Chapter 16

58 3 0
                                    


~3rd Person

"Doc, tapos na naman po yong seminar pwede na ba akong maunang umuwi?"

"Bakit? Sabado pa lang naman ngayon at tsaka bukas pa yong flight natin" sagot sa kanya ni El.

"Napapagod na kasi ako doc" malungkot na sagot nya.

"Napapagod?" ngumiti si El pero halatang pilit na ngiti ito "nakakapagod nga ang magtago ng nararamdaman" sabi nito saka binaling ang tingin sa gawi kung saan sila Jennie, ayaw nang tignan ni Jisoo ang tinitignan nya kaya pinanatili sa kanya ang mga mata nito habang naghihintay ng sunod na sasabihin nya "na makita ang gusto mong may kasamang iba. Na masaya sa iba" tumingin sya kay Jisoo, bigla naman nakaramdam ng kaba sa tingin nyang iyong si Jisoo lalo na sa sinasabi nya.

"Magkaibigan talaga kayo ni Jennie noh?" nakangiting dagdag nito "pero bakit minsan subrang close nyo then suddenly may awkward na aura sainyo bigla?"

"Awkward?" napalunok na tanong ni Jisoo, kinakabahan sya parang may gustong sabihin si Doc sa kanya.

"Nararamdaman kong yon ang nararamdaman mo" seryosong sabi nito "At may dahilan kung bakit ganun kayo, alam kong alam mo kung ano ang dahilan na yon. Sya ba ang sinasabi mong nakadurog ng puso mo na nakwento mo kay Wendy?" tanong ni El na nakapagpatigil kay Jisoo.

Ganun ba sya kadaling basahin? Ganun ba kagaling na doc sa utak si Doc na nababasa nya ang hindi masabi ni Jisoo.

"Hindi ako magagalit" mahinahon at nakangiting sabi ni El sa kanya. "And there's no point on denying it, ideny mo man alam ko na"

Hindi agad sumagot si Jisoo, huminga ng malalim saka tumango
Sabi nya nga there's no point on denying it.

"Sya nga. Pero hindi mo kaylangan mangamba, doc. Alam kung may jowa sya at hindi ako gagawa ng bagay na makakasira sa kanila" pagpapaliwanag naman ni Jisoo ng biglang umepal ang isip nya at nagsabi, Really. Let's talk about what happened last night?

Hindi ko naman ginawa yon para sabihin kay King at sirain sila. Hindi ko lang napigilan sarili ko o oo na ayaw kung pigilan. Pero hindi ko yon gagamitin para masira sila, depensa naman ng isang bahagi ng utak nya.

Ngumiti si El, nasasaktan din ito sa nakikita nya at nahahalata nya lalo na ay may gusto sya kay Jisoo. Nasaktan sya nung mabasted sya pero hindi nya gustong mamroblema si Jisoo kaya naman pinakita nya ok lang, na tanggap nya at maghihintay sya na mahalin din sya ni Jisoo.

"I know. Hindi ikaw ang taong ganun" sabi nito.

Kaya nga minahal kita dagdag nito sa isip nya.

Dahil sa sinabi at ginagawa nya ngayon ay mas bumibigat ang sakit na nararamdaman ni Jisoo. Nasasaktan sya dahil sa hindi sya pwede kay Jennie at nasasaktan din sya dahil sa mabait at mapag-unawang lalake sa harap nya.

"Sorry"

Sorry kasi mali ang lahat ng naiisip mo sakin. Hindi ako ganun, nakagawa ako ng kasalanan na pwede silang masira. Sorry kasi nasasaktan ka ngayon dahil sakin pagpapatuloy ni Jisoo sa isip nya.

Ngumiti ito "Masakit sa totoo lang" pag-aamin ni El "pero wala akong magagawa. Hindi natin natuturuan ang puso. Nakakatakot lang na pati ang pinsan ko masaktan" sabi nya na nakapagpayuko kay Jisoo

"Hindi. Sya ang bf kaya hindi sya masasaktan kasi sya ang pinili at sa nakita naman natin sya parin ang patuloy na pipiliin" sabi nya, saka nya naalala yong yakapan ni Jerome at Jennie.

"Minsan hindi mahalaga ang titulo na nasayo kung ang kalaban mo ang totoong nararamdaman ng tao. Madaling magbigay ng titulo o label sa ibang tao ang masakit lang sa panahon na ito mahirap panindigan iyon. Madaling sabihin ang mga bagay bagay pero mahirap patunayn kung totoo ang mga yon" sabi ni El na nakapagpatango kay Jisoo.

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon