapon. Tsaka sayang din naman kung di ko gagamitin ang ipinagkaloob sakin."

"Owws di nga. Baka gusto mo lang magpabilib kay Maan kaya ka pumayag." Pabirong pahayag ni Mike.

Kumunot ang nuo ni Dan at gumuhit sa mga mata nito ang pagkainis.

"Biro lang Dan. Hehehe."

Kinwento niya ang pagkapadpad sa kawalan at kung pano siya nakabalik.

"Katakot naman! Di pala pwede basta-basta gamitin ang kakayahan mo. Baka di mo kaya ang pagtawid sa mga malayuang distansya." komento ni Mike.

"Maaaring tama ang sinabi mo. Pero pwede ring makakaya ko ito pag nahasa ko na ang paggamit ng teleportation. Tingin ko parang muscle ang aking abilidad. Mas madalas mo itong gamitin mas lalakas ito ngunit di pwedeng biglaan. Gaya ng pag nagbubuhat ka ng weights yung di muna masyadong mabigat sa simula para di ka mabalian. Tapos pag sanay kana at mas malakas na ang muscles mo pwede ka nang bumuhat ng mas mabibigat pang weights kumpara sa una mong binubuhat." eksplenasyon ni Dan.

"Ah ganon ba. Lohikal naman ang punto mo. Kailan ka naman magsisimulang magsanay?"

"Mamaya pagdating sa bahay, maaga akong matutulog para maaga rin akong magising. Sa madaling araw ako mag-iensayo para di mapansin ni ina."

Maya-maya pa ay nakita ni Dan na naglalakad sa di kalayuan ang dalawang gwardiya ng school.

"Bat may dalang gunting si Bangkay at Lolo Max?" nag-aalalang tanong ni Dan.

"Malamang first week of the month ngayon kaya may haircut inspection."

"Bat di mo ko sinabihan? Akala ko may pinopormahan ka na namang chicks kaya bagong gupit ka."

Nang mapansin ni Dan na nakita siya ng mga gwardiya ay kumaripas siya ng takbo.

"Hoy, huminto ka!" sigaw ni Bangkay sa kanya at hinabol na nga siya ng dalawa.

Habang si Mike naman ay pinagtatawanan ang kaibigang tumatakas. Naisip ni Mike tiyak pagdidiskitaan ng dalawa ang buhok ni Dan pag nahuli nila ito lalo na ang mahahabang patilya at bangs ng kabarkada.

Konti lang ang estudyanteng nakakaalam sa totoong pangalan ng dalawang guwardiya. Kaya mas kilala sila sa kanilang palayaw na inimbento ng mga mag-aaral na naiinis sa kanila. Bangkay ang tawag sa isa kasi matangkad siya at payat. Ang partner naman niya ay si Lolo Max kasi may katandaan na at malaki ang tiyan parang lolo ni Ben Tennyson na isang cartoon character.

Pumasok si Dan sa CR.

"Ang baho naman dito! Kahit kailan talaga di nila binubuhusan ang inidoro. Makikita nila ako agad rito saan kaya ako magtatago?" isip ni Dan.

"Tama! Sa classroom sa malaking aparador ng mga lalagyan ng cleaning tools."

Pagpasok ng dalawa sa CR binuksan nila ang bawat pintuan sa loob pero di nila natagpuan si Dan. Nagteleport si Dan sa aparador ng silid aralan nila. Nauntog siya pagdating sa loob. Masikip ang loob ng aparador, maraming mga nakasabit na walis tambo at walis tingting, pati mga basahan at mop. Sa ibaba ay naaapakan niya ang mga pinagpatong-patong na lampaso.

Nahirapan si Dan na ibalanse ang kanyang mga paa. Maya-maya pa ay may biglang nagbukas ng aparador kaya nawalan ng balanse ang binatilyo at natumba. Bumagsak siya ng nakapikit ang mga mata. Inasahan na niya na tatama siya sa sementong sahig at magakakaroon ng bukol at panibagong maga sa katawan. Subalit nagtataka siyang di matigas ang kanyang kinabagsakan. Lalo na ang kanyang mga labi na may nararamdamang malambot at medyo basang bagay. Naamoy niya ang halimuyak nito,

"Ang bango! Ano bato?," sa utak ni Dan kaya binuksan niya ang kanyang mga mata at laking gulat niya na nakalapat pala ang bibig niya sa mga labi ni Maan! Bumagsak si Dan sa dalaga, nakapatong siya kay Maan.

Kapwa hindi sila nakagalaw ng dalawang segundo marahil ay sa gulat ng biglang,

"Oh my gosh!!!," sigaw ni Shane na andon din pala sa silid at nasaksihan ang nangyari.

Mabilis na tumayo si Dan at sumunod na ring tumayo si Maan. Nagtalikuran sila sa isa't-isa di makapaniwala sa nangyari.

"Anong ginagawa mo sa loob ng aparador? Kanina ka pa ba diyan?," pag-usisa ng kaklaseng si Shane.

Lumingon si Dan kay Maan at nauutal na sinubukang magpaliwanag,

"Sss-so-sorry Maan di ko sinasadya."

Ngunit nanatiling nakatalikod si Maan, di man lang kumibo pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng classroom.

Lumipas ang natitirang mga oras ng klase na wala sa focus si Dan. Paulit-ulit na tumakbo sa kanyang isipan ang nangyari. Di siya makapaniwala na nahalikan niya ang dalaga at sa ganung sitwasyon pa talaga! Kaya halos walang naintindihan si Dan sa diskusyon ng kanyang mga guro.

"Ang bobo mo talaga! Dahil sa nangyari tiyak nandidiri na si Maan sayo. Kung kailan pa nagsisimula ka na niyang bigyan ng pansin dun ka pa nakagawa ng malaking katangahan." sinisisi ang sarili.

Napayuko si Dan ng mapansing pinag-uusapan siya nila Shane , narinig niya ang mahinang pagtawa nito habang kausap ang isa pang babaeng kaklase. May kakaiba sa mga titig nila kay Dan. Na para bang may iskandalo siyang ginawa kaya siya pinagchichismisan. Sumulyap-sulyap si Dan kay Maan inuunawa ang ekspresyon sa kanyang mukha. Pero parang walang nangyari kanina pagkat seryoso pa rin itong nakikinig sa klase maliban nalang sa pag-iwas nito sa kanya sa tuwing magkakasalubong silang dalawa.

Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon