KABANATA 9: FRIENDZONE

37 2 1
                                        


Ganadong pumasok si Dan sa klase. Ipinagmamalaki niya ang sarili pagkat nakapagligtas siya nang sibilyan at nakahuli ng mga salot sa lipunan. Papasok na siya sa gate ng nakita niya sa unahan si Maan na kaakbay ang kanyang boypren kaya naalala niya uli ang mga nangyari na nakapagpasira ng kanyang mood.

"Kamusta ang pagsasanay mo kagabi, may nangyari ba?," pag-usisa ni Mike.

"Tingnan mo nalang sa telebisyon mamayang hapon tiyak may mababalitaan kang astig." nakangiting sabi ni Dan.

"Kaw talaga o pabitin. Pwede mo namang ipaalam sakin ng harap-harapan."

"Ito lang masasabi ko mas lumalakas na ang aking kakayahan. Mas naipamamalas ko na ang epektibong paggamit nito."

Kumuha si Mike ng isang supot ng makapal na cellophane sa kanyang bag at iniabot ito kay Dan.

"Heto na ang costume mo," sa next week mo nalang bayaran."

"Sigurado ka? Maraming salamat Mike!"

"Saktong-sakto yan sa katawan mo iyan ay kung tama ang mga sukat na inemail mo sakin."

Maya-maya pa ay napansin ni Dan na magkasamang palabas si Maan at Shane ng classroom. Isip niya baka bibili sila ng pagkain sa canteen kaya sumunod si Dan.

"Hoy san ka pupunta?" tanong ni Mike.

"Sandali lang ako," sagot naman ng kaibigan.

Nakatalikod pa ang dalawa na naglalakad ng maabutan sila ni Dan.

"Ahh Maan." Napahinto ang dalaga at lumingon sa kanya.

"Bakit, Dan?"

"Gusto ko sanang humingi ng pasensya sa nangyari kahapon."

Nagsenyas sa kamay si Maan sa kaibigan kaya umuna ng maglakad papalayo si Shane.

"Wala ka namang dapat ipaghingi ng despensa. Alam kong di mo sinasadya ang nangyari kaya di ko na 'yon inaalala. Mukha atang mas apektado ka pa sa nangyari kesa sakin."

"Eh kasi napapansin kong parang iniiwasan mo nako dahil don."

"Ayaw ko lang na magkamali ka ng iniisip Dan ng dahil sa isang aksidente. Nagustuhan ko ang pagkatao mo kasi mabait ka. Pero hanggang dun lang yun. Wag mo nang isipin at ipagsabi sa iba ang nangyari. Ayoko ding malaman pa ito ni Gino. Sige Dan magre-recess pa kasi ako."

Parang sinuntok si Dan ng pagkalakas-lakas sa dibdib ng marinig ang mga katagang iyon sa bibig mismo ng crush niya. Napagtanto ng binata na nafriendzone siya ni Maan.

Sa bahay ay napansin ng kanyang ina na malungkot ang kanyang anak.

"Oh Dan may problema ka ba? Kaninang umaga lang ay ganado kang pumasok sa eskwela bakit parang wala ka nang gana?"

"Wala ito nay napagod lang ako dahil sa mga aktibidad sa klase lalo pat madaling araw rin akong gumising."

"O sige magpahinga ka muna sa kwarto. Akala ko heartbroken ka nak," pabirong tugon ni Aling Aila.

"Nanay naman oh! Bat naman yan nasangkot sa pagod ko?"

"Gusto ko lang ipaalala sayo Dan na bata ka pa para pumasok sa ganyan. Ituon mo muna ang atensyon mo sa pag-aaral."

"Sige po magpapahinga nako sa kwarto" sagot ni Dan pagkat ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang mag-ina.

Pagpasok niya sa kwarto ay binuksan niya ang kanilang radyo para maalis sa kanyang isipan ang lungkot na nadarama.

"Di kapani-paniwalang pangyayari ang naganap raw kaninang alas 2 ng madaling araw. Isang di kilalang binatilyo ang nagligtas sa buhay ng isang lalake na binaril ng riding in tandem. Hinala ng mga pulis love triangle ang motibo sa krimen. Ang nakapagtataka ay masamulto raw ang nagligtas sa kasintahan ni Joan Purisima, 21 taong gulang, na si Roel Ascunsion, 28 anyos. Pakinggan natin ang panayam kay Miss Joan:

Interviewer- "Nakilala niyo po ba ang tumulong sa inyong nobyo?"

Joan- "Hindi po. Nakamask ang kanyang bibig at di ko masyadong naaninag ang kanyang mga mata pagkat nakasuot siya ng kulay grey na hood at madilim pa nung mga oras na iyon."

Interviewer- "Paano niyo pong mabilis na nadala si Mr. Roel sa ospital?"

Joan- "Imposible mang isipin pero ito po talaga ang nangyari. Nang mabuhat niya ang boypren ko ay iniabot niya ang kanyang kamay sa akin. Nang mahawakan ko siya ay bigla kaming napunta rito sa ospital. Sobrang bilis talaga akala ko akoy namalikmata lang pero ito ay totoo. Inasikaso naman kami agad ng mga doktor."

Interviewer- "Tama nga po kayo mahirap paniwalaan ang sinasabi ninyo. Pero meron po ba kayong mensahe para sa lalakeng nagligtas sa inyong nobyo?"

Joan- "Di ko alam kung ikaw ba ay multo, engkanto, o anghel. Kung sino ka man maraming-maraming salamat dahil sayo buhay pa si Roel."

"Karagdagang balita inilabas ng Buhangin Police Station ang CCTV footage ng animo'y multong lalake na umatake at humuli sa dalawang suspek sa pagbaril kay Roel Ascunsion."

Pinatay ni Dan ang radyo ng napansin niyang nagba-vibrate at umiilaw ang kanyang cellphone na nakahiga sa kanyang desk. Sinagot niya ang tumatawag rito,

"Hanep ka Dan! Nakita ko sa TV ang video footage ng paggulpi mo sa mga mokong. Wala silang binatbat sayo! Woohhh para akong proud na tatay ng makita ang ginawa mo."

"Dahan-dahan ka lang Mike ang bilis mong magsalita," natutuwang sagot ni Dan.

Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon