Makalipas ang apat na buwan ay dahan-dahan nang nakarecover ang lungsod at ang bise-alkalde ang humalili bilang bagong mayor. Hindi parin magamit ni Dan ang kanyang dating mga kakayahan kaya naisip niyang naubos na ito dahil sa una at huling paggamit niya ng napakadelikadong black hole. Ang natira nalang ay ang kwento ng White Shadow na panigurado niya na tatatak sa kasaysayan ng lungsod bilang alamat.Nasa school auditorium ang karamihan sa mga Grade 12 nagdiriwang ng kanilang pagtatapos ng high school. Kasama ni Dan sila Shane, Albert at ang iba pa nilang mga kaklase na nakaupo sa gitna ng auditorium. Nakasuot sila ng puting toga at pawang lubos ang ligaya. Tumanaw si Dan sa mga bench na nasa itaas sa gilid na bahagi ng auditorium. Andoon ang kanyang ina masayang-masaya na nakatingin din sa kanya. Sa gitna pinwesto ang mga gagraduate na mag-aaral habang ang kanilang mga magulang at guardian naman ay pinaupo sa mga bench na nasa gilid. Maya-maya pa ay tinawag na ang kanilang Valedictorian, si Mae Anne Tagle na pumunta sa entablado para magbigay ng kanyang talumpati. Pinalakpakan ng lahat si Maan.
Matapos ang seremonya ng graduation ay nagsibabaan na ang kanilang mga magulang upang batiin ang mga bagong graduate. Nagpresenta si Maan na siya na ang kumuha ng litrato ng mag-inang si Dan at Aling Aila na nagyakapan sa gitna ng stage.
"Tayo naman ang magpapicture Dan." nakangiting sabi ng dalaga.
Nagtataka man pero alistong sumunod ang binata. Nang magsimulang magbilang ng tatlo si Aling Aila hawak-hawak ang DSLR camera ay biglang inabot ni Maan ang kamay ni Dan at hinawakan ito ng mahigpit. Nakisakay lang si Dan dahil sa isip niya ay baka ito na ang huling pagkakataon na makita at makasama niya ang kanyang crush. Pagkatapos nun ay nagrequest si Maan sa ina ng binatilyo na mag-uusap sila Dan ng pribado na pinayagan naman ng magulang. Lalong naguluhan ang binata kaya nagtanong ito kay Maan ng sila nalang sa may distansya sa bandang likod ng auditorium.
"May sasabihin ka ba?"
"May magandang balita ako Dan."
"Ano naman 'yon?"
"Nakatanggap ako ng scholarship sa isang unibersidad sa Maynila."
Napahinto si Dan ng ilang sandali tapos ay nagsabing, "Magandang balita nga yan. Congrats Maan."
Pinilit ni Dan na ngumiti sa nalaman tinatago ang kirot na nararamdaman. Ngunit iba ang sinasabi ng maluha-luha niyang mga mata.
"Eh bakit parang di ka ata masaya?" pag-usisa ni Maan.
Maya-maya pa ay tinawag na si Maan ng kanyang ama.
"Sige Maan. Congrats ulit at tsaka paalam."
Hinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo.
Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dalaga.Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay sa leeg ng binata at pagkatapos ay hinalikan siya nito. Naramdaman niya ang malambot nitong mga labi sa kanyang bibig at naamoy ulit ang matamis na halimuyak ng hininga ng dalaga. Hinuli ni Maan ang pang-itaas na labi ni Danilo at bahagyang kinagat ito. Di makapag concentrate ang binatilyo sa nadarama. Sobrang lakas ng kuryente sa kanyang katawan at hinihingal siya sa kaba at sobrang ligaya. Lumaki ang mga mata ni Dan sa gulat ngunit nakapikit naman ang kay Maan habang dinidiin pa nang lalo ang mga labi nito at kinukoskos ng dahan-dahan ng ilan pang sandali bago inalis ang kanyang maamong mukha sa mukha ni Dan. Nagulat din ang mga magulang ng dilag nang masaksihan ang nangyari kahit na ang kuya niya at si Aling Aila ay napanganga.
"Ipangako mo na wala kang ibang babaeng magugustuhan o liligawan habang wala ako. Ganon din ako sayo."
Nanatiling tulala si Dan habang nakikinig kay Maan.
"Kung talagang mahal mo 'ko ay makakapaghintay ka. Sa loob ng apat na taon ay magkita ulit tayong dalawa dito sa CityHigh. Sa bench sa gilid ng pathway na malapit sa dati nating classroom. Dan? Dan? Nakikinig ka ba?!"
"Ahh. Oo pangako yan. Hihintayin kita. At pagbalik mo isang ganap na seaman na rin ako." Masayang sagot ng binata.
WAKAS
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Подростковая литератураHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...