Sa abandonadong bahay ay may pumulot sa gray hood ni Dan. Isang matangkad at matipunong lalake. Nakatali ang mahabang buhok nito sa likod at may malaking balat sa kanyang kaliwang pisngi.
"Boss nakita ko na ang pinapahanap ninyo sa akin. May mga bahid ng dugo at kaunting mga hibla ng buhok na naiwan sa damit." ang sabi ng lalake habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.
"Magaling naunahan mo ang mga otoridad na makuha ang tanging ebidensya sa pagkakakilanlan ng may-ari nito." sagot ng isa pang di kilalang tao na kausap niya sa cellphone.
"The word play is often used interchangeably with drama but the two terms actually have a slightly different meaning. Drama deals with the production of the play itself like the making of the costumes, music, lighting, backdrop and props to name a few. So what do you think is the definition of the play as opposed to drama?" ang tanong ni Ginang Santos habang nakikinig ang lahat sa klase.
Tinaas ni Maan ang kanyang kamay upang sumagot.
"Go ahead Maan."
"It is a genre of literature written by a playwright that contains dialogues between characters meant for a theatrical performance."
"Excellent Maan. I guess someone studied ahead of their lessons." masayang reaksyon ng guro.
Nang may bigla silang narinig na mga sigawan sa labas.
"Tingnan niyo!" sigaw ni Mike habang nakadungaw sa bintana ng kanilang classroom.
Mabilis na nagkumpulan sila Dan at ibang mga kaklase sa bintana para manood rin sa nangyayari. Nakita nila Dan na may nagwawalang estudyante sa gitna ng oval field habang ang ibang mga mag-aaral sa labas ay tumatakbo palayo sa kanya.
Kahit na nagtataka rin at nangangamba pinilit ng kanilang guro na pakalmahin ang mga kabataan at pabalikin sa kanilang mga upuan. Si Dan naman ay kinuha ang isang makapal na cellophane sa kanyang bag at tumakbo papalabas ng classroom habang abala ang marami sa pakikiusyoso at ang kanilang guro naman sa pagkokontrol sa kanila.
Pumasok si Dan sa CR at nagbihis ng kanyang costume bago nagteleport sa gitna ng oval. Prominente ang kulay puti sa kanyang suot na jacket meron itong hood na may konting mga bahagi na nilagyan ng asul na umaapoy ang guhit. Pati ang pantalon ay kulay puti rin. Fit ang buong kasuotan na kahawig nang damit ng mga sinaunang ninja. Nilagyan niya rin ng asul na mask sa bibig para di malaman ang kanyang pagkakakilanlan.
Pagdating niya doon ay laking gulat ni Dan na ang gwardyang si Bangkay ay tumilapon patungo sa kanya. Yumuko si Dan ng mabilis upang makailag sa paparating na katawan ng gwardya. Bumagsak si Bangkay sa bandang likuran ng binatilyo na wala ng malay. Habang sa unahan naman ay nagtutulungan ang mga prefect of discipline kasama ang sekyung si Lolo Max na igapos at mapakalma ang estudyanteng lalake na nagwawala.
Napansin ni Dan na nanlilisik ang mga mata nito at kulay berde ang mga iris. Tumutulo rin ang laway at kita ang makakapal at nangingitim na mga ugat na nakapalibot sa buo niyang katawan. Sinunggaban ng estudyante ang isang kawani na ikinatumba nito. Sinubukan ng kawani na gumapang palayo sa kanya pero hinawakan nito ang kanyang ulo at iminudmod sa damuhan. Sinadsad ng binatilyo ang mukha nito sa field. Hinampas naman ng batuta ng isa pang gwardiya ang likod ng lalake pero di ito nasaktan. Akmang kakalmutin ng estudyante ang gwardya ngunit sumulpot si Dan at nahila papalayo ang sekyu.
"Ano bang nangyayari dito chief?" tanong ni Dan.
Natameme lang ang gwardya pagkat pa weird ng paweird ang mga nangyayari. Una may kung anong nasapian ng masamang espiritu na umaatake tapos may sumulpot na namang isang parang multo.
Bago paman makapagsalita ulit si Dan ay mabangis na sumugod patungo sa kanila ang estudyante. Sumugod din si Dan hinarap ang kaaway. Tumakbo ang binata ng mabilis tapos ay halos sabay silang dalawa na tumalon at binangga ang isa't-isa pero huli na ng malaman ni Dan na malaking pagkakamali pala ang pakikipagsabayan ng pisikalan sa kaaway.
Sobrang lakas ng lalake, pag bangga ni Dan sa kanya ay di niya kinaya ang impact at tibay ng katawan nito. Para siyang bumangga sa tumatakbong toro. Natumba si Dan at humampas sa damuhan. Napaubo si Dan at namilipit sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Di siya nakatayo agad kaya pinaulanan siya ng kalaban ng maraming bigwas sa mukha. Namaga ang isa niyang mata at dumaloy ang dugo sa ilong. Pakiramdam ni Dan minamartilyo ang kanyang ulo sa bigat ng mga patama nito. Pinilit niyang humugot ng lakas at sinalag ang patuloy na pagsuntok nito gamit ang kanyang mga braso.
Sinubukan namang gapusin ng dalawa pang kawani ng paaralan ang mga braso ng estudyante pero siniko niya ang mga ito na ikinatumba ng dalawa. Bumalik sa pagsapak kay Dan ang binatilyo.
"Di ko na kaya pang salagin ang mga suntok. Ang sakit na ng mga braso ko! Mamamatay na ba ako? Akala ko kaya kong maging bayani. Sino bang niloko ko? Bat ko to pinasukan?," Takot na takot na naisip ni Dan.
"Hindi! Hindi! Ayaw ko pang mamatay!" napasigaw ang binatilyo.
Dahan-dahang lumutang ang mga maliliit na bato sa palibot ni Dan at nakaramdam siya ng pagdaloy ng lakas mula sa dibdib niya patungo sa kanyang binti na kumalat hangggang dulo ng kanyang mga paa. Walang anu-ano't buong lakas na tinadyakan niya ito ng dalawang paa kaya tumilapon ng ilang metro ang nagwawalang estudyante. Dahan-dahang tumayo si Dan iniinda ang sakit ng kalamnan. Di na klaro ang paningin ng kanan niyang mata dahil sa malaking black eye at maga nito. Lalo pat nakasuot siya ng hood.
Napansin niyang napakagaan ng kanyang katawan lalo na sa ibabang bahagi nito kahit na medyo nanghihina parin at nakakaramdam ng kirot sa mga natamong pinsala. Nakabangon na ang kalaban at nagsimulang tumakbo patungo sa kanya. Parang instinct na naglabas ang mga paa ni Dan ng enerhiya at pinalutang niya ang isang bato na kasinglaki ng kanyang kamao. Sinipa niya ito ng buong lakas patungo sa kalaban. Nagtataka siyang napakagaan ng bato. Ni hindi siya nasaktan sa pagtama nito sa kanyang sapatos. Ngunit nakailag ang kanyang target at nakalapit sa kanya.
Umatungal ito na parang lobo handang-handa ng pagbali-baliin ang katawan ni Danilo. Kaya nagteleport siya sa gilid ng binatilyo at sinipa ito sa ulo paitaas. Sa lakas ng pagkakasipa ni Dan ay napaikot ng ilang beses ang katawan nito habang lumilipad sa ere bago bumagsak.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Novela JuvenilHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...
