Lakad-takbo si Dan patungo sa gate hinahanap si Maan. Naaawa siya sa dalaga.
“Patay na patay pa naman si Maan sa pahamak na ‘yon.” naisip niya.
Paglabas niya ng gate ay nakita niyang sumakay si Maan ng tricycle. Alam niya kung saan ang ruta nito pagkat nasubukan na rin niyang sumakay dati ng tricyle sa CityHigh nung may iba siyang nilakad. Kaya naghanap si Dan ng lugar na matataguan bago nagteleport at dumating sa destinasyon ng tricycle na sinakyan ni Maan.
Nag-antay siya doon ng ilang minuto at nagkubli sa isang karinderya sa gilid malapit kung saan bumababa ang mga pasahero. Maya-maya pa’t dumating na ang motor at bumaba si Maan. Naglalakad siya ng nakayuko walang pakialam kung mababangga siya ng ibang taong dumadaan din sa gilid ng kalsada. Sinundan siya ni Dan sa di kalayuan. Akala ng binatilyo sasakay na ito ng jeep na patungo sa kanila pero biglang lumiko ang dalaga sa bandang kanan at pumasok sa isang fastfood restaurant.
Nag-antay-antay pa si Dan ng limang minuto bago naisip na umuwi nalang dahil malapit ng mag 6 PM. Di pa niya sinasagot ang tawag ng kanyang ina. Subalit pagtingin niya ulit mula sa labas ng restaurant ay nagtataka siyang di na nakauniporme si Maan habang papalabas. Kaya nagpatuloy siya sa pagsunod rito. Tumawid ang dalaga sa kalsada at pumasok sa isang karaoke bar.
“Paano ako makakapasok sa bar kung nakauniporme ako?,” sa isip ni Dan.
Kaya tinanggal niya ang kanyang ID card at hinubad ang kanyang polo. Ang natitira niyang suot ay pang-ilalim na puting t-shirt na may marka ng tribal symbol sa bandang dibdib nito.
“Pwede na siguro to.”
Kaya pumasok siya sa loob ng establisyemento at doon nakita niya si Maan na umiinom mag-isa sa bandang dulo. Marami ding ibang mga kostumer. May mga kumakanta at nakikipagtagay sa mga barkada. Meron ding sumasayaw na parang ewan dahil sa sobrang lasing. Umupo siya sa tabi ng dalaga.
“Bat andito ka? Sinusundan mo ba ako?,” pag-usisa ni Maan habang nilulunok ang lamang Red Horse beer sa hawak na baso.
“Di ka naman ganito Maan. Pwede bang itigil mo na to?,” inagaw ni Dan ang bote ng beer sa kanyang kamay.
“Wag mo kong pakialaman! Di mo naman ako ganun kakilala. Close ba tayo?,” naiinis na sagot ni Maan.
Tumayo si Dan at kinuha ang kamay nito. Sinubukan niya itong hilahin palabas ng bar pero nagpupumiglas ang dalaga.
“Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Hindi kita gusto Dan iba ang mahal ko!”
Nakaramdam ng malalim na kirot si Dan kaya binitiwan niya ang kamay nito.
“Alam ko naman ‘yon eh. Na kahit kailan wala akong pag-asa sayo. Kuntento na’ko na nakikita kang maayos at masaya ang buhay. Na masaya kahit hindi ako kasama. Kahit di ako ang rason kung bakit nakangiti ka! Dahil napakaganda talaga ng mga ngiti mo. Kahit na badtrip ako pag nakita ko ang maamo mong mukha na nakatawa ay nahahawaan mo 'ko ng saya. Kaya pag napansin kitang nasasaktan eh naaapektuhan din ako. Ang gusto ko lang naman ay bumalik ka sa dating ikaw; sa Maan na palangiti at puno ng sigla gaya nung una tayo nagkakilala na baka di mo na naaalala. Hindi ang kaharap ko ngayon na nanlulumo at nagpapakasasa sa pag-inom.”
Tumahimik lang si Maan na parang walang narinig at patuloy na umiinom. Kaya nagdesisyon si Dan na bantayan nalang siya at wag nang piliting umuwi. Pagkatapos ng ilan pang mga shot ay tipsy na si Maan. Hinayaan lang ito ni Dan habang siyay nakaupo sa tabi ng dalaga.
Nagsimulang humagulgol si Maan. Kumuha si Dan ng panyo sa kanyang bulsa at pinahiran ang mga pumapatak na luha sa malambot niyang mga pisngi. Mas lalong pumula ang natural na pinkish nitong pisngi dulot ng impluwensya ng alak.
“Akala siguro ng hayop na ‘yun cheap ako.”
Tiningnan ni Dan sa mata ang dalaga at nakinig ng mabuti sa kanya.
“Pinagpalit niya ko sa iba kasi ayaw ko pang makipagsex sa kanya. Sabi niya sakin na kung talagang mahal ko siya ay dapat ibigay ko ang matagal na niyang hinihingi.”
Napaubo si Maan sa kakaiyak kaya hinagod ng binatilyo ang kanyang likod. Maya-maya pa’t sumuka ang dalaga buti nalang ay nakalundag si Dan mula sa kinauupuan. Kumalat sa sahig ang mga pagkain at likidong nakaimbak sa sikmura ni Maan. Napailing si Dan at tinakpan ang ilong ng malanghap ang masangsang at matapang na amoy ng suka. Samantala nakatulog naman si Maan na nakapatong ang ulo sa mesa.
“Waiter magkano po ba lahat ng ito?,” tanong ni Dan.
“Bale 350 pesos po lahat kasama na ang pulutan.”
“Nako kulang ang dala kong pera.”
Kaya kinuha ni Dan ang pitaka ni Maan mula sa bag ng dalaga. Dinagdagan niya ng pera ni Maan ang kulang sa pambayad niya. Matapos magbayad ay binuhat niya si Maan palabas ng bar.
Paglabas niya ay madilim na at wala na masyadong tao at sasakyan na dumadaan. Nang tiningnan niya ang oras sa cellphone ay pasado 11 PM na pala. Kinuha ni Dan ang ID card ni Maan at binasa ang address. Hinanap niya sa google map ang lugar nila Maan gamit ang kanyang cellphone. Nang lumitaw ang litrato ng kalye kung saan siya nakatira ay pumwesto si Dan sa isang madilim na sulok at nagteleport mula doon. Pagdating niya sa kalye naglakad-lakad siya ng konti habang karga si Maan sa likod. Nang makita niya ang gate na may house number kagaya ng nakalagay sa ID ni Maan ay kumatok siya rito.
“Sino yan?” Isang tinig nang matandang lalake ang narinig ni Dan.
“Ahh eh kaklase po ako ni Maan.”
Bumukas ang gate at humarap sa kanya ang lalake. Nang malamang nakatulog ang dalaga sa likod ni Dan na mabaho at makalat ang hitsura ay sumimangot ang mukha nito.
“Anong ginawa mo sa anak ko?”
Nagsimulang kabahan si Dan. Natameme siya at di agad nakasagot. Nagsumiksik namang dumaan sa gilid ng matanda ang isa pang lalake na tingin ni Dan ay mas matanda lang sa kanya ng ilang taon.
“Ako ng magbubuhat sa kapatid ko.”
Kaya binigay niya si Maan sa kanyang kuya.
“Wag kang matakot iho. Pumasok ka.”
Narinig niya ang boses ng isang matandang babae sa likod ng gate. Tingin niya ay nanay ito ni Maan. Pagpasok ni Dan sa kanilang tahanan ay pinaliwanag niya ang nangyari.
“Salamat sa pagdala mo ng ligtas sa aming anak. Akala namin ay napano na si Maan.” seryosong pahayag ng ama ng dalaga.
“Wala pong anuman ‘yon. Sige po uuwi narin po ako sa amin.”
“Meron ka pa bang pamasahe?,” tanong ng nanay.
“Kasya pa naman po ang pera ko pauwi.”
“Sige iho mag-ingat ka.”
Pagdating ni Dan sa kanila ay galit na galit si Aling Aila na pinaulanan siya ng sermon. Ang masaklap pa ay binawi ang kanyang cellphone maging ang bigay ni Mike bilang parusa sa madaling araw na pag-uwi sa bahay. Walang magawa si Dan kungdi humingi ng despensa at tanggapin ang maingay na mga silakbo ng magulang na sobrang tagal natapos.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Novela JuvenilHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...
