~3rd person
Pagkalabas ni Jisoo sa cr ay naabutan nya si El na nakahiga na habang napapikit sa sofa, halatang hindi pa ito tulog dahil sa ikot lang ng ikot ito sa sofa habang si Jeroma ay nagliligpit na ng kalat. Ngumiti ito sa kanya ng makita sya kaya ganun din ang ginawa nya, ramdam nya naman ang paglabas ni Jennie sa cr.
"Sa tingin ko kaylangan ko ng bumalik sa room ko" sabi nya.
Tumango naman habang nakangiti si Jerome. "Ako ng bahala dito, tumawag na din ako ng staff ng hotel kung may pwede bang maglinis nito sa ganitong oras"
Tumingin naman si Jisoo kay Jennie, hindi sya nagsalita pero inaasahang makuha ni Jennie ang gusto nya sa pamamagitan ng tingin nya lang, ngumiti ito sa kanya "Sama na ako sa kanya Je" pagpapaalam nito sa binata, napangiti si Jisoo habang ang binata ay nagulat.
"Babe?" tawag ni Jerome kay Jennie "You are not coming with me? Pano yong paguusapan natin?"
Tumingin naman si Jennie muna kay Jisoo bago binalin ang tingin nya kay Jerome "Maybe tomorrow, medyo pagod na tayo lahat, nakainom pa, magpahinga muna tayo"
"Ok, but you know you can sleep in my room" sabi ni Jerome, na kinabuntong hininga na lang ni Jisoo. Ayaw nya ng ideyang yon.
Napansin din ni Jennie na parang nawalan ng mood si Jisoo dahil sa sinabi ni Jerome kaya lumapit sya dito "But I prefer to sleep with her. I mean, in her room"
Tumango naman si Jerome "Ok, bukas na lang" nakangiting sabi ni Jerome kaya umalis na sila.
Habang naglalakad sila papunta sa room ni Jisoo ay walang nagsalita sa kanila. Si Jennie na kating kati ng magsalita ay piniling hintayin si Jisoong maunang magopen ng topic about sa kiss, pero hindi nangyari ang inaasahan nya hanggang makarating sila sa room nito.
Magsasalita na sana si Jennie ng bigla naman nagpaalam sa kanya si Jisoong maglilinis na sya ng katawan kaya napanguso at tango na lang ang dalaga.
Habang naghihintay matapos si Jisoo sa cr ay nag iisip na si Jennie ng sasabihin.
Kaylangan ba ako yong unang magtanong o mag open about dun?
Hindi ba pwedeng sya? Sya naman yong hindi straight samin dito?
O hindi na din ba ako straight dahil sa gusto ko sya?
Oo, hindi na nga ako straight at wala naman kaso sakin na hindi na ako straight, ang akin lang, hindi ba namin pag-uusapan yon?
Sunod sunod na sabi ni Jennie sa isip nya.
Habang namomroblema sa dapat sabihin o gawin pagkalabas ni Jisoo ay hindi nya naman maiwasang mapangiti at mapahawak sa labi nya, ulit inalala ang mga lasa ng labi ni Jisoo.
Ang harot talaga ng labi ni Jisoo, hindi lang sa pagsasalita kundi sa panghahalik.
Bigla naman syang napahawak sa magkabilang pisngi nya habang nakangiti dahil sa naramdaman nya naman nag-init ang mga ito dahil sa naalala.
Pero saglit lang ng marinig nyang magbukas ang pinto kaya agad nyang inalis ang mga kamay nya sa pisngi at umupo sa kama ng maayos saka nagpoker face.
"Tapos ka na?" tanong nya kay Jisoo, hindi naman ito makatingin sa kanya, tumango lang.
Tsk! Manghahalik halik saka mahihiya. Napangisi si Jennie habang iniisip ito pero agad napababa ang nakaangat nyang gilid ng labi ng biglang tumingin si Jisoo sa kanya, bigla syang nataranta kaya nyang inilag ang tingin nya at nagkunwaring hindi nakatingin kanina kay Jisoo. Sa pagkakataong ito si Jisoo naman ang napangiti sa kinikilos nya.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...