Sa campus ay kinausap ni Maan ang binatilyo ng sila lang dalawa sa bench sa gilid ng pathway na patungo sa building kung saan nakapwesto ang kanilang classroom.
"Nahihiya ako sa mga sinabi ko sayo kagabi. Pasensya na di ko nakontrol ang sarili."
"Walang problema 'yon sakin. Nag-alala lang ako sa kung anong pwedeng mangyari sayo ng mga oras na'yon dahil ikaw lang mag-isa."
"Maraming salamat sa paghatid mo sakin sa bahay. Sa totoo lang wala nakong masyadong naaalala nang dinapuan ako ng kalasingan."
Napangisi si Dan. "Nakita mo sana kung gaano kapangit ang mukha mo sa kakaiyak. Ang ingay mo pa parang bata kung makahagulgol."
Namula ang mukha ni Maan sa narinig. Tumitig ito ng nakasimangot kay Dan. Tapos ay gumuhit sa mukha ng dalaga ang pagkalito kung matatawa ba o magagalit.
"Ang sama mo!," sagot ni Maan habang bahagyang sinasapak si Dan sa ulo.
Sinasalag ni Dan ang mga kamay ni Maan at nagsabing,
"Alam mo bang muntik mo na kung nasukahan." Patuloy na pang-aasar nito.
Mas lalong nilakasan ng dalaga ang kanyang mga sapak pero nadakip ni Dan ang dalawang kamay nito. Nang magdampi ang kanilang mga kamay sa isa't-isa ay nakaramdam si Dan ng parang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan. Nagkatitigan sila at maya-maya pay dahan-dahang inilapit ni Dan ang kanyang mga labi sa mga labi ni Maan. Nakausli na ang nguso ng binatilyo sabay pinikit ang kanyang mga mata. Pero bigla itong hinarang ng kamay ng dalaga. Ang palad niya ang tinamaan ng halik ng binatilyo. Sabay silang napatayo mula sa kinauupuan at nagtalikuran.
"Sorry, Maan." mahinang sabi ng nahihiyang si Dan bago mabilis na naglakad pabalik ng classroom.
Paglingon ni Maan ay nasa distansya na si Dan.
"Dan teka lang. Dannnn!" tawag ng dalaga pero nagpatuloy parin sa paglalakad ang binatilyo.
Pagdating ng bahay galing sa eskwela ay nagtataka si Dan na sira ang kanilang pintuan. Pagpasok niya sa loob ay nakakalat ang kanilang mga gamit na para bang dinaanan ng malakas na bagyo. Basag ang screen ng kanilang TV pati ang mga salamin ng bintana. Hinanap niya ang ina. Wala siya sa sala, kwarto, o kahit sa CR. Nagsimulang kilabutan si Dan. Napaupo siya sa sahig na tumutulo ang luha. Maya maya pat narinig niya ang ringtone ng kanyang cellphone.
Nagtaka siya pagkat binawi iyon ni Aling Aila sa kanya. Nakita niya ito sa taas ng aparador sa loob ng kwarto. Ang number ng kanyang ina ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot,
"Nay asan ka na po ba?! May nanloob sa bahay natin."
"Na sa'min ang nanay at ang kaibigan mo. Kung gusto mo silang iligtas punta ka ngayon sa abandonadong hotel malapit sa dating terminal ng Francisco Bangoy International Airport. Pumasok ka sa pinakamataas na gusali na nasa gilid ng kalsada bago ka dumating sa mismong terminal." sabi ng isang di kilalang lalake.
"Teka lang gusto kong marinig ang mga boses nila."
Isang minutong natahimik ang speaker ng cellphone bago ito tumunog ulit.
"Nak, okay ka lang ba? Wag kanang pumunta rito mapapahamak ka lang!" umiiyak na banta ng ina.
Sumabat naman si Mike, "Ayoko ko pang mamatay Dan. Parang awa mo na tulungan mo ko!"
"Nay! Mike! Ililigtas ko kayo!"
"Tandaan mo lang na wag kang tatawag ng pulis dahil sa oras na malaman namin na may mga parak na sumali ay mamamatay ang dalawa. Naintindihan mo?!"
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Teen FictionHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...
