Bubwelo na sana si Dan para tumakas ngunit naalala niya ang nangyari sa kanyang ama. Iniwan niya ito na binaril ng mga masasamang tao. Kaya nagbago ang kanyang isip. Maya-maya pa ay may matandang babaeng dumaan. Nang makita ang kaguluhan ay mabilis itong tumakbo papalayo sa kanila.
"Tama nayan!" sabi ni Dan.
Subalit patuloy sa pag gulpi kay Mike ang ilan sa mga siga. Sinuntok ni Dan sa panga ang papalapit na isa. Tinamaan ito at napaatras ngunit may dalawa pa siyang kasama at agad sinipa si Dan sa tiyan. Habang namimilipit sa sakit ay patuloy siyang tinadyakan-tadyakan ng tatlo kaya napahiga siya sa kalsada. Nang tumingin siya kina Mike sa may distansya, ang pinuno ng mga siga ay nagsabing,
"Kilala niyo ba ako? Ako si Badang ang hari sa lugar na ito. Ituturo ko sa inyo kung kanino kayo dapat matakot."
Lubos ang pagkasindak ni Dan nang bumunlot ng kutsilyo si Badang mula sa kanyang baywang para saksakin si Mike.
"Wag!"
Iniinda man ang sakit ng mga natamong suntok at tadyak ay nagpumilit pa ring tumayo si Dan at tumalon habang inaabot ng kanyang mga kamay si Mike kahit na hindi abot ang distansya nito. At biglang may bilog na portal na lumabas sa harap ng binatilyo habang siyay nakalundag. Paglabas niya mula sa portal nasa gilid na siya ni Badang kaya sinapak niya ang mukha nito ng buong lakas na ikinatumba ng siga bago paman bumaon ng tuluyan ang kutsilyo sa tiyan ni Michael.
"Hayop ka pa'no mo nagawa 'yun?!" Gulat na tanong ni Badang.
Lumingon naman mula sa likuran nila ang tatlo pang kasamahan nito. Nagdalawang isip ang tatlo nang ilang segundo bago nakapagdesisyon na imbes na tumakbo dahil sa takot sa nasaksihan ay pinalibutan nila ang dalawang magkaibigan kasama ang kanilang lider.
"Dalawa laban sa apat? Ang daya niyo naman!" sabi ni Mike.
Ginapos ng isa ang mga balikat ni Dan ng mahigpit mula sa likuran. Sinubukan niyang makawala sa pagkakagapos ngunit mahirap. Akmang sasaksak ulit ang lider ngunit ngayon ay patungo na kay Dan ang kutsilyo pero bigla siyang naglaho. Paglingon ni Badang sa kaliwa at kanan ay di niya napansing nasa likuran na pala ang binata at hinila ang kanyang kamay bago ito sinipa ng todo kaya nabitiwan niya ang hawak na patalim. Gumanti naman si Mike sa dalawang kaharap gamit ang mga kamao. Dumugo ang ilong nang isa ng tamaan ng buntal ng binatilyo.
Humiyaw sa sakit si Badang ngunit dinagdagan pa ni Dan ng ilang mga mabibigat na bigwas ang kanyang tiyan at pisngi kaya nahimatay ito. Naubusan na nang lakas si Mike dahil marami siyang kasuntukan. Bumagsak ang puwet niya sa kalsada nang mapansin niyang may sipa na patungo sa kanya. Kaya sinubukan niyang salagin ito gamit ang mga braso.
Bago paman tamaan si Mike ng sipa ay nagteleport ulit si Dan kaya naunahan niya ng tadyak ang hita nang kalaban. Nawalan ito nang balanse at tumama ang tuhod sa sementong kalsada. Namilipit sa sakit ang siga at hindi na nakatayo. Ang dalawa namang natitira ay tuluyan ng kinain ng takot kaya sinubukan nilang tumakbo sa kabilang direksyon. Subalit habang tumatakas ay biglang sumulpot si Dan sa kanilang harapan na nakabwelo na ang dalawang kamao at sabay na pinatamaan ang dalawa sa kanilang sikmura. Napaluhod ang dalawa, mistulang naubusan ng hangin.
Matapos ang ilang segundo ay narinig nila Dan ang busina ng isang police patrol vehicle at huminto ang kotse sa labas ng eskinita pagkat hindi ito makapasok sa sikip ng daan.
"Ayan po ang nagkakagulong mga kabataan. Hulihin niyo po sila." Ang sabi ng matandang napadaan kanina 20 minuto na ang nakalipas, sabay turo sa posisyon nila Dan.
Mabilis na umaksyon ang dalawang pulis at ipinasok sa kotse ang mga siga maging ang dalawang magkaibigan. Dinala sila sa barangay police station at nilapatan ng first aid ng mga otoridad.
"Bat kayo nagriot? Ano bang dahilan ng kaguluhan ninyo?" Tanong ng isa sa mga pulis.
"Papauwi po kami ng bahay galing eskwela ng hinabol kami ng grupo nila Badang kaya tumakbo kaming dalawa ng kaklase ko pero naabutan pa rin kami sa eskinita. Pinagsasapak po kaming dalawa."
Dagdag naman ni Dan, "Wala po kaming magawa kungdi depensahan ang aming sarili lalo pat sinubukan kaming saksakin ni Badang."
"Anong walang kalaban-laban eh kami pa nga ang mas marami ang pasa. Huwag po kayong maniwala diyan. At isa pa engkanto po ang isang yan bigla nalang sumusulpot at nawawala kung saan-saang direksyon." Depensa ni Badang.
"Tahimik!!! Di ikaw ang tinatanong ko. Kay Badang pala ang patalim na ito?" Binulyawan ng opisyal si Badang at pinakita ang kutsilyo.
Napayuko lang si Mike at Dan habang nakikinig dahil sa takot. Naisip nilang dalawa na malamang lagot sila sa kanilang mga magulang at sobrang nakakahiya na nasangkot sila sa ganitong klaseng gulo.
Sabi naman ng isa pang pulis, "Pasalamat kayong dalawa magkatugma ang mga pahayag ninyo sa sinabi ni Aling Pasing ang nag-iisang witness sa nangyari. Matagal na rin naming minomonitor ang grupo nila Badang. Sa katunayan ay nahuli na namin sila dati na sumisinghot ng solvent at nagnanakaw ngunit napalaya na sila. Akala namin ay nagbago na ang mga batang ito. Kaya di na kami nagtataka na mukhang sabog pa din sa rugby ang mga mokong."
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Teen FictionHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...
