"Talaga? Nangyari yun?! Ahahahaha!!! Loko ka talaga Dan. Ang swabe ng moves mo, madulas pa sa langis." pang-aasar ni Mike habang naglalakad sila pauwi."Wag mo na nga akong pagtawanan. Alam mo namang galit na sakin si Maan."
"Pano mo naman nasabing nagalit siya sa nangyari? Di ka naman niya sinampal ni di ka nga niya tinulak...Teka lang ano bang lasa este pakiramdam ng labi ni Maan?"
"Tama na nga yan puro ka na naman kalokohan. Dapat di ko nalang pinaalam sayo."
May kinuha si Mike sa kanyang bulsa.
"Oh heto ang lumang cellphone ko dalhin mo. Magagamit mo 'to para mamonitor ang operasyon ng mga pulis sa syudad at malaman kung may krimeng nangyayari."
Tinanggap naman ito ni Dan, "Salamat."
Nasaisip pa rin ni Dan si Maan kahit nasa bahay na siya nakahiga sa kama. Nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Magkahalong kilig, hiya, at pangamba ang nasa dibdib niya. Pakiramdam niya sasabog ang kanyang puso dahil sa maraming emosyon na namamalagi sa kaloob-looban nito.
Naalala niya ang tanong ni Mike. Sobrang lambot ng mga labi ni Maan at ang bango-bango ng kanyang hininga, amoy cherry. Kagaya nung matamis na pulang prutas na kinain niya mula sa tuktok ng moist chocolate cake ng Red Ribbon nung huling birthday niya. Napakagat sa labi si Dan at napahawak rito ang kanyang kanang kamay.
"Ano kayang mouthwash ang ginagamit niya? Siguro nga ay sinwerte ako sa sitwasyong yon. Marahil ay yon ang una at huling pagkakataong mahalikan ko si Maan."
Nakatulog si Dan ng 7 PM. Gumising siya ng alas 2 ng madaling araw. Nagbihis muna siya at isinuot ang kanyang hood na kulay grey. Kinuha ni Dan ang cellphone at sinaksakan ng earphones. Halos 10 minuto siyang nag-antay kaya nagsimula ng mabagot si Dan nang biglang tumunog ang cellphone,
"Attention, lahat ng units ng Station 5, nakatanggap ako ng 10-34 sa Palm Drive Street at Watusi Avenue. Ang suspek ay armadong lalake nasa mid 20s, kalbo. Huling namataan na tumatakbo patungong Lapanday Road."
Napangiti si Dan at nakaramdam ng matinding adrenaline rush dahil sa excitement. Tinakpan ni Dan ang kanyang bibig ng itim na half face mask na madalas na ginagamit ng mga drayber ng motor.
"Heto nako!" ang bulong niya sa sarili bago naglahong parang bula sa kwarto.
Pagdating niya sa Palm Drive St. ay madilim pa at walang kahit ano mang palatandaan na babangon na si haring araw. Sa di kalayuan ay nakita niya ang isang lalakeng nakahandusay sa gilid ng kalsada kasama ang isang babaeng umiiyak habang tinatakpan ang sugat ng lalake sa tagiliran.
Agad silang nilapitan ni Dan,
"Miss anong nangyari?"
"Nabaril ang nobyo ko please tulungan mo siya!"
Umuungol ang lalake sa sakit na nadarama.
"Kailangan mo kong pagkatawilaan. Dadalhin ko kayo sa ospital. Hayaan mo kong buhatin siya."
"Wala ng masyadong bumabyaheng sasakyan sa mga oras na'to paano tayo makakarating doon ng mabilis?"
"Basta magtiwala ka lang sakin."
Binuhat niya ang sugatang lalake at nagsabi sa babaeng "Abutin mo ang kamay ko."
"Anong pinaplano mo?"
"Wala nang oras dalian mo baka maubusan na siya ng dugo!"
Nang mahawakan na ni Dan ang kamay ng babae habang karga-karga sa likod ang kanyang nobyo ay bigla silang napunta sa pinakamalapit na pampublikong ospital. Halos matumba sila Dan sa sobrang bilis ng pagtalon sa ibang lugar na malayo, sa loob lang ng isang segundo. Pakiramdam nila para silang nakasakay sa isang elevator na biglang nagka-aberya at nahulog mula sa pinakamataas na palapag ngunit swerteng nakahinto bago pa tuluyang bumagsak sa groundfloor.
Unang beses pa lang ni Dan na magsama ng tao habang nagteteleport. Sobrang saya ng binata dahil akala niya di niya ito magagawa. Nang makita ng mga doktor ang tama ng lalake ay agad siyang dinala ng mga ito sa emergency room.
Tumalon siya ulit pero patungo na sa Lapanday Road. Pagdating niya doon nakita niya ang kalbong lalake sa may distansya tumatakbo patungo sa isang motor na may nag-aantay ding driver.
"May kasabwat pala ang mokong nato."
Bago pa makaabot ang suspek sa kasama ay sumulpot si Dan sa kanyang gilid at siniko ang leeg nito. Bagamat nasaktan at nagulat ay nakatayo parin ang kriminal kaya binaril niya si Dan. Buti nalang ay nakateleport agad ang binata, lumitaw sa likod niya, at inagaw ng mabilis ang baril. Nagulat ang lalake kaya di siya agad nakagalaw. Bago pa siya nakabwelo ng suntok ay hinampas ni Dan ng baril ang panga ng kalaban kaya nawalan ito ng malay.
Pinaandar ng kasabwat ang motor para umiskapo. Nagsimulang umingay ang makina kasunod ang pag-alburoto ng tambutso nito. Humarurot ito ng takbo.
"Di ka makakatakas!" sigaw ni Dan.
Nasa 50 metro na ang layo ng drayber sa kanila pero naabutan pa rin ito ng binatilyo. Habang umaandar ang motor ay nagteleport si Dan na nakalundag sa bandang itaas ng harapan ng drayber. Bago tuluyang bumagsak sa kalsada ay sinabit ni Dan ang kanyang braso sa leeg ng nagmamaneho at hinatak ito papalayo sa manubela. Nabitiwan nito ang manubela kaya nahulog ang drayber sa motor at lumagapak sa gitna ng kalsada. Nabalian ito ng ilang ribs pero nabuhay pa dahil sa kanyang suot na helmet.
Habang si Dan naman ay ligtas na nakatalon bago pa makasabay ng kalaban na tumama sa semento. Bumangga naman ang kanyang motor sa isang poste ng kuryente. Nasira ang harapan nito, basag ang headlight, tupi ang front forks, at flat ang dalawang gulong. Pagdating ng mga pulis ay natagpuan nilang nakagapos ang mga suspek sa paanan ng traffic light na kapwa wala ng malay.
Hinubad ni Dan ang kanyang hood at tinapon sa loob ng isang abandonadong bahay malayo sa kanila pagkat meron itong mantya ng dugo dulot ng pagbuhat niya sa lalakeng nabaril. Pag-uwi niya ng bahay ay nagpahinga siya ng ilang minuto bago naligo. Napatawa siya nang tahimik sa sobrang galak at excitement sa nagawa. Pagkatapos ay nagsaing ng bigas at nagprito ng itlog.
"Aba ang aga mong bumangon ha at naghanda ka pa ng pagkain. Anong meron?" masayang sabi ng kanyang ina ng siya ay magising.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Ficção AdolescenteHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...