KABANATA 6 : WHITE SHADOW

31 2 0
                                    


Naglalakad pauwi si Dan ng mag-isa nang biglang may umakbay sa kanya. Nang malaman niyang si Mike ito ay mabilis niyang inalis ang braso ng binatilyo.

"Ano bang problema mo Mike? Di na tayo magkatropa simula ngayon!"

"Teka lang Dan. Oo nga pinasok kita sa gulo pero tingnan mo ang kabilang dako. May maganda namang nangyari diba?"

Tinitigan lang siya ng masama ni Dan habang patuloy na naglalakad. Binillisan din ni Mike maglakad para hindi maiwan.

"Nakita kita kanina ng binigyan ka ni Maan ng ointment. Akalain mo hindi tayo close sa kanya pero nagpakita siya ng pagmamalasakit satin. Ang bait niya talaga simula pa nung Grade 11 pa tayo. Halatang-halata sa'yo na kinilig ka."

"Anong gusto mong ipalabas?" Sagot naman ni Dan.

"Makinig ka nga. Ang gusto kong sabihin ay pinansin ka ulit nang crush mo dahil sa nangyari. Nakatanggap kapa ng regalo sa kanya. Absent ka kasi nung Biyernes kaya wala kang ideya. Alam mobang bumilib si Maan nang sinabi kong ikaw ang gumulpi sa apat na mga adik na 'yun? Sinabi ko pang niligtas mo'ko mula sa pagkakasaksak."

"Ikaw talaga ba't mo sinabi? Alam mong dapat walang makaalam sa kakayahan ko."

"Hindi ko naman sinali ang mga detalyeng yan. Paano nila ako pinaniwalaan kong sinabi kong nakapagteleport ka? Ang importante meron kang dagdag pogi points kay Maan. Nakaiskor ka kahit konti." Nakangising sabi ng kaibigan.

"At isa pa nakumpirma nating dalawa na may totoong kapangyarihan ka nga talaga! Hanggang ngayon para parin akong nananaginip sa nakita ko. Maliban diyan pakinggan mo tong cellphone ko."

Kaya napatingin si Dan sa hawak ni Mike. Pinatunog nya ang cellphone at narinig nila ang boses nang tila mga lalakeng may kung anong pinag-uusapan.


"Gamit ang computer ko at iba pang gadget sa bahay nahack ko ang radio signal nang police station at naiconnect dito sa cellphone."

"Pambihira ka Mike! Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?"

"Ayaw mo to? Malalaman natin kung meron ba at saan nangyayari ang mga krimen dito sa Davao. Simula pa nung aking kabataan pantasya ko na talaga ang maging bayani. Ang magligtas ng mga tao parang mga bida sa komiks. Pero okay narin na maging sidekick mo dahil nakikita kong ikaw ang nabiyayaan ng abilidad na yan."

"Ewan ko sayo! Kapahamakan na naman ang maidudulot niyan. Pwede ba 'wag mo na kong kausapin. Baliw ka na Mike. Baliw!!!"

Humawak ulit sa balikat ng kaibigan si Mike pero nagalit si Dan.

"Bitiwan mo ko sasapakin kita." Mahinahon pero nagbabantang sabi niya.

At dali-daling pumara si Dan ng tricyle at sumakay patungong highway habang si Mike ay naiwang naglalakad.

Sa kanilang bahay habang nanonood ng telebisyon ay narinig nila Aling Aila at Dan ang balita na nagsasabing,

"Malungkot na balita; pumanaw na ang pinakasikat na siyentipiko at pilantropo sa kasaysayan ng Pilipinas na si Edilberto Contreras sa edad na 64 taong gulang dahil sa atake sa puso."

"Natigok na rin ang mamamatay taong 'yan. Masakit lang isipin na hindi siya naparusahan at nagdusa sa kanyang krimen. Sa halip ay nagkaroon pa siya nang mahabang buhay at naging bayani sa mata nang marami." Bulalas ni Dan.

Patuloy na salaysay sa balita:

"Ngayon lang isinapubliko na meron palang 22 taong gulang na anak na lalake ang yumaong doktor si Fernan Contreras. Siya ngayon ang magiging tagapagmana ng Celestial Horizon Corporation na kung saan ang ama niya ang pinakamalaking shareholder."

Di maipinta ang mukha ni Dan sa nalamang balita. Napansin ito nang kanyang ina.

"Kalimutan mo na ang nakaraan anak. Wala na ang pumaslang sa ama mo. Magpasalamat nalang tayo na tayong dalawa'y buhay pa, magkasama at kuntento. Hindi man natin maintindihan ang bawat misteryo ng mundo maging ang daloy nang kapalaran, naniniwala akong may malalim na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng mga bagay-bagay."

Pinatay ni Dan ang TV at pumasok sa kwarto. Konti lang ang naintindihan niya sa pahayag ng ina kaya tinanggal niya ito sa isip bago pa sumakit ang kanyang ulo.

Paghiga niya sa kama ay naalala niya ang ointment na binigay ni Maan. Kaya kinuha niya ito mula sa kanyang backpack.

"Salamat Maan. Hindi ka lang sobrang ganda, at ubod ng talino, ang bait mo pa!" Nakangiting sabi niya sa harap ng salamin habang pinapahid ang ointment sa sugat niya sa nuo.

Pagkatapos niyang gumawa nang takdang-aralin naisip niya uli ang pahayag ng kanyang ina.

"Baka nga merong dahilan ang kapalaran kaya nawala si itay. At meron ding rason kung bakit ako nagkaroon ng ganitong abilidad para di na maulit ang kawalang laban na naranasan ko nang mabigo akong iligtas si papa. Tama nga rin siguro si Mike. Dapat kung gamitin ang ipinagkaloob sa akin para tumulong sa iba. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?"

Kaya nagpuyat siya sa kaguguhit ng disenyo ng kanyang costume bilang isang nakamaskarang vigilante. Prominente ang kulay puti sa kanyang costume na may konting mga bahagi na nilagyan ng asul na umaapoy ang dating. Fit ang kasuotan na kahawig nang damit ng mga sinaunang ninja at dinagdagan ng hood. Nilagyan niya rin ng asul na mask sa bibig para di malaman ang kanyang pagkakakilanlan.

"Ano kaya ang ipapangalan ko sa katauhang ito? Tama. . . White Shadow!"

Shadow's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon