~Jennie
Argh! Daing ko sa isip ko ng magmulat ako ng mata at ramdam ko ang sakit ng ulo't katawan ko.
Tumingin ako sa wall clock ko, 9:58am? Napanguso naman ako dahil sa masakit talaga ang ulo ko, tsk! Kinapa ko ang cp ko na nasa higaan ko ng mabigla akong mukha ni Jisoo na natutulog ang bumungad sakin.
Hahaha! Bwisit! Hindi namin napatay yong video call.
Ano kayang oras ito nakatulog? Alam kong nauna akong nakatulog dahil sa naalala ko pang nag eedit pa sya nung unti unti akong madaig ng antok. Kagabi lang ata ako nakatulog ng hindi dahilan ng pag iyak kundi dahil lang sa nakatingin ako sa wall ng kwarto ng isang tao na katawagan ko sa video call, which is good. Nagising akong heart broken pa rin at masakit ang ulo dahil sa alak kagabi pero hindi maga ang mata sa kakaiyak.
Tinignan ko ulit ang mukha nya, walang duda nakatulong sya sa heart broken na tulad ko. Yong sinabi nya palang kagabi sa bar ay hindi ko alam kung bakit nakagaan ng loob ko.
Flashback...
" hindi madaling makalimot at alisin ang pagmamahal mo sa isang tao lalo na kung minahal mo talaga" nakangiti nyang sabi, bigla naman akong nailing ng hindi ko maintindihan kaya napabaling ako ng tingin sa iba. "Kaya take your time. Makakamove on ka din nya" sabi nya ng tignan ko ulit sya nakatutok na naman sya sa cp nya.
Napangiti ako dahil sya lang ang taong nagsabi nun. Lahat kasi sila sinabi na 'hindi na dapat iyakan ang lalakeng yon. Na pinagpalit ang magtatatlong taon naming relasyon sa isang babaeng hindi naman kagandahan tulad ko.', o yong iba naman sabi 'madami pa dyan iba', move on', lahat sila parang pinipilit nila akong mag move on na ang hirap talaga. Buti pa itong parang paki na ito na parang walang paki nakasabi nun. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit pero baka yong mga kataga lang na binitawan nya ang kaylangan ko from the world full of people saying 'Tagal na nun ah. Move on. Meron na nga syang iba. Ikaw nandun ka parin sa mga panahong kayo?' yong parang mas naiinip sila kaysa sakin makamove on, kung alam lang nila kung ganu ko gustong mawala ang sakit, pangungulila at well, hope na kahit kunti na may pag asa pa kaming magbalikan kahit alam kong may bago na sya.
Totoo nga yong mga naririnig ko sa tibong ito. Hindi lang sa galing nyang kumanta, maganda ang mukha nya ka mapapaha---
"Stop checking me out"
Yong ok na sana at pinupuri ko na sya sa isip ko pero pinutol nya dahil sa mayabang nyang banat na yon, sinabayan pa ng ngisi.
End of flashback....
Tsk! turn off, pero bumawi naman ng hinatid nya ako at ng mga malalandi nyang mga banat bago kami maghiwalay pati yong pagpayag nyang ng video call. Over all naman nakatulong talaga sya. Ngumiti ako saka ko ine-screen shoot yon mukha nya, kunting Segundo pa pagkatapos nun at biglang parang gumalaw sya kaya naman natumba yong cp nya, kaya wala na akong nakita kundi itim na lang. Inend ko na ang tawag para bumaba na din at kumain.
***
~Jisoo
Sadyang mapaglaro ang
Palad ko't tadhana
Puso'y napadpad sa'yo at
Sinawalang bahala
Ang mga tanong, mgababala
Dagling binigay ko ang lahat
"Oh?" nakapikit at asar kong sagot sa tawag.
"Anong oh? Gising na 11am na maghahanda ka pa para sa raket mo at para makaalis ka ng 12-1pm kasi pagtraffic aabutin ka ng 2 oras o mahigit sa byahe. Kung hindi naman traffic mas magandang maaga kaysa sa late" Sunod sunod na sabi ni V sa kabilang linya "Hoy!"
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...