KABANATA 5: KADILIMAN

36 2 0
                                    


"Anong lugar to? Nasa'n nako??? Tulong!!! May nakakarinig ba sakin? Tulungan niyo ko!"

Ngunit wala siyang naririnig na kahit anomang ibang tunog o ingay maliban nalang sa kanyang sariling mga sigaw. Inasahan niyang babagsak ang kanyang katawan na pagkalakas-lakas na mababasag ang mga buto at madudurog ang kanyang mga laman loob. Subalit sampung minuto na ang nakalilipas hindi pa din niya naaabot ang dulo. Nangingilabot na nang sobra si Dan.

Naisip niyang "Paano kung 'di nako makabalik? Mamamatay bako dito o mananatiling mag-isa dito habang buhay?"

Ang mga minuto ay mas humaba pa na sa tingin niya oras na ang lumilipas hanggang sa hindi na matantya ni Dan kung ga'no na siya katagal nahuhulog sa kadilimang iyon. Mawawalan na sana siya ng pag-asa ng maisip niya ang kanyang ina.

"Sigurado alalang-alala na si mama sakin."

Hindi niya lubos maisip na mauulila din pala sa anak ang kanyang nanay. Mag-iisa nalang siya sa buhay. Baka hindi niya kayanin at malulong ang magulang sa depresyon. Naalala niya rin ang yumaong ama hindi man lang nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Maging si Maan na pangarap niya. Hindi na niya makikita ang maamong ngiti ng dalaga. Kahit na si Mike at ang kulitan at kalokohan nilang dalawa. Maging ang debate nila dati kung sinong mas malakas si Goku ba o si Superman. Ang lahat ng mga kaibigan, kaklase niya at guro. At ang kanyang pangarap na maging seaman pagdating ng panahon para makalaya silang mag-ina sa kahirapan.

Napakalalim ng sakit na naramdaman ni Dan kaya napahagulgol ang binatilyo. Hinawakan niya ang dibdib at humugot ng lakas ng loob. Maya-maya pa ay biglang umilaw ang kanyang puso at naramdaman niyang may kakaibang enerhiya mula rito na dumaloy patungo sa dalawa niyang kamay. Kinampay-kampay niya ang mga kamay sa kanyang harapan at nabuo ang isang portal patungo sa kanyang kwarto kaya tumalon siya mula rito.

Sa wakas ay nakabalik na rin siya sa sariling tahanan. Subalit nakaramdam siya ng sobrang pagod, gutom at uhaw paglapag niya sa kwarto. Kaya dahan-dahan siyang kumuha ng baso sa kusina at uminom ng tubig bago umupo sa plastik na upuan sa kanilang sala. Wala si Aling Aila sa bahay. Pagbukas niya ng cellphone ay Linggo na pala, pasado 4PM nang hapon. Tinawagan niya ang kanyang ina at sumagot naman ito agad. Narinig niyang umiiyak ito.

"Saan ka galing?! Bakit ka umalis ng bahay ng walang paalam? Kahit saan na kita hinanap. Sinubukan kitang icontact di karin mahagilap. Pumunta pa ko ng police station."

Napatameme si Dan ng ilang segundo. Hindi niya kasi alam kung paano niya ipapaliwanag ang nangyari. Sa huli ang nasabi niya lang sa ina ay,

"Sorry ma. Natrauma lang ako sa nangyari sa eskwela kaya lumabas ako ng bahay para makapag-isip-isip nang mabuti at maibsan ang takot ko. Umuwi kana please. Di ko na uulitin ang aking ginawa."

Nang sumunod na araw ay nagpumilit si Dan na pumasok na uli sa eskwela kahit ayaw sana ng kanyang ina dahil sa tingin niya ay 'di pa nakarecover sa pisikal at sikolohikal na pinsalang natamo ang anak.

"Okay nako nay. Huwag ka nang mangamba. Tingin ko meron namang mga pulis sa labas ng campus na nagbabantay kaya ligtas ako doon."

"Umuwi ka nang maaga nak ha at wag kang magpalipas nang gutom. Kung may mangyari man tawagin mo agad ako."

"Sige po nay. Aalis na po ako."

Pagpasok niya sa klase ay nilapitan siya ng mga kamag-aral kinamusta rin siya ng kanyang adviser. Di niya inaasahang pati si Maan ay nag-alala rin sa kanya.

"Kamusta ka na Dan? Okay ka naba?" tanong ni Maan.

Bago nakasagot si Dan ay si Albert naman ang nagtanong.

"Totoo ba talagang nagawa mong gulpihin ang mga mokong na 'yon? Sabi ni Mike samin nung Biyernes."

"Ang dami mong pasa ha. Grabe siguro ang nangyari sa inyo." sabi ng isa pang kaklase habang hinahawakan ang nakaband-aid na galos niya sa siko.

Habang si Mike naman ay nakaupo lang sa kanyang pwesto nakikinig sa distansya. Nailang si Dan sa maraming atensyon na itinutuon sa kanya. Hindi siya sanay na pag-usapan at interbyuhin ng marami na parang sikat na personalidad.

Bago pa tuluyang magkagulo ang klase ay pinagsabihan sila ni Ginang Santos.

"Class magsiupo na kayong lahat. Huwag na munang disturbohin ang inyong kaklase. Tiyak malaki ang epekto nang nangyare para kay Dan at Mike. 'Wag niyo nang dagdagan pa ang dinadala nila."

Pagdating ng lunchbreak ay nilapitan siya ni Mike subalit hinarang siya ni Dan at bahagyang tinulak papalayo.

"Sorry na Dan. Pasensya na sa ginawa ko."

Pero mabilis na naglakad si Dan upang siyay layuan. Pagkatapos ng klase ay lumapit si Maan sa kanya at nagsabing,

"Binigyan ko narin si Mike ng isa. Subukan mo ito para mas mapadali ang paghilom ng mga sugat mo."

May hawak siyang maliit na ointment. Nahihiyang tinanggap ito ni Dan.

"Maraming salamat. Nag-abala ka pa."

Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon