Chapter 1

130 2 0
                                    

Tatlong taon ang nakalipas

"Bat ang tagal mo?" halatang asar na sabi ni Cole pagkababa ng pagkababa ko ng kotse nya. Wala akong kotse eh kaya nakikihiram lang ako. Mayaman naman sya, kaya hindi lang isa kotse nya.

"Busy ako eh. Bat ba dito ang handa mo?" walang gana kong sabi saka pumasok na kami sa isang bar.

"Gusto nila dito. Kaysa sa magluto pa tayo dun sa bahay at mairita ka sa ingay mamaya" sabi nya naman

Tumango naman ako "Saglit lang ako ah? Hindi din naman ako iinom"

"Deh tambay ka muna dito, ano bang pinagkakabusyhan mo? Walang pasok bukas"

"May kasal akong kakantahan. Oh, happy birthday" nakangiti kong sabi saka inabot yon regalo ko sa kanya. Simple lang yon, t-shirt lang yon lang kaya ko eh.

"Wow" natatwang sabi saka parang baliw na yinakap yong binigay ko "Anong meron sayo ngayon at nagregalo ka?"

Ngumiti ako "Gago! Mukha kasing lucky day ko ngayon. Alam mo bang pauwi na ako galing sa school tapos may lumapit sakin na magpapaharana, pagkatapos nun tumawag sakin yong kakilala ko na nagback out daw o nagkaemergency yong bandang kakanta sa renewal of vows ng parents nya kaya ako na lang daw. Dalawang raket sa isang araw. Dba swerte?" nakangiti kong sabi.

"Kaya nalate ka tapos naisipan mong magregalo?"

"Oo. Dumaan pa kasi ako dun sa anak ng ikakasal ulit para sa kantang kakantahin ko at may binigay din na isusuot. Yang na tshirt na yang galing sa kanya, may tshirt na pinamimigay sa mga aattend yong tshirt na binigay sakin para sa banda yon. Eh naisip ko na baka meron pa silang extra dahil nga banda yon, kaya may subra pang tshirt. Kaya yong since 3 yong myembro ng banda binigay sakin yon tatlo. Yan yon isa" sabi ko, agad nya naman ako pinalo sa ulo ng tshirt na binigay ko

"Gago! Hindi ka pala gumastos"

Ngumiti ako "Bat pa ako gagastos kung may libre? At tsaka sweet yan na tshirt may lagay na happy 25th anniv. Lito and Thelma" pang aasar ko pang sabi

Umiling iling na lang sya saka huminto kami sa isang grupo ng tao. Mga kaklase nya, lumapit agad sakin si V. May limang lalake, at tatlong babae ang nag-iinuman sa table nila. Magkaklase sila maliban kay Sunny na kaklase ko pero nakasama dahil siguro sa may bf syang kaklase nila Cole na nandito din at bestfriend nya ang napakapamilyar na babae ngayong kinakausap nya, si Jennie. Napakapamilyar nya sakin, hindi lang dahil sa klase sya nila V at natambay minsan sa b-house kundi dahil sya ang babaeng hinara ko tatlong taon na ang nakakalipas dahil kay Clark.

"Guys, si Jisoo. Tanda nyo na sya diba?" sabi ni Cole.

Sila ang magkakaklase at nakilala nila lang ako dahil sa kaibagan ako ni V dati pa na naging kaibigan na din ni Cole dahil magkatabi lang ang boarding house namin.

Dahil sa lagi kaming magkasama ni V ay naging close ko na din si Cole na kasama nya sa boarding house. Magkakakilala lang kami sa mukha at pangalan ng kaklase nila V dahil sa hindi pa kami nagkakajamming. Mahilig kasi silang mag-inuman habang ako hindi naman ako umiinom kaya pinipili ko na lang mamalagi sa kwarto.

Lahat sila ngumiti sakin at ganun din ang ginawa ko maliban sa isa na nakatingin lang sakin ng seryoso at nagsabi "How can I forget her? Sya ang dahilan kung bakit ako nagmahal at ngayon nasasaktan. Sya yong nangharana sakin on behalf of Clark kaya nag-umpisa yong kami at nagtapos sa wala" sarkastikong sabi nya saka uminom ng alak.

"Upo ka. Wag mong pansinin yan. Heartbroken eh" sabi naman ni V.

Saka ako umupo hinayaan silang mag-usap usap at pinag-aralan sa cp ko ang magiging chords ng kakantahin ko. Medyo kaylangan kong madagdag ng sound maliban sa guitar dahil sa ang original na gusto nila banda kaya dapat hindi lang isang instrumento ang magagamit o maririnig nila. Bukas pa naman yon kaya kaylangan ko talagang mag edit pa ng drum sound at kung kaya pa may piano.  Pagkatapos kong kumain dito ay aalis na talaga ako. Ayokong mapapahiya sa pagkanta ko kaya kaylangan paghandaan ko yon.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon