Nagmamadaling dumating ang nanay at tatay ni Mike kasama ang ina ni Dan. Halata sa kanilang mga mukha ang pag-aalala."Ano po bang nangyari? Ligtas po ba ang mga anak namin?" tanong ng ina ni Mike.
"Huwag po kayong mag-alala mga pasa at sugat lang ang kanilang natanggap na hindi naman masyadong delikado."
Pagkakita ni Dan sa ina ay agad siyang tumayo at niyakap ito ng mahigpit. Di mapigilan ni Dan na maluha. Kaya napaiyak na din si Aling Aila. Subalit si Mike ay nanatiling nakaupo malapit sa mga pulis na nagtanong sa kanila kanina lang. Nabasa niya ang postura ng kanyang ama nakahalukipkip (cross-armed) ang mga braso nito at sa ilalim ng braso ay nakakuyom ang mga kamao. Kahit na sa mukha nito ay nakaguhit ang pagkadismaya na may halong galit na nakatitig sa kanya.
"Hindi naman basagulero ang anak ko paano siya nasangkot rito?," tanong ni aling Aila.
"Self-defense po ang nangyari. Hindi po sila ang nagpasimula ng gulo. Pasalamat tayo at naprotektahan nila ang isa't-isa laban sa mas maraming kaaway. Nagdala pa nang patalim ang isa."
Natakot ang kanilang mga magulang ng ito ay marinig. Nabaling ang galit ng ama ni Mike sa mga siga.
"Ano?!" ang sabi ng ama ni Mike sabay turo sa grupo ni Badang.
Lalapitan sana niya ang mga batang siga buti nalang ay hinarangan siya ng mga pulis.
"Tama na po 'yan. Kami na ang bahala sa kanila."
"Eh, paano kung balikan ulit ang anak ko ng mga 'yan anong gagawin niyo?" Pangamba ng ama.
"Huwag po kayong mabahala simula bukas ay maglalagay na kami ng mga opisyal namin sa palibot ng City High mula umaga hanggang hapon para masiguro na wala ng mangyayari ulit na ganito."
Matapos ang ilan pang mga proseso ng pulisya ay nakauwi na rin sila.
Biyernes na kinabukasan pero pinagsabihan si Dan ng kanyang ina na lumiban nalang muna ng klase para tuloy-tuloy ang pagpapahinga at pagpapagaling niya ng katawan. Dahil sa sobrang bagot ni Dan sa pagtambay sa bahay ay sinubukan niyang pumunta ng lababo at maghugas ng pinggan.
"Ako na diyan, magpahinga ka muna." Sabi ng ina.
"Para iyan lang nay? 'Kaw ang bahala."
Kaya bumalik nalang si Dan sa doubled deck na higaan at kinuha ang kanyang cellphone. Binuksan niya mula sa hidden files ang isang litrato ni Maan at ito'y pinagmasdan.
Nakangiti ang dalaga habang nakaupo sa bermudang damo ng People's Park. Ang kaliwa niyang kamay ay nakasandal sa bermuda habang ang kanang kamay naman ay nakapeace sign. Ang pang-itaas niya ay berdeng poloshirt at ang pang-ibaba ay pantalon na semi-fit. Converse na rubber shoes naman ang kanyang suot na sapatos.
Nahuli ni Dan ang sarili na nakangiting mag-isa dala nang galak sa loob niya habang minamasdan ang larawan.
"Parang baliw lang." Nasabi niya sa sarili.
Pasikretong dinownload ni Dan ang picture ni Maan mula sa Facebook niya dahil friends silang dalawa sa social media pwedeng maaccess ni Dan ang mga profile picture ni Maan.
Maypagka boyish si Maan manamit maging sa pag-asta. Sa katunayan ang paborito niyang suotin ay t-shirt at poloshirt. Bagaman bagay din sa kanya, isang beses lang siyang nakita ni Dan na nakadress ng pinasayaw ang section nila sa PE bilang culminating performance task nung nakaraang school year. Maging ang kanyang bag ay backpack na Jansport hindi shoulder bag.
Nang mapagod sa kakatitig naisip ni Dan na sumulat ng tula kaya ibinalik niya sa bulsa ang kanyang cellphone at nagsimulang magsulat ng mga linya sa kanyang lumang kwaderno.
"Wala ngang duda ang sarap mong pagmasdan,
Basta huwag mo lang akong maaktohan.
Sa tago'y palagi kitang tititigan,
Bago matantong ang korni ko na naman."Pagdating ng hapon ay nagring ang kanyang cellphone kaya binuksan ito ni Dan. Nadismaya siyang si Mike lang pala. Hindi niya ito sinagot kahit ilang beses itong paulit-ulit na tumawag. Nagalit si Dan sa kapahamakang dinulot nang kalokohan ng itinuring niyang malapit na kaibigan.
Napaling ang isip niya sa kakayahang naipamalas.
"Pwede ko kayang gawin 'yon sa malayong mga lugar? Di ko akalaing magkakaroon ako nang ganitong kakayahan. Dulot siguro ito nang diyamante sa minahan. Baka nahigop ng aking katawan ang enerhiya o anumang sustansya na nasa loob ng batong iyon kaya nagkaroon ako nang hindi kapani-paniwalang abilidad."
Inilaan ni Dan ang sumunod na araw para subukan ang kanyang kakayahan. Habang nagluluto ang nanay niya sa kusina sinarado niya ang pintuan ng kwarto bago inisip ang loob nang kanilang banyo. Sa isang iglap ay napunta nga siya sa loob ng CR. Sinubukan niyang bumalik sa kwarto at nakabalik naman siya agad.
Pagdating ng gabi nang araw na iyon, nang makatulog na ang kanyang ina ay bumangon si Dan at umupo mula sa kanyang higaan. Sinubukan niyang magconcentrate at inisip ang Mall na ilang kilometro ang layo mula sa bahay nila. Di niya inaasahan bigla siyang napunta sa isang lugar na hindi niya malaman kung saan. Sobrang dilim wala siyang makita kahit ang mga kamay niya. Nahuhulog siya nang sobrang bilis. Maraming beses niyang sinubukang bumalik sa kanilang bahay pero walang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Shadow's Heart
Novela JuvenilHinagkan niya ang dalaga at nagsimulang tumalikod papalayo. Pero hinawakan ni Maan ang kanyang kamay at hinila ito ng malakas pabalik sa kanya kaya napaatras si Dan at lumingon sa dilag. Laking gulat niya ng pinolupot ni Maan ang kanyang mga kamay...