Hiningal si Dan sa sobrang pagal. Pinagmasdan niya sa di kalayuan ang lalake. Di na ito nakabangon pa na ikinakalma ni Dan. Napabuntong hininga ang binatilyo. Subalit nakarinig siya ng mga sigaw,"Dumapa ka!"
Paglingon niya ay may mga pulis na tinututok ang kanilang baril sa kanya.
"Sabi nang dumapa ka!"
Dahan-dahang pumalibot sa kanya ang ibang mga pulis habang ang iba naman ay pumunta sa estudyante at ibang mga staff na walang malay. Tinignan ang mga vitals nila kung sila ay buhay pa. Palapit na nang palapit ang mga otoridad kay Dan kaya akma siyang dadapa pero biglang siyang tumalon at naglaho sa harapan nila.
Napunta si Dan sa rooftop ng pinakamataas na gusali ng campus. Umupo siya sa likod ng isang malaking tangke ng tubig upang di makita ng kahit sino. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mike.
"Mike kamusta kayong lahat?"
"Ligtas naman kaming nakalikas palabas ng City High. Dinala ko ang bag mo."
"Salamat magkita tayo sa abandonadong bahay na tinatambayan natin dati. Kailangan kong makapagbihis ng uniporme bago makauwi sa amin."
Paika-ika si Dan na naglakad patungo sa kanila. Pagkatok niya ng pintuan ay agad siyang pinagbuksan ng kanyang ina. Naubusan si Dan ng lakas at napasandal kay aling Aila na sugatan at pagod na pagod.
"Nak anong nangyari sayo?!," lubos ang kanyang pag-aalala.
Nagising si Dan sa ospital. Nakadextrose siya habang nakahiga sa kama at nasa gilid niya ang nanay na maluha-luhang nakatitig sa kanya.
"Kamusta ka anak? Bakit ka nagkaganyan?" Nahirapang mag-isip si Dan ng idadahilan sa magulang kaya wala siyang nasabi.
"Nagugutom ka ba? May siopao dito at mineral water."
"Salamat Ma," Tinanggap ni Dan ang mga ito at nagsimulang nguyain ang siopao.
"Marami sa mga estudyante ng CityHigh ang nagtamo ng mga pinsala sa katawan kagaya mo nak. Ayon sa mga pulisya lango daw sa high dosage na makabagong droga ang binatilyong nagwala. Grabe na talaga ang panahon ngayon di lang teknolohiya ang lumalawak ang kapabilidad pati na rin iligal na droga. Pasalamat nalang tayo at ligtas ka na anak."
Kinabukasan ay bumisita si Mike sa ospital na may dalang maliit na basket na may mga saging at mansanas pati dalandan.
"Nag-abala ka pa Mike. Salamat natouch ako sa dinala mo." pabirong sabi ni Dan.
"Kay Maan ka mas magpasalamat. Ideya niya ito. Nag-ambag-ambag kaming mga kaklase mo para makabili ng mga prutas para sayo."
Nakinig lang si Dan.
"Ahh muntik ko ng makalimutan sabi niya sorry daw sa mga nasabi niya sayo. Ano palang pinag-usapan ninyo?"
Bahagyang napabuka ang kanyang bibig at napatitig siya sa mga mata ng kaibigan ng itoy marinig. Kita ang pagkasorpresa sa kanyang mukha.
Inilapit ni Mike ang kanyang cellphone sa mukha ni Dan.
"Pakinggan mo ang balitang 'to."
"Kanselado muna ang klase sa Davao City National High School sa loob ng isang linggo dahil sa insidente. Marami ang nasugatan sa nangyari, walo rito ay mga estudyante, lima naman ay mga kawani ng paaralan. Subalit namatay ang gwardyang si Simon Estrera, 37 taong gulang.
Ayon sa mga saksi ay lumitaw ulit ang misteryosong vigilante na siyang nagpahinto sa pagwawala ng estudyanteng nasa impluwensya ng droga."Interviewer- "Nakita mo ba ang lahat ng nangyari ng mga oras na iyon sa loob ng campus?"
Mike- "Oho. Kitang-kita ng dalawang mata ko na pinigilan ng White Shadow ang adik na 'yun! Kungdi dahil sa kanya e baka mas marami pang tao ang nasaktan sa pangyayari."
Interviewer- "White Shadow?"
Mike- "Yan ang tawag ko sa kanya."
Interviewer-"Balik po tayo sa studio."
Newscaster- "Salamat Nadia Montenegro sa inihatid mong news update.
"Karagdagang balita nagpalabas ang PDEA ng impormasyon tungkol sa droga na ginamit sa insidente:
"Ang Alamara drug ay mas matapang pa ang tama kesa sa Flakka at methamphetamine at higit na mas delikado ang epekto nito sa katawan at utak ng tao. Sa ngayon dalawang kaso palang ng paggamit ng Alamara ang aming naitala. Una ay ang Mandug Massacre na nangyari 2 buwan na ang nakalipas at ngayon naman ay ang insedente sa isang sekondaryang paaralan. Kaunti palang ang aming nalaman sa umuusbong na drogang ito. Narito ang ilan sa mga panandaliang epekto nito sa gumagamit:
Sobrang sayang pakiramdam (euphoria).
Abnormal na bilis ng pintig ng puso at palpitasyon.
Pagtaas ng blood pressure.
Pagtalas ng pandama.
Paglobo ng lakas ng apat na beses kesa sa natural na lakas ng katawan.
Pagtibay ng kalamnan.
Pamamaga at pag-itim ng mga ugat.
Pagberde ng mga mata."
Samantala lumabas naman mula sa entrance ng ospital ang lalakeng mahaba ang nakataling buhok at may malaking balat sa pisngi. May dala-dala siyang plastic blood bags. Tumawag siya sa kanyang cellphone.
"Boss nakakuha na ako ng mga blood samples ng lahat ng mga estudyante ng CityHigh na naospital dahil sa insidente kahapon."
"Mabuti. Susubukan kung imatch ang DNA ng mga dugo sa buhok na nakuha natin mula sa hood. Malamang tama ang kutob ko na estudyante lang ng CityHigh ang binatilyong nakakuha ng kapangyarihan ng bato."
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Fiksi RemajaHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...